Friday, June 15, 2012

PASUKIN MO

Dahil sa balik eskwela na naman ang mga kids, pag usapan natin ito.

Noong kinder ako, sa unang pag kakataon gusto kong ma-stress at mag umiyak nang makita ko ang teacher kong nakasalamin at may hawak na stick. Ang alam ko kase nun pag may stick sigurado may hit. Trauma ang dinudulot ng mga stick na yan para sa mga kids, may mga pag kakataon na kapag hindi ka makasagot sa tanong ng titser e biglang papaluin nya ng malakas ang black board o ang mesa nya, o ang desk mo o mismong ikaw, sa puwet, sa kamay sa mukha, duguan. At mawawalan ka ng ganang pumasok dahil takot na takot ka kapag nakakakita ka ng titser o kahit marinig mo lang ang salitang "titser".

Isang araw, may surprise recitation ang titser. Irerecite mo ang alphabet. Surprised kami lahat o ako lang ata. Dahil sa mahiyain ako at matatakutin, gusto ko na umiyak nung mga panahong yun. Kabisado ko naman ang A B C D E F G hanggang Z, kaso baka pag ni recite ko yun e pakanta, baka pag tawanan ako ng mga kaklase ko.   Lalo akong naiyak nung kailangan i recite mo siya ng pa A BA KA DA E GA HA LA MA NAN. Ganyan??? hindi ko alam yan Naknang tokwa. Hindi tinuro sakin ni nanay yan!

Dahil sa hindi naman kami kayamanan at mayayaman talaga ang mga kaklase ko e na kaka stress din kapag nakikita ko ang mga gamit nila. Umiilaw na sapatos, may gulong na sapatos, pencil case na bakal na may 4th floor, bag na all in one parang bahay na, 62 crayons na ibat ibang kulay may pang tasa pa sa tagiliran, mechanical pencils hindi mo na kailangan tasahan,  baunan na may heater laman fried chicken. Kapag may fried chicken o hotdog ka nun ikaw na, ikaw na talaga.

Dahil hindi ko na alam san papatungo tong kwentong ito. Ang gusto ko lang sabihin sa mga adults, be good to kids dahil stressful ang environment sa school. Salamat.

Pasok na ko.

24 comments:

  1. Dami nasabi, yun lang pala, haha! Joke lang po.. Ingat! :)

    ReplyDelete
  2. tanda ko din noon, madaming umiyak sa mga kaklase ko sa unang araw ng school nila. ako man ay napaiyak din, nahawa lang siguro.

    maraming titser na talaga naman tatatak sa utak mo ang istura at pangalan, un tipong kahit sa pagtulog eh sinusundan ka ng kanyang stick.

    dati ang panakot ng isang titser ko eh susi, di umano gumagalaw mag isa ang susi at kusang tumatama sayo kapag ibinato :)

    gandang araw sir ")

    ReplyDelete
    Replies
    1. grabe yang mga titser na yan, may neurological problem

      Delete
  3. Wala bang pag tataeng naganap nung paslit ka pa lang habang nasa iskul?

    ReplyDelete
  4. Mas istrespul kapag hamberger ng jalubi baon mo tapos ang tagal ng reses.. as in tik tak, tik tak..ambagaaaaal....haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay isa pa yan. tas pag kaka inin mo na, tigas na ng burger mo. lol

      Delete
  5. tama, stressful sa kids na mag-adapt sa environment. Dyahe kapag ang pencil case mo ay free lang sa mga hotdog while bongga yung sa mga kaklase and everything

    ReplyDelete
  6. As always, nakakatuwa talaga mga post nyo. XDD

    ReplyDelete
  7. haha...hanggang ngayong adult na ako, favorite ko pa ring baunin ang hotdog!

    naalala ko noon, ang yabang ko sa school nung grade 1 ako kasi hanggang 4th floor and pencil case ko, may salamin pa sa loob!
    hahaha!

    pasukan na nga :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi lang ata bauunin ang ginagawa mo sa hotdog. :l

      Delete
  8. same sentiment pre...hahaha... pero ako naman e nakapagbaon ng hotdog, actually, everyday for 2 consecutive months. lols :p

    ReplyDelete
  9. tama k parang lumipad ang topic n ito.. hanap ko yung punch line sa hulihan.. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga ewan ko parang walang kadating dating. lol

      Delete
  10. kahit ngayon ko lang nabasa at matagal nang nagsimula ang pasukan......nakakarelate ako sa 4th floor na pencil case..hahaha

    ReplyDelete