Tuesday, January 5, 2010

DOKTOR KWAK KWAK

Pag ganitong mga panahon ng kainan, hindi lang presyo ng mga manok at baboy ang nag tataasan, nag tataasan din ang mga kolesterol at taba taba natin sa katawan. Sa edad kong bente uno anyos hindi raw normal ang blood pressure ko 150/95 ang bp ko. 120/80 ang normal depende sa edad iyan.

Nakaramdam ako ng pag kahilo at hindi normal na pakiramdam netong mga nag daang araw.
Panay taba ng baboy, balat ng manok,taba ng baka, taba ng isda, talaba, tahong, talangka, taba ng alimango, taba ng kangkong ang nilantakan ko netong nakaraang araw na sa tingin ko ay nakapag dulot ng sangkaterbang hilo sa akin. Umaatake na naman ang kaaway kong si hypertension. Para akong meron (regla) pag sinusumpong ako ng hypertension (o highblood sa wikang kanto). Laging mainit ang mga ulo ko pag may sumpong ako.

Kaya naman nag pa tingin na ako sa doktor para malaman kung may sakit ba ako. Ang mga doktor pa naman palagi kang may sakit pag nag papa check up ka, pag di ka nag pa check up
wala kang sakit. Ang husga ng doktor pagkatapos ng check up ko ay "Hypertension" hindi na ako nabigla, expected ko na yun, ikagulat ko pa kung hypotension sakit ko kumain ba naman ako ng sangkaterbang taba netong mga nagdaang araw.

Kaya naman sinermonan na ako ng doktor na itago na lang natin sa pangalang Dok. Ang daming
sinabi netong kanong dok na ito sa akin kala naman niya na intindihan ko lahat. Ang naalala ko lang kailangan ko daw umiwas sa mga taba, huwag daw ako kumain ng itlog masiyado, bilhin ko daw na gatas ay lowfat at bawas bawasan ang mga junkfoods tulad ng chicharon.Alam ko naman daw na may hypertension ako pero kumain pa rin ako ng matataba. Hindi ko nagustuhan
ang sermon at tono ng doktor na yaon, para akong isang palamunin niya na kung mag sermon ay dinaig pa ang erpat at ermat ko sa pag bawal sa pagkain. Kailangan ko bumalik sa kanya after a week para sa follow up.

Kaya naman pag labas ko ng ospital, dumiretso na ako sa market para sundin ang mga sinabi ni
dok. Bumili ako ng High Fat Milk (Rich in protein and calcium), 1 dozen of egg ( 2 sunny side up
every morning for breakfast ang plano ko kainin for six days), chicharons for snack and porkchop for lunch. Nag fried ako agad ng porkchop pag dating ko hmmm yummy!

After a week bumalik na ako sa ospital for follow up check up. Chineck na nila kung nag improve
ang health status ko. Naka ngiti lang ako kay dok alam ko at expected kong parang walang pag babago ang magiging result ang worst ay lumala pa ang sabihin niya. Pero alam niyo ba kung ano ang sabi niya?

Dok: " Hey kiddo! You are doing pretty good! keep it up. Eat less fat and you'll be fine"

Paps: Taena naisahan ata ako ng dok na ito ah!

27 comments:

  1. babate lang sa u papa pabz ng hapi new year! :D

    ReplyDelete
  2. woooh.
    hunyango si doc.
    wahaha..

    paepal as page mo.
    nakibasa.

    ReplyDelete
  3. lol, expected ko sesermonan ka nanaman mula ulo hangang kuko. eh bat ganun ? lol

    ReplyDelete
  4. Hayun nag balik na si Papsikels! Na miss ko ang punch line ng ka-blogs-tugan. Cheers sa ating mga alagad ng Sining (May masabi lang)

    ReplyDelete
  5. wahahaha.. taeng dok yan! =)) adik! hahaha...

    hapi new year paps! ingat ingat nman!

    ReplyDelete
  6. nakaw..nakadale na naman ng dolyar si dok..madaming gnyan sa hospital lalo na sa hospital na pinanggalingan ko..musta tol?

    ReplyDelete
  7. @ming: anong cool dun hmp.

    @vonfire: happy new yr din. di ka na naman nag basa ng psot ko lols

    @aneng: salamat sa pag daan daan lag ng daan. ano ang hnyango

    @cay cayy. mukhang di naman totoo si dok

    ReplyDelete
  8. @jepoy: isa ka pa. magbasa ka ng sinulat ko. umayos ka. hahaha. oo im back

    @kox: hahaha. uu adik!

    @rico: mabuti naman parekoy. ikaw ng kamusta lols. oo daming ganyang dok

    ReplyDelete
  9. Ahaha mga doktor na imbentor... Get your money back!!!!

    ReplyDelete
  10. Paps:

    I think you should do what I am doing: be a vegetarian. Lol. Green salad, garden salad, fruit salad, tofu, basta prutas at veggies, damihan mo, kainin mo araw-araw. Tapos, langoy ka maski 3 times a week. Mag-jogging ka kahi't 20 minutes daily, drink a lot of water, stay away from too much carbohydrates, sugar, and yes, uulitin ko ang sinabi ni doc: FAT.

    Kung ikaw kakain chicken, iwasan plito. Masyado malami mantika iyan. Lagay mo oven pala wala mantika. Alisin balat, huwak kainin kolestelol. Kaysa meat, fish na lang ikaw palit, baked o ihaw. Kung talagang addict ka karne, kain ikaw TURKEY. Mababa fat. Ikaw iwas PASTRIES. Masyalo mataba.

    Mak-expeliment ka muna. 1 week, ganito iyo gawa-gawa:

    Breakfast:
    • hard boiled egg (huwak ikaw kain egg yolk), Kain puti, tapon yellow.
    • Wheat bread (huwak ikaw kain white!) Cereal puwele pa.
    • Ikaw pahid Becel sa tinapay, huwak butter
    • Fruit, two to three kinds
    • Coffee but make sure the creamer is 10% milk

    Kung ako ang masusunod, Fruit platter at coffee ay ayos na. Very healthy iyan.

    For Lunch:
    Make sure my raw veggie salad ka.Rice, don't eat white. Brown is healthy, 1 cup only.
    Kung meat, make sure kasinlaki lang ng deck of card ang size.
    Two-three fruits

    For dinner:
    Veggie salad ULIT! Prutas ULIT!
    Huwak ikaw kain Pizza, Hamburger, hot dog, fries.
    Huwak ikaw pasok-pasok McDonald's, King Burger, Wendy's, huwak ka rin pasok-pasok dun insik restawran maka ikaw uwi sa stroke, maka ikaw baksak ospital, maka patay-lo pa.
    Ikaw umpisa na wolk out (sensiya na, ako ganito salita ngayon, possessed bad ispilit insik).

    Ayan. Pak di pa bumaba blood plessule mo niyan, piaw-si-ngi, langshaw na.

    Kung blood plessule mo taas-taas pa lin, ikaw inom gamot pala di na iyan taas-taas. Pak taas kasi blad plessule, glabe tlabaho iyo puso. Kailangan mo pa iyan pakdating valentine's day.
    Lol.

    ReplyDelete
  11. @coolcanadian: nasubukan ko na maging semi vegetarian dati pero 2 months lang tinagal ko para ako na dedeprive sa laman. hahahaha. saka sa tingin ko parang nakakabawas ng pagkalalaki. hahaha

    ReplyDelete
  12. Paps:

    Dito sa north America, ang daming selection ng vegetarian dishes. Hindi mo akakalaing gawa sa vegetable. Very yummy, looks good and very healthy. Try going to a vegetarian restaurant. You'll be amazed how good the food tastes. Actually, magiging four times ang dami ng iyong semen kung vegetarian ka. Tapos, yung GF mo, matutuwa dahil ayon sa mga studies, naglalasang matamis ang semen kung vegetarian ang lalaki. Ang daming mga babaing ayaw mag-lolipop sa kanilang boyfriend kung meat eater ito, kasi napakapait daw ng lasa ng tamod.

    Ayan, we're now calling spade a spade. Para malaman natin ang reaction ng mga blog visitors mo, mag-post ka siguro ng topic na: Ano ang kaibhan ng lasa ng tamod ng isang vegetarian at carnivore? For ladies and badings only. Ayan, dito natin mapapatunayan kung totoo nga ang chismis.

    LOL!

    ReplyDelete
  13. Taena!
    (walang masabi sa comment ni CC)

    *********

    haha. Nakakatuwa naman yung dok na yun! Ang alam ko Lang parekoy, masmalaking amount ng cholesterol ang nakukuha sa skin ng Manok Lesa saan pa man!

    Siguro, medyo iwasan mo na rin ng konte.. Lahat kse ng sobra eh Hindi maganda ang resulta. Baka ngayun eh ok ok pa. Bukas naipunan ka na pala... Lalo na NASA medyo malamig kang bahagi ng mundo(?) mahirap tunawin ang TABA.

    ReplyDelete
  14. bwisit na doktor yan. kaya ako hindi rin nagpupunta sa doktor eh. mas magkakasakit ka sa mga kagaguhang sinasabi nila..

    anyway ingat ingat lang paps. :D

    ReplyDelete
  15. nakows.
    baka nasobrahan ka lang sa kakakain ng seafoods? dahandahan sa tahong.
    xD

    ReplyDelete
  16. aba aba si doc hehehe happy new year paps :)

    ReplyDelete
  17. hi! first time ko dito at kwela ng experience mo a! imagine, kumain ka na ng bawal, gumastos ka pa ng pagkarami-rami (ospital at ung mga bawal), tapos healthy ka naman pala! ayus!!! hahaha! :D

    ReplyDelete
  18. @cool canadian: parekoy ganun ba un. maka balik loob nga ulit sa pagiging vegie! haha hmmm. yung topic mo ay medyo kakaiba. aaha subukan natin yan

    @kosa: hirap nga pag pawisan dito wheeew. aya pala may nakikita akong matatabang mexicana nag bibilad sa araw siguro para matunaw ang taba

    @korki: may masabi ka lang e no. hahahaha

    @bongkito: welcome parekoy! balik ka ah ;)

    ReplyDelete
  19. buti di ka natuluyan. si joel alano namatay after a basketball game -- heart attack at 19. hehe oldies na talaga. google mo name nya baka may lumabas.

    ReplyDelete
  20. nyek bakit ganun??fake ata si dok eh..tsk tsk

    ReplyDelete
  21. @random:ano ako mamamatay din

    @superjaid: hahaha

    ReplyDelete
  22. ahaha. edi pagpatuloy mo lng pagkain ng mga matataas sa cholesterol.mas nakakabuti ata sayu un

    ReplyDelete
  23. @kiki: lols. tama ka diyan

    @rico: sige mag susulat ako para may mabasa ka at di mo ako ma miss. ahaha o baka mag sara na naman ang blog mo

    ReplyDelete
  24. galing naman ng doktor na yan, siguro masmaganda ang tamang inumin, at tamang pulutan. lol

    ReplyDelete