Ahem. 1 2 3 mic test mic mic mic test. Hello? Ayan okay na.
Kilala niyo pa ba ako mga katuga? Ako nga pala si Paps, Pablong Pabling na lang for short. Lumipas na pala ang mahigit isang buwan simula nung huli akong sumulat. Na miss niyo ba ako?Hindi? Ano kamo? (sabay labas ng shotgun) Isa pa! Na miss niyo ba ako? Sagot! Good.
Naalala ko dati nung nasa Pilipinas ako, pag sumasakay ako ng dyip may makikita kang mama na naka sandong white at maong shorts tapos naka havanas, hindi siya yung drayber ah, siya yung barkero na sumisigaw ng "isa pa sa kanan, sampu pa sa kaliwa!" o kaya "paki ayos lang ang upo, upong piso lang tayo mga brad" O di naman kaya "isa na lang! isa na lang lalarga na!" (May sumakay nang lima yun pa rin dialogue niya) isa na lang! isa na lang! O kilala niyo na ba sila? Pag usapan natin sila.
Umaga pa lamang e makikita mo na sila. As usual naka sandong white, naka maong shorts at naka havanas. May dala silang barya at bimpo. Yung barya pamalit kay manong drayber na walang barya sa umaga,tag iisang libo cash kase ang dala niya tapos mainit ang ulo niya sa mga pasaherong nag babayad ng sampung pisong buo. Yung bimpo pamunas sa pawis, watdapak siempre alangan namang ipamalit sa cash ang bimpo.
Oooppsss yung barya pa pala ni manong barker eh ginagamit niya sa pantuktok dun sa dyip kapag aabante o aatras pa si manong drayber na walang diskarte sa pag atras abante kelangan may taga tuktok pa.
Manong Barker: (Habang tinutuktok ng piso ang dyip) Atras pa! Atras pa! Malayo pa!
Manong Drayber: (Tahimik lang habang tumutugtog ang walang kupas na back up song kapag umaatras)
Manong Barker: Atras pa! Atras pa! Malayo pa!
Manong Drayber: ( Tahimik lang habang patuloy na iniaatras ang dyip)
Manong Barker: Atras pa! . Konti pa. . . Ooppsss sabit! sabit na!
Manong Drayber: Putaena! Sabi mo atras pa! Patuktok tuktok ka pa diyan sasabit din naman pala. Naknang pota oh.
Doon na natatapos ang kwento nila. Gusto ko lang sabihin na maraming trabaho sa Pilipinas na kahit wala kang lisensiya mag trabaho eh pupuwede ka basta mag sisipag ka lang. Hindi katulad dito na kailangan mo ng work permit sa kada kilos na gagawin mo. Hindi ka dito pwede mag tayo ng sari sari store kung wala kang permit, sa Pinas mag lagay ka lang ng mesa at sign board na "Ice for sale" e kikita ka. Wala rin ditong nag lalako ng taho, puto, balot at fishballs sa kalsada. Boring Meyn.
(Kung nagustuhan niyo ang sulat kong ito pa click yung letter f sa babae nire sa bandang kanan, share sa facebook, kung hindi niyo naman nagustuhan e paki click yung "Dislike" hanapin niyo na lang kung saan, o kaya click f kung di niyo nagustuhan thanks)
Wilkam bak paps!!!
ReplyDeletenakakamiss talaga pagsumasakay ng jip... minsan kahit pang siyaman lang ang upuan e ginagawang sampu! kalahating pwet lang ang nakaupo hahahah...
kumikita na sila ng paganun ganun nalang hehe
ReplyDeleteHi Paps, namiss kita! busy-busyhan ka ngayon ah! :)
ReplyDeletemedyo iritable ako sa mga barker minsan, lalu na sa mga makukulit at may pagka bastos.
siguro kailangan mo na yata umuwi ng pinas para muling matikman ang mga wala dyan, haha! ;)
Like! :) sulat ka ulit ha...sana hindi ulit matagal bago masundan.
ReplyDeleteHey paps glad to know you're still alive and kicking. babalik ka na ba sa blogosphere o iiwan mo uli ang 1,277 kataong nag-like sa ka-blogs-tugan ahahaha may halong panunumbat. Welcome back!!!
ReplyDeleteNagbabalik. Busy ka din hano? Haha. God Bless. Corny nga sa america, walang mga pinoy na trabaho. Tsk tsk.
ReplyDeleteWelcome back!
ReplyDeleteTama ka, only in the phil. lang ang job na no need ng permit, mga sidelines ay kumikita d2.
pssst nag balik ka na yey! Sana mag padala ka ng picture greeting katulad last year kung saan pinilit pa kita. Hmp!
ReplyDelete@poldo: maraming beses kong natiempuhan yan yung tipong laglag na pwet ko
ReplyDeletesakay pa rin ako
@mac: yup yup yup
ReplyDeletepero pinaka-ayoko yung pupukpukin nila yung gilid ng jeep para "umayos ng upo" daw yung mga pasahero. panong ayos ba gusto nila? kaliwang hita sa ibabaw ng hita ng katabi? o alternate ba dapat? pag katabi mo nakasandal, dapat ikaw naka-abante at halos dulo lang ng pwet mo nakaupo?
ReplyDeleteat welkam back paps. buti naman at nagbalik ka.
@Gesmunds: uwing uwi na rin ako talaga.
ReplyDelete@Yna: salamat. welcome din po sa ka blogstugan
ReplyDelete@glentot: babalik na ako. mag aadik ulit ako sa blog. napariwara ang buhay ko e haha
ReplyDelete@yow: oo. nag bubusy sa buhay. kamusta na yow
ReplyDelete@khanto: yung pulubi nga daw e mas malaki pa ang kinikita kumpara sa nag tatrabaho ng minimum wage.
ReplyDelete@@jepoy: picture greeting para saan.? sige punta ako sa blog mo
ReplyDelete@justin: dun na lang daw maupo sa gitna.
ReplyDeleteweebee :D haha hanggang ngayon naeexperience ko..kabwiset talaga kasi kamay na yung panghampas nila sa jeep hindi na barya, dun pa naman ako madalas maupo malapit sa babaan, nakakairita kaya.. at isa pa kapag sinasabing kulang yung bayad..kamusta naman yun, araw-araw na ganun ang pinapasahe ko, sila lang ba ang nagtaas..haha
ReplyDelete@hartless: ay oo naalala ko yan. iba iba ang pamasahe depende sa driver hahaha
ReplyDeleteoh hey, welcome back sa ating dalawa. lol. may pagaka-mangagantso din ang ibang barker eh. minsan nakakairita na rin sila, haha.
ReplyDeletewelcome back paps..namiss ka namin..^^
ReplyDeleteiba talaga ang pinas..kailan ka magbabakasyon dito paps?^_^
@poot: nawala ka rin ba? lols. . . panong mangagantso. lols
ReplyDelete@superjaid: wala pang date sis. pero mukhang matatagalan pang onte
ReplyDeleteaba papito, welcome back!
ReplyDelete@kheed: salamat pare
ReplyDeletebarkers = <3
ReplyDeletehehe
pero totoo nga yan... dati nung bata ako (7yrsold) nagse-set-up ako ng stand ko sa may garage (pero sarado ung gate so walang nakakakita sakin) tapos naghihintay ako ng customers para bumili ng mga candies... ayon, syempre walang nngyri. d naman kasi ako nakikita sa labas. hahaha! parang engot lang. pero da best ung gumawa ako ng milk na ice candy kasi ayoko ung gatas na napabili ko (7 years old ako nito) tpos binenta ko ng piso sa mga kalaro ko.after a few minutes, kumatok sila. sbi nila "ibalik mo samin pera namin. d masarap." hahahahahha! wala gusto ko lng mag-share. haha!
oh visiting back.
ReplyDeleteimiss being here. hehe
oh paps, kamusta ka na? matagaltagal ka rin nawala.
ReplyDeletesabi nga nila, masarap pa rin sa pilipinas kahit nagdidildil lang ng asin. puro trabaho yata inaatupag dyan e.
@traveliztera: HAHAHA. baka naman walang asukal yan gatas mo. pero anyways. yeh isa kang business woman bata ka palamang.
ReplyDelete@ahmer: welcome back sa kbt.
ReplyDelete@balentong: oo puro trabaho! trabaho! trabaho!
ReplyDeletekakatuwa nman magbasa ng mga post mo! i lab it!
ReplyDelete