(photo credits www.arclicks.tumblr.com)
Kamusta na mga katuga? Pasensiya na at ngayon lang ulit nakapag sulat. 7 days a week at 8 hrs a day kase ang pasok ko at medyo tinatapik at inaayos kase ni Papa Jesus ang buhay ko (Naks). Umpisahan na natin ang usapan.
7 is to1 ang latest ratio ng female at male sa Pilipinas. Ibig sabihin merong pitong babae sa isang lalake. Saan galing ang statistics ko? Tanong mo sa DOH. Hindi niyo ba napapansin sa mga palabas netong mga nakaraan? Dati dalawang lalaki ang nag aagawan sa isang babae, ngayon kung napansin niyo mapa pelikula at palabas sa telebisyon dalawang babae na ang nag aagawan sa isang lalake.
Dati ang dalagang Pilipina, hindi yan lumalabas ng bahay, nandoon lang yan sa loob, nag susuklay ng mahabang buhok habang nakadungaw sa malaking bintana (malalaki talaga bintana noon dahil wala pang akyat bahay gang), sa hapon naman naka higa sila sa duyan habang nag babasa ng romantic pocket books. Hindi man sila masiyadong nakikita ng mga kalalakihan sa labas, wag ka sa labas ng bahay niyan kasing haba ng pila sa LRT ang manliligaw niyan.
Ngayon ang mga kababaihan laging ng nasa labas ng bahay at kahit ihampas nila ang kanilang beywang sa magkabilang sulok ng daigdig, pag uwi niyan single pa rin yan at wala man lang nag tangkang lalaki na makipag kilala sa kanya. Bakit kamo? Dahil kulang na nga ang mga kalalakihan ngayon. 7:1 nga di ba?
Kaya payo ko lang sa mga kababaihan, wag na po mapili, wag na po kayong "
Ayoko nga diyan sa lalaking yan ang laki laki ng ilong! masinghot pa ako niyan! o kaya "
Ayoko nga diyan sa lalaking niyan ang itim itim parang pwet ng kaldero!". Mga babes tandaan niyo 7:1 marami kang ka kumpetisyon. Malay mo kapag di mo pa pinatulan yan last na manliligaw mo na yan at baka umabot ka na sa 75 single ka pa din and looking.
Pansin niyo dumadami din ang mga beauty salon ngayon? Kahit saang kanto ata makaka kita ka ng "REBOND 800 pesos only!" Uso ang rebond ng buhok sa mga kababaihan dahil ayon sa pag aaral, gusto nilang mag paganda at maka akit ng mga kalalakihan. Kaso lang di ko talaga maintindihan bakit pa rebond ng pa rebond sila ng buhok wala namang pinag bago ang mukha nila ganon pa din, mahaba. Di na lang ipunin yung pang rebond tapos pag malaki na yung pera, papalit sila mukha.
Di ba ang mga konti lang pinapahalagahan? Tulad ng diyamante, yung mga lalaki ngayon parang diyamante yan, mga babae parang bigas na lang. (Biro lang naman). Kaya mga girls dapat kayo na ang nanliligaw ngayon! (Biro lang naman ulit)
Pero kung plano talaga sa iyo ng Diyos na maging single ka, wag ka ng malungkot, malay mo bukas o sa makalawa single ka pa din, walang bago, pero wag ka mag alala merong mas higit na plano ang Diyos sa buhay mo.
God's plan is much bigger (and better) than ours. Sabi sa
Jeremiah 29:11 For I know the plans I have for you, "declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
- Pablong Pabling bagong buhay po!
(If you like to share this on facebook just hit the facebook button below. Thanks!)