Saturday, September 22, 2012

Paaaralin ko sila!

Karamihan sa mga scholarship programs ngayon ay puro lang para sa mga matatalinong mahihirap. Sa palagay ko hindi tama ito. Paano naman yung mga hindi matatalino? Hindi na makakapag aral? Ganon? Kapag yumaman ako at magkaroon ng tyansa na makapag tayo ng scholarship program,  paaaralin ko ang mga babaeng magagandang mahihirap. Walang entrance exam, 2x2 picture lang! Basta maganda pasok na at huwag nyong lagyan ng malisya, kayo talaga! libreng paaral ito na walang halong kapalit. Hindi ba kayo naawa? Dumadami na sila! Magaganda nga pero kapag tinanong mo ng 10 x 10 / 2 =  ____. Nganga!

At dahil sa hindi sila nakapag aral, sila yung mga babaeng magaganda na napupunta sa mga night clubs at ginagamit ang itsura nila para kumita ng pera. May nakausap ako noong babae na nag tatrabaho sa night club, nagkwento siya patungkol sa naganap na baha nung habagat. Binaha daw sila at lumangoy daw talaga siya dahil sa taas ng baha, napainom daw siya ng tubig baha. Kaya daw pag uwi niya ng bahay agad agad siyang uminom ng mainit na tubig para daw mamatay yung bacteria na nainom niya galing sa tubig baha. Napa nganga ako dun at kamuntik ng mapa tumbling sa joke niyang totoong ginawa niya pala. Kaya kapag ako ang yumaman. Paaaralin ko sila! Fair dapat!

Eh kung si God nga pantay pantay ang pag mamahal satin e. Dapat ganun din tayo.. Okay sige. Scholarship for all na lang! Hindi lang puro sa magagandang mahihirap, sama na din ang mga hindi magagandang mahihirap (luging lugi ah).

"For God does not show favoritism". Romans 2:11

Mahal niya tayong lahat :)

39 comments:

  1. ayos ang iyong punto sir. napansin mo din pala iyon. karaniwan na iyan ang pangyayari. naku lalo na sa mga probinsya. nganga nga sabi mo.

    magandang araw sa iyo sir

    ReplyDelete
    Replies
    1. magandang araw din sa iyo sir! salamat sa pag dalaw!

      Delete
  2. imperness, may point ka don. Dapat hindi lang yung matatalino ang may scholarship.

    Kasi minsan, matalino nga, umaatitude problem naman. Saka pano yung mga below average at average pero gusto ding mag-aral

    ReplyDelete
  3. may point ka jan at agree ako... sana matauhan din ung mga nagbibigay ng scholarship...

    follow my blog @ www.forcehash.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat sa pag dalaw sa kablogstugan! enjoy ur stay po!

      Delete
  4. tagal ko nang di nakakatambay dito. at sa aking muling pagdalaw, isang tatak paps nanaman ang aking naratnan! \m/

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat nobenta! ang pagdalaw mo dito ay isang malaking karangalan sa kablogstugan! naks!

      Delete
  5. sabi ko rin dati sa sarili ko pag yumaman ako..pagaaralin ko yung mga nakikita kong bata na nagtitinda sa kalye ng kung anu ano.. lalake man o babae para fair hehe..

    ReplyDelete
  6. haha ang dami kong kakilalang ganito. nyahaha kaya dapat nga silang pagaralin para di mapunta sa mga night clubs. pero mas magdan yung scholarship for all mo paps.

    ReplyDelete
  7. napa smile ako sa quote mo na
    "For God does not show favoritism". Romans 2:11


    scholarship for all! go! boom yan!

    ReplyDelete
  8. 2X2 puwede na? Wowie... paano kung PAMALO SA DALAG ang legs?
    Dapat ay full body photo. Pakuha sila ng digital shot, dalhin sa service bureau at magpa-print ng life size. Depende sa vital statistics ng applicant, gano'n katindi kung Full, half or 1/4 scholarship ang ipagkakaloob.

    "So God created woman in his own image" - Genesis 1:27

    ReplyDelete
    Replies
    1. mahirap mag apply sa iyo ah..dami requirements!

      salamat the cool canadian !

      Delete
  9. hongyomon mo paps!

    parang nakikita ko na ang future mo pag tumanda ka...DOM? hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. DOM? hahahaha! yan na nga ba sinasabi ko e. di ah!

      Delete
  10. Yung thesis adviser namin nung kolehiyo ako nagpaaral ng isang estupidyante e. Di daw kasi kaya yung tuition. Maganda din. Pero ang kondisyon niya pag nakatapos yung chikabebs, magpapa-aral din siya ng estupidyanteng kagaya niya. Suhestiyon lang sa skolarsyip program mo paps para mas madaming makapagaral at masagot yang tanong mo. Hehe.

    *Pareng Jay was here

    ReplyDelete
    Replies
    1. magandang ideya yan pareng jay!
      parang kilala kita hmmm?? tama ba?

      Delete
  11. tama ka jan.... oo nga parang unfair yang scholarship na puro matatalino lang, deserve din naman ng hindi naman katalinuhan ang mag-aral. sa pagkakataong ito kapag nakapag aral na eh di tatalino na. hohoho!

    ReplyDelete
  12. ayos ang adhikain . .sama ako jan bente :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa pag dalaw bagotilyo bago ah, ! kakabinata lang?

      Delete
  13. Naks, Paps the Philanthropist. Kailangan mo ng co-founder? Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay gusto ko yan. hahaha!
      saka ikaw na rin brader ang pipili kung sino ang mga pwede

      Delete
  14. Popondohan ko yang foundation mo! Basta ibigay mo sa'kin yung 2x2 pictures! lol. pero may punto ka talaga ser! sapul na sapul!

    ReplyDelete
    Replies
    1. iniisip ko kung 2x2 o 1x1 e. hmmm. masiyadong malaki yung 2x2.

      Delete
  15. astig!!! I support you 'tol with your plans!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat salamat! welcome ka kbt parekoy!

      Delete
  16. I agree! saka makakatulong un dun sa mga hindi katalinuhang mahihirap na madagdagan ang laman ng utak. dapat fair sa lahat, and give everyone a chance...

    ReplyDelete
  17. 3.O na pala..hgehehe
    tama ....fair dapat.....

    ReplyDelete
  18. Ikaw pa lang ang nakakaisip nyan ah! talino! haha!

    ReplyDelete
  19. ka aaliwm k tlaga paps

    ReplyDelete
  20. Same moment set up loans usually are a form of payday cash loans provided for your few weeks span around unexpected predicaments.
    That they don’t need any proof of situations’ unexpected, neither they require surety, credit standing or other things.
    Chances are you'll package if you want a, many necessary purchases or perhaps take care of your small business payments – Same exact evening installment lending products will help you in a cases. Now these kinds of mortgages are offered on line.

    My webpage: pożyczki bez bik

    ReplyDelete
  21. Equivalent day setting up borrowing products are usually a make of pay day loans furnished
    for just a four weeks period of time on urgent cases.
    Many don’t demand that proof of situations’ unexpected, neither of them they desire surety, history of credit neither other stuff.
    You'll program a holiday, many important purchases or maybe protect your organization payments – Identical moment setting up financial products just might help you in any instances. Today such lending products are offered internet.

    Also visit my web blog: pożyczka na dowód

    ReplyDelete