Thursday, December 24, 2009

Shop na shop na eh!

SHOP NA SHOP NA EH!

Dito sa Amerika mahilig ang mga tao mag shopping. Kung nababalitaan niyo nandito nagkalat ang mga sira-ulong gumigising ng alas tres ng madaling araw para mauna pumila sa "Holiday Sales". Nagaganap ang Holiday sales tuwing Holiday at day after ng Holiday, umaabot ng 80-90 percent discount ang mga bilihin,Ang dating luya na $1.00 10 cents na lang ang isa, nakanaks hindi ba?

Nagkaroon ng promo ang isang malaking shopping mall dito sa Los Angeles kaliporniya, ang first 100 shoppers na pipila ay bibigyan ng $100 gift card. Alas kuwatro ng umaga ang bukas ng mall,3am bumukas ang mata ko, gumising na ako para maghanda at siguraduhing isa ako sa papalaring makatanggap ng $100 pang shopping. Malamig ang simoy ng hangin, kay saya ng bawat damdamin este malamig ang panahon kailangan kong magsuot ng tatlong jacket para
hindi ako lamigin habang nag hahantay ng pag bukas ng mall. Abay siyempre isa ako sa siraulong naka kalat dito sa kaliporniya kaya dapat naka pila din ako.

Pagkarating ko, uyy ayos may mga tao na, nawala ang akala kong ako lang ang unang una at kaisa isang nakapila duon. Ayos toh sigurado pasok ako sa isang daan. Lumipas ang ilang minuto tiktak tiktak, ayan lumipas ulit ang maraming minuto mag bubukas na ang mall. Nakangisi pa ako sapagkat hindi ako huling huli sa pila, pasok ako malamang wohoo! nakita ko ang pila kahaba haba di mo na makikita ang dulo.

Binuksan na ang mall,nag roll na rin ang camera at reporter,tumalon ng bahagya ang puso ko sigawan at palakpakan ang mga tao. Shop na shop na ang mga shoppers. Pakiramdam ko ay para akong nasa isang madugong labanan na makikipag agawan sa mga ilang
items na nasa aking listahan. Bininbigyan na ang first 100 shoppers ng tig iisang $100 gift card, isa isang pumapasok. Number 1, 2 , 3 . . . 50. . .60 . .70 . . taena palapit na ng palapit ako. 80. .81. .89. . . kabog ng kabog na puso ko. Yung isang aleng halatang pilipina nakakahiya nag rorosaryo pa para umabot sa first 100, syit pasok siya epektib! 90. .91. . taena malapit na ako! . . 94. . syiittt! 98. . Sumigaw yung clerk na last 2! 99. ...100! Kinunan ng camera at ininterview
ang expression ng ika isang daan shopper.

Pang 101 ako! Put*#@! B.S! Fu#!@ Parang gusto ko maiyak, mag indian sit sa harap nila at mag lumpasay ng mga panahong iyon. Pumasok akong duguan, hinayang na hinayang ako. kung 2:58am ako gumising baka ako pa yung ika isang daan. Nawalan ako ng gana,
sumakay ako ng kotse at nag maneho pauwi ng bahay, binangga ko ang lahat ng kotseng naka park sa mall na iyon. Isa lang ang nasa isip ko, ang banggain ang 101 na cars na makita ko.

The end. Kwentong katha lamang iyan, nasa katinuan pa ako dito. Hindi ako pipila sa $100, $1000 pwede pa.

Maligayang Pasko mga katuga!

20 comments:

  1. wahihi!
    bukas pa mangyayari yan parekoy.
    Dec. 26? hmmmm...
    baka magbago pa ang isip mo.lols

    sayang din ang $100 gift card kung sakali. kung 3hours ka pipila, atleast parang bayad ka ng 33dollars an hour. panalo ka pa rin! ahehehe

    happy Holidays!!!

    ReplyDelete
  2. waw. sana may ganyan sa mga mall dito.
    wasak ang mga entrance panigurado.
    maligayang pasko!

    ReplyDelete
  3. hahaha! adik ka. kala ko totoo na un. langyang yan..

    di rin ako pumila kahit san eh. tinulog ko ng mahimbing dahil may work ako ng gabi..

    Merry Christmas and Happy New Year!

    ReplyDelete
  4. Harbs: :)

    kosa: parang bayad nga rin no di ko naisip un hmp

    Manik: oo nga walang ganyan jan

    chiklets: oo nga mag work ka na lang mas madami pang kita

    ReplyDelete
  5. haha. adiiiiikk. para akong nagbabasa ng suspense na libro na excited na sa climax (libro ba talaga? haha) tas biglang bawi ksi hindi pala totoo. hahaha. merry christmas!

    ReplyDelete
  6. hala!!!! naku kung may ganyan dito.. for sure, STAMPEDE!!!

    meri xmas sayu kuya.. ;)

    ReplyDelete
  7. malapit na putukan yipeeeeeeeeeeee......

    paputukan mo ako ha!!! hahahaha choz

    happy new year Paps....

    ReplyDelete
  8. Happy New Year! Sana mag ka internet ka na!

    ReplyDelete
  9. sarap siguro mag pasko ng may snow! yihee. heypii new year ;0

    ReplyDelete
  10. @soeibeans: hahaha. saya naman at nagustuhan mo. hehehe

    @aneng: uu nga, wala ako nabalitaan na may ganyan sa pilipinas

    @yj: happy new year. mag papaputok ka ba?

    @jepoy: may internet naman ako ah. hahaha.

    ReplyDelete
  11. @missGuided: ahmm. masaya din naman kahet walang snow. :)

    ReplyDelete
  12. may license ka na sa states?

    ReplyDelete
  13. @popoy: license san? mag maneho? wala

    ReplyDelete
  14. Parang kinabahan din ako habang nagbabasa wahaha anubayan....

    ReplyDelete
  15. Paps:

    Actually, you can use your Philippine License until you get your US license. Magagamit mo iyan to secure a learner's permit to familiarize yourself to the nuances of traffic regulations in north America. Once you get the license, you can drive to Canada and Mexico as well. Pareho kasi ang driving sa tatlong bansang ito. Basta't during your road test, MAG-DRAMA ka. Meaning, kailangang ipakita mo sa examiner, step-by-step kung paano ka magsisimulang magpatakbo ng car. Pagkaupo mo sa harap ng manibela, seat belt agad. Tapos, kunyari, inaayos mo ang iyong rear-view mirror na kunyari ay talagang eksaktong makikita mo sa pag-drive. Basta't ang tatandaan mo lang, make sure you are running the right speed. Kung nasa school zone, siyempre may limit ang speed. Kasi, kapag lumagpas ka sa speed, eh, bagsak ka na agad.

    Another important thing: pedestrians. Sila palagi ang may right of way. Kapag papalapit ka sa intersection at may taong humakbang pababa sa kalye para tumawid, tigil ka, let the person cross the street. Maski mga ilang metro pa ang layo mo sa gustong tumawid, mag-slow down ka na para alam ng examiner na may tangka kang tumigil para padaanin yung tao.

    Backing up is alo part of the test, minsan, buong block, paaatrasin ka. Parallel parking din. Pati hand signals, ipagagawa sa iyo.

    Good luck and happy new year sa iyo.

    ReplyDelete
  16. @glentot: salamat sa kaba lols

    @coolcanadian: salamat sa mga tips. hindi ko kakalimutan yan. :) nakanaks. sana dito ka kaw magturo hahaha

    ReplyDelete
  17. http://deathbyporno.sensualwriter.com

    xchange links pls. im a follower of your blog
    :)

    ReplyDelete
  18. papa piolo . . . wholesome tayo dito haaha

    ReplyDelete