Sunday, May 13, 2012

NAPIKOT?

Kapag nabuntis ang isang babae ng wala sa plano parang gumuho na ang mundo nito. Parang bumaba na ang level ng kanilang pag ka babae. Dalawa lang iisipin ng mga yan, itutuloy o ilalaglag. Kapag itutuloy nito ang pag bubuntis, malaking responsibilidad ang kanyang kakaharapin. Nariyan ang mahihilo tuwing umaga, mag kaka stretch mark, lalaki ang tiyan, ma da-drop out sa eskwela, itataboy ng magulang at ang worst hahanapin kung sino ang ama, at kung hindi niya kilala ang ama - ituturo na lang sa kung sino sinong lalaking dumaan sa kanya.

Kung ilalaglag naman ang bata, pupunta sa Quiapo para mag hahanap ng pampalaglag, pero bago pa man makahanap ng gamot pampalaglag, malalaglag na ang bata dahil sa sikip sa LRT, kunsumisyon sa dyip, sobrang init na panahon at napaka putik na daan. Subalit 0.2% lamang ang nalaglagan ng bata dahil sa gantong dahilan, yung iba, hindi talaga nalaglaglag dahil sa tinding ng kapit ng bata.

Boyfriend: Putcha naman! minsan ka na lang maging positive! sa pregnancy test pa!!
Girlfriend: eh anong gusto mong gawin ko? ilaglag ang bata?
Boyfriend: Ang negative mo talaga!

Ito ang maganda sa aming mga kalalakihan. Hindi kami nabubuntis. Pwede kaming makabuntis - hindi ito parang susi na hanapin mo kung sino ang match mo na pede mong mabuntis. Kahit sinong babaeng hindi baog pwede naming mabuntis. At sa aming mga kalalakihan, hindi basta basta bumababa ang aming market value, tumanda man kami, mag ka asawa at anak man kami, mataas pa din ang aming market value. Hindi katulad ng mga babae, kapag nabuntis at nanganak naluwang ang kwan tapos nalosyang, tas nag mukhang matanda, tas tumaba ng tumaba, ayun walang ng arrive. (Oooppsss.... walang personalan - kablogstugan lamang)

Ang gusto ko lang talagang sabihin, dapat igalang ang mga babae. Hindi yan disposable na gamit, na pagka-gamit itatapon, kapag nabuntis mo abay panindigan mo! huwag mong taguan! dahil baka ituro nila sa kung sinong poging walang muwang ang magiging baby nyo, baka ituro sakin ang baby ninyo! Edi napikot ako! Ang dapat sa mga babaeng nabubuntis, dapat MINAMAHAL, INAALAGAN at HINDI SINASAKTAN dahil hindi tulad nating mga lalaki, kahit lumipas ang isang daang taon, hanggat may pera tayo at tumatayo pa si manoy mataas pa din ang ating market value.

9 comments:

  1. hayop ang conversation ng magjowa. :p

    pero tama, nawawalan ng value ang girls pag nadivirginize at najuntis na. kaya dapat din maingat sila sa mga sisibak sa kanila.

    ReplyDelete
  2. lahing pikotin ka ba paps? hehehe

    kasi kasi before pasukin ang mga ganyang chuva gamitin ang ulo...yung ulo sa taas!!
    sa mga girlalo, wag bukaka ng bukaka baka mahipan ng kung anong hangin eh lumubo...yun lang!

    ReplyDelete
  3. Im a woman and i believe na nasa babae din kasi nakasalalay ang pagiingat nila... dapat alam ang ipa-prioritize sa hirap nga naman ng buhay sa pinas bakit kumekerengkeng pa hehe! agree ako sayo paps pag nabuntis ang babae dapat panagutan! di naman mabubuntis yung girl kung hindi tinulungan ni boy diba? n dapat abortion should never be an option...

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka na nasa babae din ang pagiingat, actually, nasa babae't lalake pareho..and really, abortion should never be an option.

      Delete
  4. ako nagpakasal ako pregnant na wife ko, pero di ko siya pinakasalan dahil buntis sya or whatsoever, pinakasalan ko siya dahil ung ang gusto kong gawin. :)

    nice post paps! :D

    ReplyDelete
  5. Katangahan ang mabuntis ng wala sa oras. And dami contraceptive, condom na nga lang, kinakalimutan pa. Ang mas katangahan pa, nursing student pa sya. Haha :p But girls should really wait. Because tama ka, pangalagaan si value. Siguraduhin taling tali sau lalaki bago ibigay si puri.

    ReplyDelete