Thursday, May 31, 2012

YUNG PAYONG KO

Sa ganitong panahon, mainit tapos biglang uulan, biglang aaraw, tapos uulan tapos mag gagabi na, pati sa gabi maulan masarap humiga kaso walang makatabi, pero aanhin naman ang katabi kung wala namang nangyayari, kaya mas mabuti nang walang katabi. Basta magulo magulo.  Kaya sa ganitong panahon, mahalaga ang payong.

Kani kanina lamang nasa dyip ako, sobrang lakas ng ulan sa labas (Salamat naman at hindi umuulan sa loob ng dyip), may isang babae sa labas na pumara ng dyip na aking sinasakyan. Agad na huminto ang dyip upang isakay ang babaeng mala dyosa ang kagandahan. Basang basa siya sa ulan! ang sarap niyang tingnan! wet look na wet look! heavy mga pre! Pag pasok niya ng dyip lahat ng nasa loob naka tingin sa kanya, tila lahat ay naakit sa kanyang kagandahan. Maganda ang basang buhok, puting basang blouse, maikling basang palda, matang punong puno ng pag asa at saka mukha siyang mabango. Haayyy..

Naupo siya sa bandang gitna habang marahan niyang itinutipi ang kanyang payong na basang basa. Salamat at naimbento ang mga payong na kahit nakapayong ka ay tatagos at tatagos ang ulan at mababasa ka pa rin. Dahil kung hindi siya naimbento, wala sana sa harap namin ang ganitong klaseng dilag.

Hindi pa nag tagal patuloy pa rin ang pag sulyap ng lahat sa kanyang kagandahan habang siya naman ay abalang abala sa pag pupunas niya ng basang katawan. Para kaming mga kutong nag tetake- turns sa pag sulyap sa kanya para wag lang masabi na sinabay sabay namin siya. Pag di na naka tingin ang isa, ako naman. Pag tumingin ako sa malayo, siya naman, tas ako naman ulit.

Kinalkal niya ng kinalkal yung shoulder bag niya, kala ko kung anong hinahanap. Mag tetext lang pala, sobrang sarap panoorin ng pag kalkal niya. Tapos, nung nakuha na niya yung phone nya text na siya ng text siya ng text siya ng text. Tapos nag kalkal na naman ng bag niya, tapos nilabas niya ang wallet niya. Nag labas ng isang daang buo, di niya alam kung magkano ang bayad. Anak mayaman nga!

Lahat kami gustong marinig ang boses niya. Malamang sa alamang, para sigurong anghel ang boses niya.
Nang biglang . . . (den den den den - sawnd epeks)

MAMA! MAGKANO HANGGANG MONUMENTO???

Hutang na loob mas malaki pa boses sakin!! may lawit ang tokwa! Wag na nating pag usapan yang may lawit na yan! nakakainit ng ulo e, baha na nga, sasabayan pa niya. Payong na lang pag usapan natin, dahil ang payong magagamit mo yan ano mang panahon, taginit man, tag ulan at tag yawat. Sabi na nga ba e, duda ko sa babaeng yan kaya ako tingin ng tingin, wag kase kayo bibili ng payong na mumurahin pupulmunyahin kayo niyan e!! Pag hinangin yang payong na yan wasak yan! Bili ka ng bili ng murang payong tumatagal ng isang buwan, edi kada buwan bili ka ng bili!!  Yung payong ko, sobrang tibay nun kahit hanginin bumabaliktad pa pero di nasisira.
 Fibrella FTW (libreng adbertisment ah).

39 comments:

  1. Hahaha, sabi na nga ba, bading yun, ibang level na kasi ganda ng mga beki ngayon! Anyways, ako bumili ng fibrella, nasira din naman agad, kaya balik ako sa mumurahing payong :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. uyyy! welcome po sa ka blogstugan..
      baka fake na fibrella yan ah

      Delete
  2. hahahaha, patay, mela...melawitwit.

    tama, matibay ang payong na ineendorse mo, though may kamahalan pero sulit sa tibay, tumatagal, basta wag maiiwan sa mga jeep at sa sinehan, fastfood store. (andami ko ng fibrella na nawala)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yun lang. kaya nga ako bumili ng payong na mahal para alagaan ko e. haha. dati pag mura lang, wala ko paki kahit may humiram e. ngayon todo ingat. haha

      Delete
  3. ang matibay na payong para yan sa mga lalake at bading. sa mga seksing babae naman ang marurupok. nakikidalamhati ako sa sinapit mo pre. hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. tama lang sa kanilang yang marurupok na yan.
      maraming salamat sa pakikipag dalamhati at welcome sa kbt

      Delete
  4. Sana pati boses nagpa-iba na siya. :D
    Siguro kung isa ako sa mga pasahero at gandang ganda ako sa kanya tapos biglang magsasalita ng ganun ang boses.
    Baka 'di ko mapigilan tawa ko. HAHAHAHA!! XD
    [Tawa para sa mga lalaking naglaway sa kanya. >:D]

    ReplyDelete
    Replies
    1. actually parang walang natawa samin. nanlaki lang talaga mga mata. hey welcome sa kablogstugan!

      Delete
  5. ayos na sana dapat hindi na lang siya nagsalita ayan tuloy nabuko. dahil sa instant advertisement iyan na ang payong na ipabibili ko sa lagi kong nakakasabay sa may kanto para makipayong kasi kada pasilong ko sa kanya lagi akong nababasa haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. woy! nag request ka pa, nakikipayong ka lang.

      welcome sa ka blogstugan!

      Delete
  6. nakasubok na rin ako nyan. sa sobrang pagtitig ko nung akala kong babae sa loob din ng jeep, siniko pa ko ng gf ko sabi nya bading daw yung tinitignan ko hanggang sa magsalita siya at beki nga. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha!!!!
      kaya kailangan may panusok talaga tayo e, pede na icepick. mapag salita lang ntin, nag magka alaman na

      Delete
  7. natawa naman ako dun hehehe.
    nakakaloko talaga pala :)
    naranasan ko na din yan eh.nahalata ko lang sa adams apple ..lol..

    ReplyDelete
  8. May tumigas sakin habang binabasa ung simula, kaso nung patapos na, taenang yan. >.<

    Di ka parin makamove on sa babaeng un ha....ako rin :p hehehe

    ReplyDelete
  9. yung fibrella ko 3 yrs na sakin kaya naloka ako pag akala ko nawala ko siya minsan.ang tibay niya kaya talaga:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oh di ba di ba. ang ingat ingat mo sa payong :)

      Delete
    2. maingat talaga ako sa mga tao at bagay na mahalaga sakin.gusto mo ingatan din kita papa p? char:)

      Delete
  10. papsikelsss.... natawa naman ako seo... ayaaaannn kasiiiii.... butiiiiii ngaaaaaa senyoooo!!!! wahahahaha =))

    ReplyDelete
  11. may pinsan akong ganyan mas maganda pa sa akin. pero kapag nagsalita wala na. sablay na sablay wahaha naimagine ko lang yung shock nyo nung magsalita wahaha

    ReplyDelete
  12. kala ko c Iza Calzado! hehe napadaan lang po.. san po ba nabibili ang magandang klase ng payong? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa sm po dept store. medyo hawig nga ni iza hahaha!

      Delete
  13. hahaha! i like your style. ganda ng intro sa payong!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey you salamat :D welcome sa ka blogs tugan parekoy!

      Delete
  14. Hahaha..malay mo naman malat lang??? Dapat tinanong mo kasi paps.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga noh di ko naisip yun,
      pero di man lang siya umubo nung ganun ang boses nya.
      tas nag salamat pa, ganun pa din!

      Delete
  15. aylabyu po paps! i enjoyed reading your artiks! crush na kita... :D

    ReplyDelete
  16. aylabyu po paps! i enjoyed reading your artiks! crush na kita... :D

    ReplyDelete
  17. sa boses na lang talaga naa-identify kung ang babae ay puro o isang ladyboy..minsan nga pati boses kaya na nilang dayain hehehe...
    gusto ko yung pagkakadescribe mo dun sa girl haha..
    i like this post :)

    ReplyDelete
  18. Sir, hindi halatang galit na galit ka kay Ms. World noh? HAHA! Baka naman, pa-mehn effect lang, or paos lang. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAHAHA!!! nood ko pa siya natitira sorry naman.

      Delete