Saturday, August 10, 2013

Booo! Bano! Day 2

EKSENA SA LUGAWAN. DAY 2. SA WAKAS NA SUNDAN DIN ANG KWENTO.
Morning. Kalsada. Exterior.


Si Felicisimo naglalakad papalapit ng papalapit sa lugawan. Dahan dahang pumasok sa pinto.

Cut to Interior. Walang tao ang karinderya. Tahimik.
Maririnig lamang ang kumukulong lugaw. May konting langaw sa paligid.

Ooppss. May tao pala ang "tindera."

Umupo si Felicisimo sa upuan sa loob ng karinderya.
Sabay labas ng tindera. . .

Tindera: Kakain ka?

Felicisimo: Hende, hende, nandeyan ba si dok? Papagamot ko sana ubu ko.

Tindera: Karinderya to at hindi ospital!

Felicisimo: Oh yon naman pala. Malamang kakaen ako.

Tindera: Oh siya siya! Ano ang kakainin mo?

Felicisimo: Mirun ba kayung chikin juy at burgir stiyk?

Tindera: Lugawan to at hindi Jollibee!

Felicisimo: Oh yun naman pala. Ede malamang lugaw ang kakaenen ko. May eba pa ba kayong tenetenda?

Tindera: Wala lugaw lang.

Felicisimo: Oh eh nag tanong ka pa kung ano ang kakaenen ko.

Tindera: Yung lugaw mo, may laman o wala?

Felicisimo: Ay wala, penge lang bowl at kutsara.

Tindera: Ang ibig ko sabihin kung may laman ba na baboy o lugaw lang talaga.

Felicisimo: Magkano ba pag may baboy?

Tindera: 12 pesos.

Felicisimo: Pag wala?

Tindera:  Limam piso.

Felicisimo: Oh yung wala na lang. Sayang din ang siyete pesos. Pamasahe din yan.

Tindera: O sige. Ikaw talaga Felicisimo, araw araw ka na kumakain ng lugaw dito. Di mo pa rin alam ang presyo ng lugaw ko. (Lakad papuntang kusina para kumuha ng lugaw, tapos babalik. . )

Tindera: Ay nandito lang pala sa harap ko ang lugaw. (Biglang hahaluin ng malaking sandok ang kumukulong lugaw)

COMMERCIAL BREAK: 

Booo Bano Returns.

Camera focusing : Felicisimo Sisinga, hinihipan ang mainit na sabay ng lugaw.
Kain lang ng kain. Iinom ng tubig. Kain ulit. Malapit ng maubos ang lugaw. Biglang sisigaw. . .

Felicisimo: ANU BA NAMAN TUNG LUGAWWWWWW NYUUU!!!!! (Masuka suka)
Tindera: Bakit bakit?
Felicisimo: Mirun langaw ang lugaw mo!!!
Tindera: Aba eh sa halagang limam piso ano expect mong sahog. Baboy? (Sabay suklay ng buhok)

(Itutuloy)

- - - - -
Click here for first episode of Booo! Bano! 

Sunday, August 4, 2013

ANG TSISMIS

Have you ever been a victim of gossip? or have you ever been a participant in this activity? Sa palagay ko isa ito sa pinaka masalimuot na pang yayari na pwedeng maranasan ng isang tao. Yung tipong pinag pipyestahan ka ng mga tao at ikaw ang pinag uusapan. This morning I saw facebook statuses that talks about Chito & Neri's scandal. Some of them even posted the actual video. I almost played the video but something in my inner conscience stopped me. Siguro dahil hindi ko magawa ay dahil hinahangaan ko bilang magaling na pinoy artist si Chito Miranda.

Naisip ko lang bigla kung bakit may mga taong pinag lalaanan ng oras at pansin ang pagkakalat ng mga gantong pangyayari. Kung hindi ipagkakalat sa text, sa facebook, iti-tweet at gagawin ang lahat para sirain at pabagsakin ang taong na involve dito. Tanong ko lang brad, kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Chito? Ano ang mararamdaman mo kung pag pyestahan ka ng mga tao? Sa palagay ko, kaya may mga taong gustong manira ng taong mga sikat ay dahil gusto nila ma-idikit at ma-iangat din sila kahit papano sa kasikatan.

Dati noong hindi pa uso ang text at facebook eh mahirap magkalat ng tsismis. Pupunta ka pa sa kapitbahay para lamang ipagkalat ang balitang iyong nasagap, badtrip pa pag walang tao. Ngayon instant kalat na agad, isang tweet lang, facebook mo lang, intagram, tumblr, lahat yan madaling ikalat ang mga tsismis. Totoo man o hindi ang tsismis dapat hindi tayo sumasali sa mga ganyang uri ng activity. Hindi magandang hobby ang paninirang puri. Dapat kapag nakakarinig tayo ng hindi magagandang bagay eh hindi na natin pagkakalat, sa hanggang atin pa lang eh dapat nailibing na ang ganyang usapan.

Kapag may nasagap kang balita. Huwag mo na i-forward sa iba totoo man o hindi, lalo't ikakasira ng iba. Parang ganto lang yan brad. Ipag palagay natin na ang tsimis is equals to tae (tsimis = tae). Kapag ba ang tae nadaanan mo, bubungkalin at ipapakita mo pa ba sa iba? Hindi di ba? Ang tsismis ay parang tae, madumi, dapat itong iniiwasan, kinakalimutan at hindi na babalikan pa.

It says on Proverbs 26:20 "Without wood a fire goes out; without a gossip a quarrel dies down. Kapag may hindi magandang bagay na nangyari sa kapwa eh wag na pag usapan para tumahimik na. Apoy man kung wala ng masusunog eh titigil din yan. Huwag mo na lalagyan ng panibagong kahoy o gasolina para hindi na lumagablab. Iyan ang ginagawa ng mga nasa showbiz twing hapon ng linggo eh. Magkabilaang istasyon eh pag uusapan ang kung sino sinong artista. Tayo naman na nakakanood eh unconsciously na,  unaware pa na kung ano anong basura na pala ang nailagay natin sa tenga papasok sa utak natin.

Dapat gayahin natin si Jesus Christ. Nung time na may dinala sa kanyang babae na nangangalunya para batuhin ng bato hanggang mamatay, uso kase to noon eh. Astig si Jesus kase hindi na niya tinanong ang babae kung totoo ba ang pinararatang sa kanya, hindi na niya pinuntahan ang lalaki kung totoo ba o hindi. Ibig sabihin iniwasan na ni Jesus yung tsismis dahil alam niyang wala naman siyang mapapala. Baka madumihan lang ang isip niya at mahusgahan niya pa ang babaeng ito. Kaya sabi na lang niya"Mauna nang bumato ang walang kasalanan." Sure enough walang bumato at nag alisan na lahat. Let's be Christlike when we hear tsismis, wag na natin alamin at suriin kung totoo man ito o hindi, sa atin na lang yan brad, huwag ng ipagkalat pa sa iba dahil sa bandang huli kung ikaw man ang nagkalat ng tsismis, ikaw at ikaw din ang masisisi.

Kaya brad. Dwell on things worthy of praise na lang.

Finally, brethren, whatever is true, whatever is honorable, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is of good repute, if there is any excellence and if anything worthy of praise, let your mind dwell on these things. - Philippians 4:8

Tuesday, July 30, 2013

SUNTUKUN PA KITA

Sa Pilipinas ayos lang kahit gaano pa kalakas ang videoke niyo kapag may party paminsan-minsan. Kahit abutin pa kayo ng tatlong araw mula umaga, tanghali, hapon, gabi at madaling araw. Ayos lang yan basta buddy buddy kayo ng mga kapitbahay nyo. Tiisan lang, kapag sila ang may party sila ang mag iingay, kapag sa inyo ang party sa inyo ang videoke, kayo ang maingay, kayo ang masaya, kayo na talaga. Kaya sa oras na sila naman ang may party titiisin niyo rin lang hanggang matapos ang kasiyahan nila, kayo naman ang sasaya sa katahimikan na maidudulot ng pamilya nila. Okay lang yan katuga! Yan ang tinatawag na "Pakikisama". Pero kung hindi kayo good ni kapitbahay, alas sais pa lang ng hapon nandun na yan sa barangay nag susumbong dahil kaiingay niyo.

Meron namang hindi videoke, yung trip lang mag pa tugtog ng pagka lakas lakas at paulit ulit lang. Mas nakaka badtrip yon, iisang kanta tapos paulit ulit patutugtugin, Ano ba! Tapos ikaw ang mag dudusa talaga dahil na LSS sa kanta. "So ... call me maybe, lalalala call me maybe, call me maybe. . . Aggrrrrrhhhhhh!

Dito naman, ayos rin lang naman ang videoke. Basta wag lang aabutin ng madaling araw. Dahil di uso ang barangay tanod dito, pulis na agad! Cool di ba? Walang baston baston ng tanod dito, baril kung baril.:)

Isang araw may matanda kaming kasama dito, habang nag vivideoke ang pamilya sabi niya "Masiyadong yatang malakas, hinaan natin baka kagalitan tayo ng kapitbahay." Sagot ko naman "Hindi yan nay, kagagalitan tayo niyan kung doon tayo sa bahay nila mag kantahan, dito naman tayo sa bahay natin" Sagot niya "Sabagay, kung doon tayo sa bahay nila baka suntukun pa kita." (Suntukin pa tayo)

Friday, May 17, 2013

POINTING SYSTEM (Ting!)

Sabi ng kaibigan kong reader ng KBT. "Pre bakit ganyan ka naman? Pagkatapos mo kaming pakainin ng masarap mong adobo bigla mo kaming pakaka inin ng putaheng hindi namin alam?." Paano naman namin kakainin yan? Alam mo pre parang ang pakiramdam ko ay iniwan mo kami sa ere. Hindi mo ba alam na lagi kong binabalikan ang blog mo kahit mag pa ulit ulit na ako? Pero wala eh ang korny na ng bagong blog mo.

Sagot ko naman. "Bakit kase hindi mo tikman nang iyong malaman? Mas maraming kang pagkaing makakain   kung marami kang susubukan. Malay mo masarapan ka! Sumagot ulit siya. "Kase dapat hindi biglaan! yung tipong parang baby, hindi mo naman agad pakakainin ng karne ang baby na dalawang buwan pa lang! Dapat unti unti hanggat matutunan naming kainin ang pagkain mo.

Natahimik ako. Parang pumuntos siya. (Ting!)
Bago sumagot ulit. "Teka teka ano ba kase pinag uusapan natin?"
Yung blog mo! Bigla bigla kang nagpalit ng blog eh!

~ ~ ~

Kamusta mga katuga? Ayos pa ba kayo diyan? Na miss ko kayo ah! Talagang tumataba ang puso ko kapag may mga nakaka alala sa akin dito. Simula nang mag pa alam ako dito, marami akong nakilala na mga silent reader ng blog na ito. Salamat sa lahat ng nag message para kumontra, para mag paalam, mga nag inuman at sa mga nag rally sa edsa para hindi ko tanggalin ang blog na ito. Maraming salamat!

Konting balik tanaw lang. Ma-kwento ko lang mga katuga! Sa wakas ng panahon, sa hinaba haba ng kuko kong nagupit na, sa wakas nakatapos na rin ako ng kolehiyo. Wala akong pictures na ma ipapakita. Trust na lang mga brad (Oo maniwala kayo nakatapos ako. Haha!).

Actually, hindi talaga ako nag pakuha ng maraming pictures na naka toga. Pano ba naman ilang taon akong nag pa pogi sa klase, araw araw ata akong naliligo at nagpapabango pa tapos sa araw ng pagtatapos ko sa pag aaral eh pag susuotin lang ako ng parang kulambong itim, tas parang bestida na di matanto. Malabo talaga mga brad! Pero ayos lang nakaraos na rin ang araw na iyon, hindi mo alam kung magiging masaya ka sa itsura mo o hindi, pero yeah pinili kong maging masaya.

Inaabangan nga ni ermat yung picture frame ko na nakasuot ng toga, isasabit niya daw sa pader kahilera ng kuya kong nauna na. (Nauna nang grumaduate). Wala talagang maisasabit diyan me, sabi ko. Pwede ba yung picture ko na lang nung nag cosplay ako ng dao ming si ampogi ko nun! Di daw pwede. Ok.

~ ~ Anyhow, inihaw. Nice na miss ko ang mga inihaw na yan dito sa ka-blogs-tugan ah! Bakit ako sumulat ulit dito? Aside sa madami ang nag rerequest (maraming salamat) Napagtanto ko lang na pwede pa naman ako mag sulat dito kasabay ng pag susulat ko sa bago kong blog. Sabi nga ni kaibigang reader na ayaw tumikim ng bagong putahe. "Pre, bumalik ka na sa ka blogs tugan, nabubuhay ka pa sa mundo, madami ka pang pwedeng maisulat. Hindi naman lahat ng sinusulat mo masasama eh!" Normal lang sa tao ang mga nasusulat mong karanasan. Kung kasalanan man yung mga maisusulat mo ayos lang yun! Bakit di mo gamitin yun para matuto kami sa mga pag kakamali mo?"

(Ting!) Parang pumuntos nga siya ulit.

Saturday, November 10, 2012

Huling Sulat

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko uumpisahan at tatapusin ang sulat na ito. Apat na taon na rin pala ang blog na ito at sa loob ng apat na taon ay napamahal na kayo sa akin mga katuga (naks). Gusto ko magpasalamat sa lahat ng sumuporta ng blog na ito, sa lahat ng nakitawa, nakisaya at nakiluha sa akin, maraming salamat!

Sa mahigit dalawang libong blogger followers at facebook likes ng ka-blogs-tugan, iilan lang talaga ang nakakakilala sa akin dito sa totoong buhay. At hanggang ngayon Pablong Pabling at Paps pa rin ang tawag ninyo sa akin.

Matagal ng binabagabag ng Diyos ang puso ko na tanggalin na ang blog na ito dahil alam kong napaka-makasalanan ng mga kung ano anong sinulat ko sa mga nakaraang taon. Opo mga katuga, makasalanan ako! Lahat tayo makasalanan pero lahat tayo kayang patawarin ng Diyos sa ating mga kasalanan.

Nitong taon ay niyaya ako ng aking ex-girlfriend para magsimba sa church nila (Victory Christian Fellowship), matagal na akong kristyano pero hindi ko isinasabuhay ang mga aral ni Jesus Christ, kumbaga kristiyano lang ako kapag may kailangan ako, pero pag wala pinapamuhay ko pa rin ang kasalanan. Nitong taon din nawala na ang ex-girlfriend at alam kong tuluyang nawala na siya sa akin. Pero alam kong ibinigay niya sa akin ang pinakamagandang regalo - ang ipakilala sa akin ng husto ang Panginoong Diyos. At bago ko tanggalin ang blog na ito, gusto ko rin ipakilala sa inyo ang Panginoong Diyos.

Kasalanan ang nag hihiwalay sa atin sa Diyos. Ako mismo ay makasalanan, nagkasala. Kung mamamatay ako sigurado sa imyerno mapupunta ang kaluluwa ko. Pero dahil mahal niya tayo, ibinigay niya ang kanyang anak na si Jesus Christ para tubusin tayo sa ating mga kasalanan.  I am a sinner but God loves me so much that he sent his only son Jesus to die on the cros
s to save me from my sins (kung pwede pang gawing mas plural yan at dagdagan ng maraming letter s dahil sa sobrang dami ng kasalanan ko, gagawin kong sinsssssss eh) . And by faith I know when I die I am saved from the eternal torment in hell.

Who am I a sinner to enter the kingdom of God? Sa sobrang kabanalan ng Diyos ang kasalanan sa kanya ay nakasusuklam, nakaririndi, nakasusuka at kasulasulasok. I realized that as a son of God I need to depart from evil. Most of the time I use to excuse myself from doing or engaging into sin for the reason that I am only human "nagkakasala" and knowing that God will forgive me anyway. But this is so wrong in so many levels! 

The Lord said "Be holy because I am holy." Hindi naman sasabihin ng Diyos yan kung alam niyang hindi natin kaya. Gusto ko nang magbago ng tuluyan mga katuga at kalakip ng pagbabagong ito ay ayaw ko na ako pa mismo ang magiging daan upang magkasala ang mga tao. Marami akong kalokohan, kabastusan at kung ano anong kabulastugan na isinulat dito na maaring gamitin ni satanas para mahulog sa kasalanan ang isang tao. At dahil sa rason na ito - tatanggalin ko na ang blog na ito.

Nais kong ibahagi sa inyo ang pagmamahal ni Cristo. Sa mga gusto akong makilala sa totoong buhay i-add niyo lang ako sa inyong facebook. (Arkee Blu Robrigado Dioquino). Maraming salamat mga katuga, God bless you all at nawa tulad ko, makilala niyo rin ang Diyos dahil walang kapantay ang pag mamahal na kayang ibigay niya sa atin! I will be deleting this blog by the end of December.


For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. - John 3:16

Thursday, October 25, 2012

Holiday Freak Out!

Hindi ko minsan maintindihan kung bakit palaging may holiday dito. Parang makagat lang ng langgam ang kung sinong pulitiko o santo e mag kaka holiday na. Bilang isang estudyante pabor sakin ang holiday, laging walang pasok, yung 7 days a week na pasok ko pag may holiday twice a week na lang. Ganyan katindi ang holiday dito. Ganyan katindi! kaya mga estudyante dito lagpas tenga ngiti kapag may papalapit na bagyo este na holiday.

Kaso bilang isang mayaman ( hindi naman masama mangarap) ang holiday ay nakaka abala sa pang araw-araw na gawain. Tulad na lamang ng pag lilipat ng milyong milyong piso sa banko. Hindi mo magagawa yan kapag holiday, saturday at sunday. Isipin mo sa isang linggo imbes na 7 days a week ka nag lilipat ng milyon milyong piso 4X na lang sa isang linggo. Ang hassle di ba pre?

Kaya naman pag nag patayo na ako ng banko bukas o sa makalawa, itataob ko lahat ng mga banko na nag eexist sa mundo. Open ang banko ko 24/7 parang 7-11. Ang ka-ibahan lang namin sa 7-11 banko kami at hindi nag titinda ng siopao at footlong. Bukas din kami kapag saturday, sunday lalo na pag holiday!

Naiintindihan ko talaga kayo mga katuga! ganyan din ako, busy din ako pag monday to friday tapos kapag free ka ng holiday, saturday at sunday tsaka naman sarado ang mga ka-bankohan sa buong sulok ng daigdig.

May pinag dadaanan lang ako. Muntik lang tumaas ang BP ko dahil sa holiday na yan. Sarado ang mga banko, huminto ang mundo, nganga ang mga tao. Pero nag deep breathing exercises na lang ako at naalala ko ang bible verse na ito. Naks!

But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness,  gentleness, self-control; against such things there is no law.- Galatians 5:22-23