Friday, April 27, 2012

SA ISANG MILYONG TAO

Sa Metro Manila. Lunes na naman, trapik na naman, erase! erase! araw araw naman trapik. Sasakay ka ng bus, akala mo pag sakay mo makakaupo ka, pero hindi akala mo lang yun, naniwala ka kase sa sinigaw ng kondukor "maluwag , maluwag! (Sa bubong kase yung tinutukoy niyang maluwag). Sa isang milyong taong nakasalubong mo sa araw na ito, ilan sa kanila ang kilala mo? Ilan sa kanila ang naiisip mo kung ano nga ba ang kanilang iniisip. Nakita mo yung nakasabay mo sa bus kanina? Sa gawing kanan, tingnan mo pre  nakatulala, namumugto ang mga mata, malalim ang iniisip tapos bigla titingin sa malayo, kung may dala ka lang na cd player ay patutugtugan mo ng kanta ni Regine Velasquez na "Iisang Lahi"
Sundan mo nang tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
BAKIT DI PA MAMATAY ANG MGA LAHI MO!
Pang-unang tunay ang siyang nais ko
Ang pag-damay sa kapwa`y nandiyansa palad mo
Dito naman tayo sa gawing kaliwa. Tingnan mo si ateng mataba, panay ang tingin sa kanyang relo, tig 150 pesos buy one take one sa bangketa yung relo. Bumubulong bulong, yung bulong palakas ng palakas, nakakatakot, panay ang reklamo.  "Ano ba yan! sakay ng sakay! puno na nga e! yan ang nakaka trapik e! Hindi pa siya nakuntento. Sumisigaw na talaga siya sa driver. 
Ateng Mataba: Ano ba! Sakay kayo ng sakay! ang sikip sikip na!Driver: (Walang imik)Ateng Mataba: Yan ang hirap sa inyo e! Wala kayong paki alam sa mga pasahero!Driver: (Walang imik)Ateng Mataba: Ang hina hina pa ng diskarte mo sa pag mamaneho! trapik na nga di mo pa diskartehan na mapabilis tayo!Driver: (Walang imik)Ateng Mataba: Ang hina mo dumiskarte!!!!Driver: Diskarte ba kamo? Ang dami mong satsat! Ikaw kaya ang dumiskarte dito! (Tumayo) hinamon si matabang babae na imaneho ang bus.Ateng Mataba: (Walang imik, sabay tumingin sa malayo)Driver: Oh ano hindi ka makapag salita?Ateng Mataba: Kapag ako napa anak dito sa kunsumisyon, idedemanda kita!Paps: Ay anak ng tokwa kala ko mataba lang!
Pagkatapos ng dalawang oras na biyahe ng bus, dapat 30 minutes lang talaga yun pero dahil na trapik ka 2 hrs ka nag byahe isang oras na lang sana nakarating ka na sa batangas. Sasakay ka na ngayon ng MRT o LRT. Heto na naman po tayo. Tatayo na naman po tayo. Makikipag basagan betlogs na naman po tayo sa milyong milyong taong makakasabay natin. O ayan nakasakay ka na. Tingnan mo yung mama sa harap mo. Ang laki ng katawan, kalbo, mabalbas, malakas ang dating, mala derick ramsey ang approach. Nag ring yung telepono niya. Biglang nag salita. "Hellew, wapakels aketch. oo teh gorabells ako diyan"
Pagkatapos ng MRT. Sasakay ka ng dyip. May mga batang palubi na mamamalimos. Ang iba sa kanila, pupunasan ang tsinelas mo ng maduming basahan. Ang ilan sa kanila may iaabot na sobre at kakantahan nila kayo, kung minalas malas pa may dala pang tambol na sintunado. Ang ilan sa kanila, mamatay na ang nakakababatang kapatid sa gutom. Tapos ang isa sa katabi mo. Bubulyawan ang mga bata at kung di pa nakuntento tatadyakan pa nila ang bata palabas. Pakiusap ko lamang po, wag na natin silang saktan sa emosyon at pisikal, dahil bago pa man sila makatungtong sa ating dyip na sinasakyan, malaking hirap na ang kanilang pinag daanan.
Sa isang milyong taong nakasalubong mo. Wala ni isa sa kanila ang naisip mo kung ano ang iniisip nila. Kung ano sila, kung ano ang pinag dadaanan nila sa buhay. Kaya sa sampung tao na kilala mo sa opisina o paaralan, wala tayong karapatan na husgahan ang kanilang pag katao dahil sa sampung taong kilala mo, wala sa kanila ang talagang alam mo ang pinagdaanan nila sa buhay. 
At ilan sa kanila, iniisip kung ano ang iniisip mo. - Paps

24 comments:

  1. hahaha, natawa ako dun sa ale. mainitin ang ulo, ayun, sumabog si drayber at bumanats.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo pre. hirap ng ganyan ikaw ang pag dadraybin ng bus.

      Delete
  2. PP:

    This is the best posted message from you, so far. It's witty, it's funny, it's touching.

    I feel the impersonal relationship of people in the city, the emptiness, the suffering of neglected children, the hopelessness of the situation.

    It is so true, gnawing, heart-rending.

    You are a true poet. Despite all the humor, this piece is one heck of a poetic one, something that can only come from a gifted writer. That's you, my friend.

    ReplyDelete
    Replies
    1. T.T nakaka iyak naman po ang comment mo, tumagos sa puso ko. salamat

      Delete
  3. buntis naman pala sha kaya sha mataba! kaw talaga paps! hahaha! natatawa talaga ako sa entries mo! i lab yoo paps!

    ReplyDelete
    Replies
    1. akala ko lang talaga mataba. eh ang siksikan kaya ng busssss... wala man lang mag pa upo sa kanya

      Delete
  4. natawa ako sa maluwag pa, pero yung tinutukoy sa bubong pala hehehe. Astig ka talaga.

    ReplyDelete
  5. ^_^ cherubrock salamat sa pag daan :)

    ReplyDelete
  6. ay teka true pala yung kwento ni ateng mataba na buntis. hehe =D

    madalas kapag nasa PUV ako nagoobserve ako ng mga tao sa paligid ko masarap kasing makitsismis sa buhay ng may buhay. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din, tinitignan ko mukha ng lahat ng tao sa loob. lol

      Delete
  7. touch ako dun sa bago pa man sila ( mga batang pulubi) makapasok sa loob, marami muna silang pinagdaanan..

    ReplyDelete
  8. Awww. This is an eye-opener. `Wag nating husgahan ang mga taong nakakasalubong lang natin sa daan. Hindi natin sila lubos na kilala and we don`t know their stories. It is funny how people who know the least about you, has the most to say. Dafuq!

    ReplyDelete
  9. kung lahat ng pareho mo mag isip...walang nag aaway katulad ni manong driver at ateng mataba. haha

    ...punta tayo sa usapang bus. kung maari lng ayoko talaga sumakay ng bus madalas..dami maniac. kaya ako di ako nag papa uto sa kunduktor na maluwag pa..kesehodang malate ako keri lang

    ReplyDelete
    Replies
    1. uyy.. di ko ma intindihan yung kesehodang.... ano po yun

      Delete
  10. ano pa man ang dahilan kung bakit may namamalimos na bata sa lansangan. Wag na natin pagdamutan. May pangngailangan sila na sa ganung paraan lang nila nalamaman.

    gandang araw po.. magaling talaga ang mga post mo :)

    ReplyDelete
  11. Naks.. Very inspiring. May pagka-Lourd De Veyra pa ang pagkakasulat. Ikaw na!

    ReplyDelete
  12. sino ba si Lourd De Veyra. hahaha. lagi na lang siyaaaaa!

    ReplyDelete
  13. Sino nga si Lourd chorva Papa Yow? Haha
    We only see what others want us to see. :) A smile and a nod wouldn't hurt

    ReplyDelete