Monday, September 10, 2012

Sulat Para Sa Mga Kababaihan

(photo credits www.arclicks.tumblr.com)

Kamusta na mga katuga? Pasensiya na at ngayon lang ulit nakapag sulat. 7 days a week at 8 hrs a day kase ang pasok ko at medyo tinatapik at inaayos kase ni Papa Jesus ang buhay ko (Naks). Umpisahan na natin ang usapan.

 7 is to1 ang latest ratio ng female at male sa Pilipinas. Ibig sabihin merong pitong babae sa isang lalake. Saan galing ang statistics ko? Tanong mo sa DOH. Hindi niyo ba napapansin sa mga palabas netong mga nakaraan? Dati dalawang lalaki ang nag aagawan sa isang babae, ngayon kung napansin niyo mapa pelikula at palabas sa telebisyon dalawang babae na ang nag aagawan sa isang lalake.

Dati ang dalagang Pilipina, hindi yan lumalabas ng bahay, nandoon lang yan sa loob, nag susuklay ng mahabang buhok habang nakadungaw sa malaking bintana (malalaki talaga bintana noon dahil wala pang akyat bahay gang), sa hapon naman naka higa sila sa duyan habang nag babasa ng romantic pocket books. Hindi man sila masiyadong nakikita ng mga kalalakihan sa labas, wag ka sa labas ng bahay niyan kasing haba ng pila sa LRT ang manliligaw niyan.

Ngayon ang mga kababaihan laging ng nasa labas ng bahay at kahit ihampas nila ang kanilang beywang sa magkabilang sulok ng daigdig, pag uwi niyan single pa rin yan at wala man lang nag tangkang lalaki na makipag kilala sa kanya. Bakit kamo? Dahil kulang na nga ang mga kalalakihan ngayon. 7:1 nga di ba?

Kaya payo ko lang sa mga kababaihan, wag na po mapili, wag na po kayong "Ayoko nga diyan sa lalaking yan ang laki laki ng ilong! masinghot pa ako niyan! o kaya "Ayoko nga diyan sa lalaking niyan ang itim itim parang pwet ng kaldero!". Mga babes tandaan niyo 7:1 marami kang ka kumpetisyon. Malay mo  kapag di mo pa pinatulan yan last na manliligaw mo na yan at baka umabot ka na sa 75 single ka pa din and looking.

Pansin niyo dumadami din ang mga beauty salon ngayon? Kahit saang kanto ata makaka kita ka ng "REBOND 800 pesos only!" Uso ang rebond ng buhok sa mga kababaihan dahil ayon sa pag aaral, gusto nilang mag paganda at maka akit ng mga kalalakihan. Kaso lang di ko talaga maintindihan bakit pa rebond ng pa rebond sila ng buhok wala namang pinag bago ang mukha nila ganon pa din, mahaba. Di na lang ipunin yung pang rebond tapos pag malaki na yung pera, papalit sila mukha.

Di ba ang mga konti lang pinapahalagahan? Tulad ng diyamante, yung mga lalaki ngayon parang diyamante yan, mga babae parang bigas na lang. (Biro lang naman). Kaya mga girls dapat kayo na ang nanliligaw ngayon! (Biro lang naman ulit)

Pero kung plano talaga sa iyo ng Diyos na maging single ka, wag ka ng malungkot, malay mo bukas o sa makalawa single ka pa din, walang bago, pero wag ka mag alala merong mas higit na plano ang Diyos sa buhay mo.

God's plan is much bigger (and better) than ours. Sabi sa  Jeremiah 29:11 For I know the plans I have for you, "declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

- Pablong Pabling bagong buhay po!



(If you like to share this on facebook just hit the facebook button below. Thanks!)

35 comments:

  1. na miss kita pablo...uhm, pwedeng manligaw?? wahahahahaha....
    ayos tong post mo ah..hahaha..musta! ^.^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey miss hana banana! kamusta ka na?
      may commercial ka na ah. =)
      mahaba pila ng manliligaw ko e

      Delete
  2. Replies
    1. salamat pareng chilaxxx~
      sana tuloy tuloy na to :D

      Delete
  3. oi namiss kita ah..nag-post din after 10 years hehe..mas marami na pala ang mga babae ngaun..kaya siguro single pa rin ako haaay kainis naman...

    mas gusto ko yung dating ayos ng blog mo yung may pink na baboy :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat pink line for dropping by sa site ko.
      tagal kitang di nakita dito ah. =)
      oo medyo masaklap nga ang ratio na yan ngayon.
      pero wag mawalan ng pag asa,
      bata ka panaman :D

      Delete
  4. Welkam bak pre hehe. Dati yung mga pilipina kahit nasa bahay lang sexy padin. Ngayon pag nasa bahay lang sila nagiging snorlax.

    ReplyDelete
    Replies
    1. natatawa ko pre sa snorlaxxx
      ano ba yun? pero parang nakakatawa. haha

      Delete
  5. wow 7 is to 1 na ngayon ....partida di pa ata nakakacalculate ang mga bi at gay dyan hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha nakalimutan ko isama sa blog yung mga nalihis pa ng landas

      Delete
  6. Kamusta naman sa 7:1 na ratio, kaya pala uso na agawan ngayon, hehe! Dito lang sa Pilipinas yan di ba? so foreigner na lang hanapin ko, joke!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama. dito lang sa pinas yan.
      malay mo naman 10:1 sa iba. haha

      Delete
  7. haha... natawa nman akoh sa post moh paps... kaya nga pinatulan ko na syota koh ngaun kc nabalitaan koh na ren yang ratio na yan eh... mahirap nah... aheheh... lolz.. itz pretty ren 'ung difference nang mga babae non sa ngaun... kalerkei... ingatz... aja! kaya moh yang sched moh... pagbutihin moh nd Godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. mabuting desisyon yan dhianz.
      pero pag may dumating na mas gusto mo,
      sige lang ulit. :D

      Delete
  8. Kaya 7:1 nalang ang ratio ngayon dahil nagkalat na ang gays and bi. Tapos all the good men are taken pa.. Tapos ang choosy ko pa..
    Nice Artik Paps.. pasok sa banga.. =)

    --- sj (4 years nang single..)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey sj.
      i have a word for you.

      You'll never find the one if you dont mingle with everyone" :D

      Delete
    2. Hindi naman ako nagtiis maging single ng matagal na panahon para lang mauwi sa kung sino lang (Conceited? haha.)
      But on a serious note, i'll take your word paps. i'll try to mingle with everyone.. balitaan kita pag nahanap ko na si the one.. lolz..
      ---sj

      Delete
    3. hahaha! gusto ko yung sinabi mo na di ka nag titiis na maging single ng matagal na panahon para lang mauwi sa kung sino lang. niceee

      Delete
  9. hahaha, naku... dapat alam yan ng girls para wag na masyadong mataas ang standards.

    ReplyDelete
  10. tagal nag update ah! ganon 7:1??? so babae na dapat ang magkandarapa ngayon?! hahaha! joke lang! godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo ganon talaga. hahaha. panapanahon lang yan. :)
      musta na po?

      Delete
  11. sayang... noon kasi eh lalaki ang nag-aagawan sa babae. iba na pala ngayon. hindi na ko maagaw hehe.. pero malay ko baka sakali :)

    magandang araw sir, ayos na naman ang dale mo.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha./ ang kulit mo parekoy.
      okay na ngayon, di na tayo masiyadong mag hahabol.

      Delete
  12. waah for real ba to 7 to 1 na ang ratio ng babae sa lalaki? grabe naman. anyway..namiss kita paps. welcome back!=D

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo totoo yan superjaid. sabi ng DOH.
      haha. oo nga na miss ko din kayo :)

      Delete
  13. naks paps may panlalait tapos may bible quote sa dulo pambawi haha yan na ba ang rebirth? hehe ito pa matindi 7:1 na nga, mababawasan pa lalo kasi may mga bading. nabawasan na ang guys nadagdagan pa ang kaagaw ng girls.

    ReplyDelete
    Replies
    1. teka teka teka, nasan ang panlalait dun? hahaha!
      di ko nga nabanggait diyan ung mga bading. haha!

      Delete
  14. hoy halata namang na-basted ka. hahahaha!!! lol

    ReplyDelete
  15. haha. ayos itong ah. oo nga ano???? hehe... dami daming single na babae, kinukulang sa lalaki.. hhi

    ReplyDelete
  16. hey jessica welcome sa kablogstugan :D

    ReplyDelete
  17. ngayon ko lang naisip.. kaya pala nauuso na ang 2 babae at isang lalaki hehehe

    at maraming single na babae hehehe

    Thumbs Up!

    ReplyDelete
  18. sana babae na lng ako.. para makarami hehe.. joke lng!^^

    ReplyDelete