Saturday, June 23, 2012

Ang FUN-lilinlang


Kamakailan ay may nag shooting dito sa Pilipinas na Hollywood film. Iyon yung Bourne Legacy, ito yung mga panahong tuwang tuwa ang mga Pilipino dahil napili ang ilang bahagi ng Maynila na pag ganapan ng isang malaking pelikula. Ako hindi ako masiyadong natutuwa dahil naabala nila ako sa araw araw ko na normal na buhay. Akalain mong lakas loob nilang isinasara ang mga daan para sa pelikulang yan. Ilang oras ka matatrapik at mag kakandaletse letse habang tuwang tuwa ang mga kano na iyan sa kung gano kadumi, kasikip, katrapik at kapangit ng Maynila. 

Napanood ko ang trailer ng pelikula. Mas natuwa sana ako kung ang mga ipinakitang lugar ay yung kung saan maganda ang itsura at lagay ng bansa natin. Hindi kung saan trapik, kung saan ang asong ulol ay malayang tumae sa kalsada, makipot na iskenita, mga dyip na walang disiplina, iskwater area. Boom!!!. Asan ang its more fun in the Philippines? Sabi pa ng Department of Tourism "Malaking tulong daw ang pelikulang ito para sa turismo ng Pilipinas". LOLOLOLOL! Ikaw ba pupunta ka sa ganitong klaseng lugar? Mainit, hindi sumusunod sa stoplight ang mga sasakyan, sobrang trapik, siksikan sa LRT at MRT, kung saan saan tumatawid at bumababa ang mga pasahero. Kung saan pwedeng bayaran kahit barya ang pulis pag may atraso ka, kung saan ang kalsada ay isang malaking garbage bag, tapon dito at tapon doon, may bonus pa! papasok ka sa isang malaking pink na lata at doon pwede ka nang umihi till you drop, kung saan butas butas ang kalsada dahil sa mga pahukay ni mayor at walang deadline kung kelan dapat matapos, mausok na mga tambutso at itim na kulay ng hangin at lastly kung saan potaenang parang araw araw nasa hukay ang isa mong paa.

Sino ba talaga sa inyo ang mga proud na maging Pilipino? Puro kayo pakikipag away sa kung kanikaninong lahi, hindi niyo matanggap ang baho ng bansa natin. Kapag may tumapak satin sobra tayo kung tamaan. Bakit? Dahil totoo. Dahil hindi naman talaga It's more fun in the Philippines. Dahil ang totoo, laganap ang kidnaFUN, holdaFUN, carnaFUN, FUNdurukot, FUNkokotong, FUNre-rape, kahayuFUN, FUNngungurakot at FUNdarambong ng mga politician, hindi pa rin tayo makabangon sa kahiraFUN at higit sa lahat hindi talaga FUN ang ginagawa nilang FUNlilinlang sa mga pilipinong sinalat sa kaisiFUN.

Kaya kalokohan yang Its more fun in the Philippines! Ang kailangan natin maraming electric fan ng mahanginan ang mga nag papatakbo ng ating bayan at makapag isip ng tama.

Pasensiya na mga katuga. Paano ba natin ito masusulusyonan? Pa-BP nga.

ps: at please tigilan na ang pag yayabang na dito ginanap ang ilang bahagi ng eksena sa Bourne Legacy. Walang silang paki alam kung san ginanap yan, ang paki alam nila ay yung kwento ng pelikula. Hindi yung its more fun in the Philippines. Tragis. I'll brace myself, patriotic Filipinos are coming. 

46 comments:

  1. paps bumalik kah plah sa pinas? devah pumunta kah sa US?

    ReplyDelete
    Replies
    1. opo. dito na muna ako pang samantala :)

      Delete
  2. ramdam kita. pero di na ko magkocomment. makikitsismis na lang ako tulad ni ate dhi. nandito ka na ulit sa pinas paps?naguguluhan din ako eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nandito na ulit ako...
      babalik ako dun sa isang taon :)

      Delete
  3. Puro kayo pakikipag away sa kung kanikaninong lahi, hindi niyo matanggap ang baho ng bansa natin >>> tama! Masyadong ma-pride, puro pride ang mga tao sa pinas. Super sensitibo sa konting masamang puna sa bansa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama, eh kung tutuusin tayo malakas din makatawa sa ibang lahi. lol

      Delete
  4. ako pilipino lang nananalo si pakyaw! hehe. siyempre joke lang yun. relax lang ser. :)

    ReplyDelete
  5. Replies
    1. salamat po sa pag daan sa blog ko:) welcome po!

      Delete
  6. lahat naman ng bansa may pangit na side. kahit dito sa ushalimbawa, maraming hindi disiplinado.

    how about manny pacquiao, our famous beaches (boracay, el nido, peral farm, etc), our hospitality, etc...?

    inspite of all these (positive and negative sides), proud pa rin akong maging pinoy. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganyan talaga pag nasa ibang bansa ka.
      proud ka talagang maging pinoy.
      pero pag nandito ka na at alam mo ang nangyayari sa bansa. baka mag bago ihip ng hangin :)

      oo pre, hindi rin lahat disiplinado sa states.. pero kung titignan mo kung saan mas maraming hindi may disiplina, makikita mo. :D

      Delete
  7. "Kapag may tumapak satin sobra tayo kung tamaan. Bakit? Dahil totoo. "
    -AMEN!!! I thought ako lang nagiisip ng ganyan..

    But I'm actually proud "as a Filipino" but not "of the Philippines." Well, siguro medyo. But everytime na napapadpad ako sa manila, i can't help but maawa sa kalunoslunos na kalagayan ng bansa... hay..

    ReplyDelete
  8. Mas appropriate ito: "It's funnier here in the Philippines..." lolz

    ---Sam

    ReplyDelete
  9. kerek! it's not all fun in the phil yata dapat slogan naten..hehe

    ReplyDelete
  10. hahaha ayan tuloy dahil sa kakaisip mo sa bansa natin na highblood ka.. hahaha

    ReplyDelete
  11. this post sounds FUN!!! hehehe meron p nga b makakayus ng bansa nten, buti p s ibang bansa takot mga tao sa batas kase talangang tinutuluyan sila kaht sinu p sila... saten tama k barya lang pede na.. hayz...

    go mayor! boto k namin sa susunod n eleksyon! hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat salamat salamat haha
      di naman ako tatakbo. baka ako naman magawan ng gantong mga write ups. ahaha

      Delete
  12. tama nga naman. Hay nako! Wala na talagang ibang makikita pa ang mga dayuhan sa bansa natin kundi puro kapangitan nito...TSK!

    ReplyDelete
  13. pag pilipinas ang topic... sakit sa bangs! hehe

    ReplyDelete
  14. pag tinanggal sa PH ang

    1.gobyerno
    2.Maynila
    3.Rebelde sa Mindanao

    yan it's fun in the PH na

    ReplyDelete
  15. hahaha ..natawa ako sa picture

    at nalungkot ng slight sa content at katotohanang ito :)

    akin na BP kita. ehehehhe

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa pag daan at sa pag bp bagotilyo

      Delete
  16. siguro dapat din na itanong natin sa mga sarili natin kung may kontribusyon ba tayo para maging realistic naman ang "it's more fun in the philippines" hindi puro pagkondena lang. hindi puro reklamo lang. hindi ito obligasyon ng gobyerno lang kundi bawat mamamayan. lahat tayo. tsaka ano ba ang point mo? dapat ikahiya natin na pilipino tayo? ganun ba? para sa akin kasi, mas nakakadismaya ang mga pilipino na sila mismo ang nanglalait sa sariling bayan pero wala namang kontribusyon para bumuti ang sitwasyon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. alam kong darating ka, isang mabuting pilipino sa isip , sa salita at sa gawa.

      wala akong sinabing dapat ikahiya ang pagiging pilipino. =)

      hindi ko sasabihin ang mga sinabi ko kung sa palagay kong hindi ko ginagawa ang tungkulin ko bilang isang pilipino :) tama ka nakaka dismaya ang mga pilipinong lumalait sa sariling bayan, pero nag papasalamat ako sa kanila dahil kundi dahil sa kanila, hindi ako nagising sa kung anong hindi tama sa bayan natin. =)

      Delete
    2. check! kumbaga, sa realidad lang tayo. It's not that sinisiraan ang bansa but just merely opening our eyes to the truth. Kasi kung alam natin ang tunay na lagay ng bansa natin, dun tayo magsisimulang gumawa ng paraan na maayos ito. Kung palagay natin ok ang lahat, ano pang gagawin natin?

      Delete
  17. I don't think may madaling solusyon... Minsan kasi kahit sabihin na nasa tao mismo ang simula ng pagbbago, wala ka namang makitang taong aktibong binabago ang sarili nya. Disiplina nga sa basura hindi magawa, pano pa kaya ang pagpapaunlad ng bansa... Nakakahiya kasi kung saan urban, dun pa maraming BAWAL UMIHI DITO signs... diba dapat sana understood na ng mga tao yun? Ang mga tao kasi, nahihiya sa ibang lahi pero hindi nahihiya sa sarili. BP ko 150/100.

    ReplyDelete
  18. @mareng sterndal
    pre, pasensya na pero hindi ata natin kailangan ng kontribusyon dyan. kahit anong gawin kasi natin, ang mga nasa tuktok padin ang masusunod. initiative nalang siguro ang ihihiling ko sa kanila. trabaho nila yun e. hindi yung satin nalang palagi (na mamamayan lang) magsisimula ang lahat. fix the root ika nga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pareng jay mabuting nang gumwa ng kahit konting solusyon kesa wala tayong ginagawa

      Delete
  19. Paps: ang iba nama kasing kalahi natin, mga FUNatics kapag tungkol na sa Pilipinas ang puna.

    Sana, kapag mayroong ganyang nag-comment nang hindi maganda o diperensiya ng Bansang Pilipinas, sa halip na mag FUNting ang mga tenga sa narinig, eh, limiin kung bakit sinabi ito ng tao. Hindi naman kasi magbibigay ng FUNlalait ang ilan kung walang nakikitang FUNg-asar sa araw-araw.

    Dapat lang na isaalang-alang natin ang sinabing nakakapag-FUNting ng tenga. Talaga bang may mga diperensiya na dapat ayusin sa ating bayan? Talaga bang paliit na nang paliit ang ating hot FUNdesal? Kung totoo ito, bakit tayo maiinis sa FUNnunuya ng mga tagamasid?

    You reap what you sow. Hindi ba? Kung nao'ng kabulasgutan ang ginawa mo sa iyong bayan, kabulastugan rin ang iyong aanihin. Talagang hindi ito FUN.

    You;re a champ, Paps. You're one cool dude. You're one heck of a FUN guy :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey. thank u sir!

      gusto ko ang hotFundesal mo ah.

      Delete
  20. Its sounds like its an insult to our own land as well to our own races but I understand your opinions and I totally agree of what you have said in this article, truly our country is in the state of severe problems. If we want some change, then start it with ourselves!!!

    i like this blog, minsan lng mkadalaw pero wagas ang sumasalunong sakin.. haah lolyour truly inspiring blog author. I followed you hope to do the same with my blogs too.

    ReplyDelete