Monday, October 18, 2010

MATUTONG HUMAWAK PARA MASARAP

Sa panahon ngayon, kailangan tayong magtipid at matutong humawak ng pera. Kumikita ka nga ng pera pero napupunta lang sa kung saan saang walang katuturang bagay. Napanood mo nga ang pinakabagong pelikulang gawa sa hollywood, nakalimutan mo naman ang istorya o di naman kaya ay hindi mo naintindihan. Suot suot mo ang pinaka mahal at bagong labas na style ng damit, namomroblema ka naman sa pang gastos mo sa kinabukasan. Agaw tingin at hi-tetch na hi-tetch ang i-tats at cellphone mo, inagaw at ninakaw naman sa iyo, naputukan ng baril at nahiwa ka pa sa binti ng ayaw mo ibigay kay manong holdaper. Bale wala rin lahat ng bagay kung ang tanging dahilan lang ng luho mo ay upang may ipagmayabang sa mga kaibigan mo kung ano ang meron ka at wala sila.

Hindi ko sinasabing huwag kang gumastos ng kahit ano para sa sarili mo, bilhin mo lahat ng gusto mo, kainin mo lahat ng kaya mo basta alam mo sa sarili mong kaya mo at lalong huwag kang mag ambisyon magkaroon ka agad ng mga bagay na hindi mo kaya. Ano naman kung wala ka ng bagay na iyon? Iyon ang magiging inspirasyon mo upang mag sumipag sa buhay, kita mo sa bandang huli ikaw ang may narating sila ang naloko at walang narating.

Kung titignan mo, pumasok kayo sa isang bilihan ng kung ano, yung walang ambisyon sa buhay pag nakita niya ang isang bagay na mahal sasabihin niyang "ay ang mahal naman nito hindi ko kaya, wag ito at pipili siya ng bagay na mas mura at bibilhin agad ito. Yung may ambisyon, pag nakita niyang mahal, iisip agad siya ng paraan kung paano siya kikita ng pera para mabili niya ito. "Makapag holdap nga para mabili ko to". Toinks! Hindi ganun.

Sa kinikita ko sa ngayon, maliit lang ahem, sinabi kong "hindi ko kailangan ng magarang sasakyan, ang kailangan ko ay transportasyon, isang makinang umaandar na makapag hahatid sa akin saan ko man nais patunguhan" Noong bata ako sinabi kong "gusto ko ng red car pag laki ko" kahit naging pasaway akong bata kay papa Jesus e binigyan niya ako ng kotse ng walang inilabas na pera. Anong kulay ng kotse? Pula.

Tuturaan ko nga pala kayong mag tipid ng pera. Ito ang ilan sa mga tips.
Pagkakuha mo ng paycheck dumiretso sa bangko at ilagay sa savings. Umuwi ng bahay at gawin ang mga sumusunod.
1. Umupo at kumuha ng tubig na maiinom.
2. Kumuha ng unan, humiga sa kama, ipikit ang mata. Walang tulugan.
3. Manood ng tv, makinig ng radyo o di naman kaya ay maglaro ng sodoku
4. Mag basa ng ka-blogs-tugan.blogspot.com at ng iba pang babasahin
5. Mag palaki ng bayag, este itlog. Para may makain.
Summary: Sanamabitspaksyet sa bahay ka lang!
MATUTONG HUMAWAK NG PERA PARA MASARAP ANG BUHAY SA HINAHARAP

O sige mga kids. Sana ay may natutunan kayo.

"There is one who makes himself rich, yet has nothing: And one who makes himself poor, yet has great riches" Proverbs 13:7

35 comments:

  1. Naks paps..
    inspirational post!!
    correct in all points.. kahit minsan masabihan mang Kuripot at makunat di nalang pinapansin dahil di naman nila alam kung bakit ganun ang ginagawa pagtitipid...

    Kudos to you paps!

    ReplyDelete
  2. Tama nga naman yun paps, lol. Kakatuwa namang basahin ang mga post na ganito kasi talagang mababatukan ka sa ulo. Uhm, medyo magastos din ako pero unti lang. Basta. Pero ngayon tina-try ko ng magtipid ng unti din, syempre. Haha

    ReplyDelete
  3. naunahan ako ni poldo sa base. :D

    tama ang tips! Mag petiks mode at ipunin ang sweldo para makaipon.

    ReplyDelete
  4. hahah tama tama...magkaroon ng pagkakaabalahan maliban sa pag-gastos ng pera :))

    ReplyDelete
  5. ayos. gagawin ko nga yan. ako nga 2 months na sa work. wala man lang maipon. ah oo. kakaopen ko lang ng account sa bpi at balak na ring mag open sa real bank. hindi sikat pero mataas ang annum. hehehe!

    sige sige maganda kang ehemplo.

    ReplyDelete
  6. nice post! panahon na para mawala sa mga pinoy ang poverty mentality. way to go!

    thanks for taking time to share this.

    ReplyDelete
  7. madaling magsabing magipon mahirap gawin. taghirap ako. hahaha. pautang

    ReplyDelete
  8. Very inspiring! Tama si Kikilabotz mahirap gawin ang pag-iipon kung makati nag palad mo sa kung anu-anong bagay na gusto mo.

    ReplyDelete
  9. Ta~ma. The best way is umiwas sa temptation...Ang sarap kaya tignan ng bank account na namumutok sa dami ng digits...

    ReplyDelete
  10. @poldo: salamat poldo. . . yeh ang kunat mo men. haha

    ReplyDelete
  11. @poot: okay lang gumastos basta siguraduhing may naititira

    ReplyDelete
  12. @khanto: haha! ganon mag petiks mode lang? damn...

    ReplyDelete
  13. @hartles: maganda ang hobbies na mag lakwatsa at gumastos. masaya

    ReplyDelete
  14. @dilan: mag save ka kahit 200 every 2 weeks. malaki na yan kapag 2 months

    ReplyDelete
  15. @yna: salamat sa pag comment. welcome to ka blogstugan

    ReplyDelete
  16. @kikilabotz: mahirap kung iisipin mong mahirap

    ReplyDelete
  17. @mokong: para sa iyo rin ang message ko kay kikilabots: welcome to ka blogs tugan pala

    ReplyDelete
  18. @glentot: yeh at gusto ko din ang putukan na iyan

    ReplyDelete
  19. Tama! haha, pagkatanggap ng swelod, deretso kaagad sa tulog! wag na mag-shopping.

    ReplyDelete
  20. pagkatanggap ng sweldong napakaliit
    si mapigil ang sariling bumili
    aurgh!

    tapos ansarap din kumain :D

    ReplyDelete
  21. wui paps, tagal ko na nagbabasa dito ngaun ko lng nalaman panu magcomment ng walang bloggers account..hehehe..

    muka ka lng talaga maloko, but when you become serious with your post, effective xa at totoong totoo...ingat lage jan parekoy!

    ReplyDelete
  22. naks naman pre nagpapayaman! Pwede bang pag marami ka ng savings eh pautangin mo naman ako!hahahha!

    nga pala paps, malapit na bday ko, at hingi sana ako ng wacky pic.hehehe! Penge ha!

    Intay ko yan pre!ingat

    ReplyDelete
  23. @anthony:yung pagkain din ang weakness ko e

    ReplyDelete
  24. @chilaxjukebox: wow. salamat sa pag comment. I really appreciate it. i wanna know u more

    ReplyDelete
  25. @drake: sige drake. sana makabigay ako.... asapp medyo busy ee

    ReplyDelete
  26. soo true paps..pero hirap akong gawin to, paano may goal akong magpataba kaya gastos ng gastos eh hehehe pero atleast di naman sa luho napupunta masyado..luho sa pagkain lang hahaha

    ReplyDelete
  27. Whoa. May word of God. Haha. Ayus. Blessing nga yan, may kotse ka na. Susyal. God Bless.

    ReplyDelete
  28. superjaid: hindi masasayang ang pera sa investment. kaya ayos lang yan sis!

    ReplyDelete
  29. @yow: oo. may word of God na ako. improving! haha

    ReplyDelete
  30. mag ipon pero dapat me interest. tama mag ipon sa bangko para lumaki pa lalo. tapos daan ka kay manong pirata, bili ka ng bagong labas ngayon ng sex in the philippine cinema. tapos uwi ka sa inyo. i-check mo kung pwede mong gawin yung iniisip mo.. have fun.

    ReplyDelete
  31. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  32. TAMA :)

    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete