Thursday, October 25, 2012

Holiday Freak Out!

Hindi ko minsan maintindihan kung bakit palaging may holiday dito. Parang makagat lang ng langgam ang kung sinong pulitiko o santo e mag kaka holiday na. Bilang isang estudyante pabor sakin ang holiday, laging walang pasok, yung 7 days a week na pasok ko pag may holiday twice a week na lang. Ganyan katindi ang holiday dito. Ganyan katindi! kaya mga estudyante dito lagpas tenga ngiti kapag may papalapit na bagyo este na holiday.

Kaso bilang isang mayaman ( hindi naman masama mangarap) ang holiday ay nakaka abala sa pang araw-araw na gawain. Tulad na lamang ng pag lilipat ng milyong milyong piso sa banko. Hindi mo magagawa yan kapag holiday, saturday at sunday. Isipin mo sa isang linggo imbes na 7 days a week ka nag lilipat ng milyon milyong piso 4X na lang sa isang linggo. Ang hassle di ba pre?

Kaya naman pag nag patayo na ako ng banko bukas o sa makalawa, itataob ko lahat ng mga banko na nag eexist sa mundo. Open ang banko ko 24/7 parang 7-11. Ang ka-ibahan lang namin sa 7-11 banko kami at hindi nag titinda ng siopao at footlong. Bukas din kami kapag saturday, sunday lalo na pag holiday!

Naiintindihan ko talaga kayo mga katuga! ganyan din ako, busy din ako pag monday to friday tapos kapag free ka ng holiday, saturday at sunday tsaka naman sarado ang mga ka-bankohan sa buong sulok ng daigdig.

May pinag dadaanan lang ako. Muntik lang tumaas ang BP ko dahil sa holiday na yan. Sarado ang mga banko, huminto ang mundo, nganga ang mga tao. Pero nag deep breathing exercises na lang ako at naalala ko ang bible verse na ito. Naks!

But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness,  gentleness, self-control; against such things there is no law.- Galatians 5:22-23

38 comments:

  1. hassle nga paps ang paglilipat ng mga milyones natin kapag holiday ang bangko, naranasan ko na yan kaya ang nagawa ko na lang ay iimbak ito sa mala-palasyong bahay natin, alam mo na , na may gintong safety deposit box.. Anlaking tulong talaga ng bangko na 24/7 na bukas :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hayaan mo mag bubukas na ako ng banko. :)

      Delete
  2. mag hire ka rin ng mga sexy accountant para marami ka rin clients sa iyong ipapatayong banko. =))) happy long weekend!! ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo brad, sa umaga mga 26y/o and above, yung gabi 25 pababa. mga nakababa. . .

      Delete
  3. kawawa ka naman. dapat mag holiday kasi para fair sa kapatid nating muslim ;-)


    just me,
    www.phioxee.com

    ReplyDelete
  4. pasensiya na po phioxeee welcome sa kablogstugan ^_^

    ReplyDelete
  5. The reason banks aren't 24/7 are security purposes ,
    If a banks gets robbed at 3 A.M in the morning
    it's probably the banks fault too ...
    even superman needs to sleep once in a while.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa pag dalaw sa kablogstugan brader!... Malamang sa alamang may nag chachange shift din na mga employees di naman sila lang 24/7 dun

      Delete
  6. online transactions pre ayos na ata sa bangko kahit holiday. try mo na lungs! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo brad kaso di pa rin ma withdraw pag passbook

      Delete
  7. korak! hassle much nga... since nag-evolve na ang mga workdays para sa ibang maraming tao dapat ng-eevolve din ang sched ng mga bangko to accomodate and serve their clients better...

    ReplyDelete
  8. sana nga maayos yan ng mga banko... naalala ko lang nun emergency talaga... di maka withdraw.... sarado kasi ang banko....

    Buti ngayon marami na ang atm machine at may online transaction na....

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo pre hirap kapag emergency situations, kaya wag ka na umiyak brader mag tatayo na ako ng 24/7 bank.

      Delete
  9. buti na lng wala akong pera sa bangko ... hahahah following here!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat kulapitot sa pagdalaw, hayaan mo malipatan kita ng milyon milyon ko

      Delete
  10. hehe natawa ako dito...
    gusto ko yan 24/7 service... hehe
    nganga talaga ang sanlibutan pag sarado mga banko.

    buti na nga lang talaga wala din ako pera sa banko! hehehe

    ReplyDelete
  11. yan tayo jessica e. haha welcome po sa kablogstugan! ^__^

    ReplyDelete
  12. i-hire mo ko jan sa banko mo ah..pero 5 days a week lang ako papasok pwede?hehe.. enroll ka sa online banking para hindi masyado hassle kahit holiday wag lang mawawalan ng internet connection...

    ReplyDelete
    Replies
    1. meron akong online banking, my problem is hindi ako maka withdraw kase naka passbook ako. hahaha!

      Delete
  13. Ako dati galit ako sa holiday pero dahil may holiday pay ang saya ko na uli...

    ReplyDelete
  14. wala pong effect ang holiday kasi kahit may holiday o wala may trabaho po kami...kahit pasko...:( so sana magka holiday din kamiiiii! magwewelga talaga?...hihi thanks for reminding about the verse...we need to keep being reminded when challenged by time...:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. okay lang naman po yang trabaho pag holiday aktwali mas okay pa yan kase double pay :D

      Delete
  15. Naalala ko tuloy nung nagaaral palang ako, umpisa palang ng buwan tinatanong ko na kung may holiday. Hehe

    Oks lang yan pre, easy lang.

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  16. hahaha.. bukas na bukas umpisan na yan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nag umpisa na kame pareng kikomaxxx. hanap hanap lang. jk

      Delete
  17. sabay kambyo ng verse sa dulo..wehehhehe..

    dapat walang holiday ang banko. lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama, salamat bagotilyo bago ka ba dito? welcome parekoy!

      Delete
  18. Mukhang napapadalas yata ang mga quotes mo from the Bible. Ikaw baga'y Naging kasapi na ng Mormon at ngayon ay isa nang ELDER?
    O baka naman nakadungaw ka na sa WATCHTOWER at minamanmanan ang mga naggagandahang mga dilag na nagdaraan at kitang-kita ang mga boobs mula sa itaas?


    "Finally, brethren, whatever is true, whatever is honorable, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is of good repute, if there is any excellence and if anything worthy of praise, let your mind dwell on these things."

    Philippians 4:8

    ReplyDelete
  19. may punto k paps..kaya paborito kita...

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa iyo, kung sino ka man, sana mag pakilala ka. maraming salamat!

      Delete
  20. aabangan ko yang ipapatayo mong bangko paps. madalas kasi akong last minute na kung makapunta ng bangko minsan napapatakbo talaga ako para lang makahabol naku kaya laking tulong talaga kung may bangko na 24/7 =D

    ReplyDelete
  21. Actually, dito may bank na open ng sat and sun. Holidays lang talaga sila nagsasara. I'm sure aware ka dub. You'vE been here before. Dyan lang naman sa pinas palagi sarado ang bank. Haha. Naks, ikaw na religious! God bless u more paps!

    ReplyDelete
  22. Very interesting blog. A lot of blogs I see these days don't really provide anything that attract others, but I'm most definitely interested in this one. Just thought that I would post and let you know.

    ReplyDelete