Showing posts with label Random Writes. Show all posts
Showing posts with label Random Writes. Show all posts

Thursday, May 5, 2011

Whatever 11 twenty eleven

Noong taong 2009 walang naka tama sa Whatever ten ng Ka-blogs-Tugan kaya ngayon inihahatid ng ka-blogs-tugan.blogspot.com ang Whatever 11 Twenty Eleven. Simple lang ang mechanic ng game. Magbibigay ako ng 11 facts patungkol sa akin, isa doon ang hindi totoo at huhulaan niyo lang naman kung alin doon ang hindi totoo at sabihin kung bakit yun ang napili niyo.Ang unang tatlong taong makatama ay magkakamit ng ka-blogs-tugan shirt.
11 Facts about Pablong Pabling alin ang hindi totoo
1. Nagkaroon ako ng kulugo sa hinlalaki sa paa noong elementary ako, dala dala ko ang kulugo na iyon hanggang sa hayskul, sabi ng ermat ko tuluan ko daw ng kandila para mamatay ang kulugo, ilang beses ko ginawa yun pero walang epek. Wala na ang kulugo ko ngayon, hindi dahil sa pag patak ko ng kandila kundi dahil ginamitan ko ito ng matalim na nail cutter.
2. Ang pinaka mababang grade na nakuha ko sa talambuhay ko ay 74 ito ang kauna-unahang bagsak na grade na nakuha ko, HEKASI ang subject. Masakit pa sa loob ko dahil mamula mula ang kard ko at ang pinaka mataas naman na gradong nakuha ko ay 98 Chemistry naman ang subject.
3. Noong bagong dating ako sa Amerika sabi ko sa sarili ko ang unang unang bibilhin ko para sa sarili ko ay SLR. At pag nakabili na ako noon ay pwede na akong umuwi ng Pilipinas. Ngayon may SLR na ako kaya bago mag buwan ng hunyo eh nasa PILIPINAS NA AKO wuhoooo..
4. 5'10 na ang height ko. 11 pa rin ang size ng sapatos ko. Kayumanggi ang kulay ko. Matindi pa rin ang paniniwala ko sa sarili ko na kasama ako sa mga kalalakihang tinatawag na "Tall, Dark and Handsome" at ganon kakapal at ka konpident ako.
5. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang padalahan ng pera. Libo libo ang perang binibilang ko araw araw tapos isang beses na short ako ng $300. Inabot ako ng 30 minutes sa pagbibilang ulit ng pera. Noong binilang ko ulit, hindi pala ako short. Iyon pala mali lang ang bilang ko 100 x 3 is 300 hindi 30.
6. Hindi ako pala-inom na tao. Isang beses pa lang ako nalasing dito sa Amerika. Sa sobrang kalasingan nakabasag ako ng gamit nung ka trabaho ko at pinabayaran sa akin yung nabasag na iyon sa halagang $70. Simula noon, hindi pa ulit ako nalasing hanggang ngayon.
7. Kapag Tuesday at Thursday 9:30 am ang pasok ko. Pag Monday - Friday - Saturday 9 am. Laging napapa aga ang pasok ko kapag tuesday at thursday at lagi naman akong nalalate kapag monday - friday at saturday. Hindi ko maintindihan minsan kung bakit ako nagkaka gayown.
8. Palagi akong nasasabihan ng klasmeyt o co-worker ko na parati daw akong mukhang bagong gising. Hindi ko alam kung maganda ba yun dahil fresh looking ako o dahil mukhang mabaho pa hininga ko at may tuyong laway pa ako sa pisngi. Lagi rin daw parang dinaanan ng bagyo ang buhok ko.
9. Hindi ako nahihirapang manligaw, hindi dumadaan sa punto na nag papahirapan pa ng ligaw. Kase ako ang nililigawan ko e yung may gusto na sa akin kaya wala nang hirap pa. Kung ayaw mo wag mo ganon lang yaon. May tatlong babae sa loob ng isang klasrum ang nagsabi na sa akin na "Kamukha mo ex ko" - yung isa sinabihan ko ng "You want to be my ex too?"
10.Early person ako, yung tipong hindi ako na lalate sa lakad ng barkada o basta hindi ako na lalate pag may kausap ako ng gantong oras. Kaya naman simula nung high school ako e naiinis talaga ako sa mga taong late palagi. Kaya kung ang lakad ay 6 pm dapat sabihin sa kanya 2 pm para at least 6:30 nandun na siya.
11. Takot ako mag drive noon sa freeway. 65 mph dapat ang takbo doon. Sabi ko saka na ako mag freeway kapag suicidal na ako, ngayon panay na ang freeway ko. Siguro nga suicidal na ako.
O Ayan mga katuga. Humula na. :)

PS: Ang Ka-Blogs-Tugan Shirt ay nagkakahalaga ng 300 pesos - binibenta ko rin ito sa mga die hard fans ng kablogstugan (kung meron man diyan). Available ang white & black - Girl at Boy Kablogstugan.
Hindi rin pwedeng manalo ang hindi naka like sa FB ng Ka-blogs-tugan. Sa mga mananalo makakatangap kayo ng message ko sa blog nyo ng
"pare paki email mo ang address mo padadala ko premyo mo" o kaya pag babaeng bebot ang nanalo i aabot ko ang premyo ng personal.

*contest runs till may 15 2011*
dahil sa hindi pa sapat ang bilang ng mga mananalo
inuurong ko ang patimpalak na ito
hanggang sa may 30 2011*

Monday, April 11, 2011

CHICKS BEFORE DICKS

Bago ang lahat, gusto ko muna sabihing "haysssstttt" natapos na ang sinusubaybayan kong tv series, hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Magbabago na naman ang takbo ng daily routine ko - pano na to. Anyhow, inihaw moving forward. Kamusta na kayo mga mahal kong katuga? Buhay pa ba kayo? May pagkain pa ba kayo? Tigang na ba kayo? Pwet este pwes kung oo ang sagot mo. Wala akong paki alam sa inyo. Biro lang opkors I care bear.

Kwentuhan ko lang kayo ng bago. May nakasapakan kase ako kamakailan - sabi niya dapat bro's daw muna before hoes, counter part ito sa babae ng chicks before dicks.
Dahil sa 90% ng readers ng KBT ay highschool at bagong graduate ng highschool edad 34-35 paliliwanag ko kung ano tong bro's before hoe's at chicks before dicks. Sa mga lalake dapat daw mas importante ang mga barkadang lalake kesa sa kanilang mga girlpren, sa babae naman unahin daw muna ang mga girlfriends bago ang tite. Gets niyo ba?

Ibig sabihin kung may girlpren ka dapat daw unahin mo pa rin ang kaibigan mo, kase bago pa man dumating ang girlpren mo e nandiyan na ang mga kaibigan mo - hindi ba kapag iniwan ka ng girlpren mo sino ba iiyakan at sasandalan mo di ba kaibigan mo din? Ito ang gustong sabihin nung nakasapakan ko, dapat daw bro's muna before hoe's. Sa totoong buhay ganto din ako, isa sa dahilan ng pakikipagbreak sakin nung girlpren ko e dahil inuuna ko daw ang mga kaibigan ko. Wala daw ako time sa kanya. E nakanangshongay - buong gabi na kami sa telepono wala pa rin akong oras sa kanya. Anyhow past is past. Iniwan niya din ako, o sino mga kasama ko ngayon hindi ba kaibigan? (Theme song: ako ay kapitbahay kapitbahay niyo handa akong tumulong sa inyo)

Sa kabilang banda gusto ko ipagtanggol ang hoe's before bro's bakit? Para may mapagusapan lang. Walang argumento kung ookay ka sa lahat ng bagay sa mundo. Pero sa totoo kung iisiping mabuti, kung gagana ng konti ang left and right brain - may punto talaga ang bro's before hoe's. Iba naman kaseng usapan ang girlpren lang sa asawa na, siempre pag asawa na dapat asawa na talaga ang una. Eksampol na lang. Na apektuhan din ako ng hoe's before bro's na ito e - dalawang buwan na ang nakakalipas napagusapan na namin ng kaibigan ko na may gagawin kami
ng gantong araw - pero dalawang araw bago ang araw na yun nagkaroon siya ng hoe nagkaroon sila ng plano kasama yung hoe's niya dun sa araw na yun. So hindi sumama sa amin si kaibigan dahil may girlpren na siya at may plano rin sila. Pero potaness nakakapang gigil bulbol 2 months nang plano yun tapos two days pa lang sila, mas pinili niya yung boring nilang lakad.

Pero tanggap namin yun, lalo na ako. Tanggap ko yun,(sarcastic) kase para sa akin dapat ang girlpren mo ang uunahin mo kesa sa kaibigan mo. Pano kaya kung ang attitude ng lahat ng tao e unahin ang kaibigan kesa sa girlpren, siguro walang nabuong pamilya, siguro puro friends lang tayo ngayon dito. Wala kang tatay ala ka ring nanay, kaibigan meron ka. Pero sounds good din ang friends with benefits, sex sex lang, walang malisya. Siguro kung bro's before hoe's or chicks before dicks e daming nag kalat na bisexual ngayon

Isa pa. Kung ang mga kaibigan mo e tunay na mga kaibigan maiintindihan nila kung uunahin mo ang girlpren mo, siempre ayaw din naman nilang matali sayo.
Wala namang plano makipagrelasyon sa iyo ang mga bros to bros or chicks to chicks, unless.......@#!%@!# ka.

O kayo mga katuga, ano ba sa palagay niyo? Dapat ba e bro's before hoe's o dicks before chicks? Dicks siempre!...

PS: Hindi kayang ibigay ng kaibigan mo ang sarap na kayang ibigay sa iyo ng girlpren mo, dahil hindi ka rin kayang saktan ng kaibigan mo tulad ng pag sakit sa iyo ng girlpren mo.

Wednesday, September 1, 2010

MALUNGKUTIN

Sabi ko pag masaya ako sumusulat ako dito sa blog na ito.
Matagal tagal na rin pala ang huling sulat ko
matagal tagal na rin pala akong huling naging masaya.

Matanong ko lang
bakit yung mga pornstar
pagtapos nilang gawin yung dapat nilang gawin
eh nag tatawanan sila?

Saturday, August 14, 2010

BRA-BERBS ni Pabling (Proverbs)

Mga pag mumuni muni ko lamang sa buhay buhay. Oo nag iisip din ako minsan.
1.Kung may isang taong naiinis sa iyo ayos lang yan kase hindi mo naman masusuyo lahat ng tao sa paligid mo. Pero kung lumagpas sa sampu o higit pa ang may ayaw sa iyo abay ibang usapan na yan, ikaw na ang may problema niyan.
2.May mga taong pinabibigat ang buhay ng iba, wala lang trip lang nila. Sobrang bigat din siguro ng dinadala nila kaya dapat i share nila sa iba. Pero mas maganda naman na ang ibinabahagi mo ay kaginhawaan hindi ba?
3.May mga tao namang pag nakita mo pa lang alam mong may problema na naman ito. Wala nang lumabas sa bibig niya kundi ang putaenang buhay niya.
4.Nagtataka ako kung bakit kung sino pa itong wala nang makain sila pa itong sobrang pihikan sa pagkain, ayaw kumain ng ganito o ng ganyan. Mag gulay ka nga!
5.Kung may nagugustuhan kang tao wag mong kakaibiganin. Ligawan mo agad. Kase kapag kinaibigan mo tapos manliligaw ka e maninibago ang tingin niya sa iyo, sa bandang huli e na basted ka na nawalan ka pa ng kaibigan.
6.May tatlong bagay na ayaw kong pag usapan 1. Politics 2. Religion 3. Sexual Preferences. Alam kong hindi lang kami magkakasundo sundo.
7. Sa palagay ko dapat tumigil na ang mga tao sa kaka reklamo sa kung ano anong problema- dahil kung sige mong reklamo, hindi ka magiging masaya. Just S.U.M.O (Shut Up and Move On)
8. Bakit pinalalabas ng mga pari o religious leader na ang pagtitikol ay isang masamang gawain? Sa palagay ko ang masama ay ang sex outside marriage - ang pagtitikol ay isa sa pinaka magandang nilikha ni papa Jesus para sating sangkatauhan.
9. Pag hindi ka kinikibo ng isang tao, dalawa lang ibig sabihin niyan. Hindi ka niya trip o trip na trip ka niya. Subukan mo siyang kausapin tapos ligawan mo agad.
10. Siyam lang muna...ay sige sampu na
11. Wag kang magagalit kung mabastos ka kung itsura mo eh kabastos bastos. Mag susuot ka ng pekpek shorts pero nagagalit ka sa tingin ng tingin sa legs mo. Maikling blusa pero hahatak hatakin mo. Kung ganun ang suot mo ituloy tuloy mo na ang bastusan.

Monday, April 5, 2010

Titser Tits-er

Dahil sa bakasyon na pag usapan natin ang mga titser.Sa tinagal tagal kong naging estudyante
may iisang common na ugali ang mga guro. Ito ay yung pamatay nilang banat sa unang araw ng klase "kilala ko na ang mga ugaling bawat estudyante kaya wag niyo akong susubukan, ang ayaw na ayaw ko ay yung tamad at kahit mayor pa ang magulang mo hindi ako natatakot na mambagsak dahil nambabagsak talaga ako.

Nung nasa elementary ako e takot na takot ako pag nakaka rinig ako ng mga ganyang kataga mula sa mga guro dahil napaka tamad kong batang mag aaral. Pero pagtungtong ko ng highschool e medyo sumipag na ako, kung nung elementary ako e hindi ko talaga ginagawa ang assignments ko, nung highschool e nauumpisahan ko na ang assignments ko, nung college naman
e nakakakalahati na ako. Nag sisisi nga ako kase ang bobo ko sa math, bobo talaga kase di ko natutunan ang basics katamad ko nung elementary kaya nahihirapan pa rin ako sa sa 6 x 9 equals kwan hmmm...calcu nga.

Ilan sa mga gurong tumatak sa isip ko sina. . .(di tunay na pangalan)

1. Mrs. Sue - Ito ang guro na ang sungit sungit sa estudyante. Namamahiya ito sa recitation at
kakabahan ka sa tuwing ikaw ang nahirang na sasagot sa kanyang malupit na
humahagupit na tanong.
2. Mrs. Tal - Bukod sa isa rin siyang masungit na guro tulad ni Mrs. Sue. Parati pang tumatalsik
ang laway niya sa aming mga nasa first row. Minsan naming binoycot ng katabi at kaibigan kong si pareng oliver ang gurong ito dahil sa patuloy na pagtalsik nang laway at pamamahiya niya sa amin. Nasanay na rin kami sa kanya kaya sa tuwing may tumatalsik sa mga kamay, notebook,buhok at mukha namin e napapatingin na lang kami sa tumalsik sa amin. Nang mag kakwentuhan kami nung isang taga second row gulat na gulat siyang malaman na "pati pala kami ay natatalsikan". Malamang kung siya nga na nasa malayo e nakaka tanggap ng blessings kami pa kaya na nasa harap.
3. Mr. Dee - mala demonyo ang dating niya kase hindi siya naniniwalang may Diyos.Founder ng
atheism sa U.P dati.Hindi ko akalain na mag kakaroon ako ng guro na ganito. Ang masasabi ko lang ano naman ang pag babagong magaganap sa buhay ko kung totoong wala ngang Diyos. Hindi ko sinasabing masama siyang tao in fact napakabait niya siya ang tinuturing ko na the best teacher ko kase aside from follower siya ng ka blogstugan e magaling na guro at naka flat one ako sa kanya.
4. Mr & Mrs Hee - sobrang hina ng boses. Kailangan mag kabit ng hearing aid ang mga
estudyante twing klase niya.
5. Ms. Boo - mahilig sa bunutan. Pag nabunot ka humanda ka na sa itatanong niya. Kasama ka
lagi sa raffles.
6. Mrs. Ter - kala mo Mrs. terror ano? hindi. Mrs. Ter kase palaging terno ang suot niyang damit sa bag,sapatos, pamaypay, kuko,buhok at malay mo sa bra at panty pa. Malupit! Masakit sa mata.
7. Mr Miss - baklang propesor - tinext niya ako matapos niya ako maging estudyante.
8. Mrs. Zzzz - nananaginip ako tuwing klase niya. Kung di ka makatulog pasok ka lang sa klase
niya.
9. Mrs. Chick - kinalahig ng chicken ang sulat sa pisara. Maraming estudyante ang nag tatanong "Mam ano po ito" kung di makahalata e sana nag dictation na lang siya o nag pa xerox
ng kopya. Nakikipag kompetensya sa mga estudyanteng kahig manok ang sulat.
10. Ms. Hotee- pare ang sheksi. Buhay na buhay ang mga kalalakihan at tomboys sa klase niya.
Pag kausap mo siya hindi ka nakatingin sa mukha niya kundi dun sa medyo sa may baba ng leeg.
11. Mr. Hotee- buhay na buhay naman ang mga kababaihan at girlalus dahil sa fit na fit na polo ni prof.
12. Mr & Ms Green - hindi mawawala sa klase niya ang mga Green Jokes. May mga classmate ka namang nakatanga kapag nag biro na siya, hindi nakakagets ng aritmitik.
13. Mr. at Ms. Haha- Ganito ang gusto naming propesor para lang kaming nasa comedy bar.
Magaling magturo kase di ka mababagot sa kakatawa habang natututo. Si Ms haha ay kamukha daw ni Chocolate at Dugong.
14. Ms. Habam- nung kinder ka single siya, nung graduate ka na ng highschool single pa rin
siya patapos na ako ng college ganun pa rin habambuhay na lang siyang
single. Nawili na lang sa pag papa straight ng buhok twing akinse at
katapusan.

Ilan lang yan sa mga naging propesor ko, kung ikukwento ko pa lahat e aantukin na kayo. Hindi ko sinisira ang mga prop ko napag kukwentuhan lang, sila rin naman pinag kukuwentuhan tayong mga estudyante so patas lang, mahal na mahal ko ang mga prop ko at madami sa kanila ang pwede natin ituring na bayani dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi tayo aasenso at matututo.Pinupugay ko lahat ng mga titser sa buong mundo. Naway dumami pa ang tulad niyong matiyaga sa aming mga estudyanteng pinag uusapan ang mga guro pag walang maisulat sa blog.

Thursday, July 16, 2009

UNGOL

Kapag dieta ka nga naman sa kan%@# kung ano ano na lang ang maiisip mong gawin. Mahirap kapag nasa isang relasyon kang hindi sigurado, mahirap din pag single ka para kang isang loser na tigang sa laman. Kamakailan nag kainuman kami ng aking mga tropa sa kanilang lugar, may bangko, mesa at pulutan pero walang alak kunwari lang walang alak pero meron.

Maraming napag usapan, mga pananaw sa buhay buhay, sa pulitika, sa lablayp, mga hindi matatawarang adbays para sa kaibigan at mga hinanakit sa buhay. Masarap kapag lasing ang mga kausap mo, totoong mga tao hindi mag sisinungaling yan. Mas masarap pa makipag usap sa lasing at magpalaki ng bayag kaysa sa mga sanamabits na mapagpanggap at sinungaling.

Hindi ako talaga pala-inom kung bibilangin mo kung ilang beses pa lang ako gumapang pauwi dahil sa kalasingan hindi pa lalagpas sa daliri ng isang kamay. Kapag lasing ako alam ko na ang senyales, matigas si manoy ko o kaya naman ay madaldal ako at paulit ulit lang ang sinasabi buong inuman session yun at iyon lang ang sasabihin ko.

Teka off topic na ako. Kapag diyeta ka nga naman sa kan%@# kung ano ano na lang ang maiisip mong gawin. Nag ka aminan ang tropa tungkol sa buhay lablayp, bihira lang mangyari na tuwing nag kikita kita ay lahat kami singol. Singol nga ang lahat nung gabing iyon, nag sama sama ang dakilang mga looser sa pag-ibig habang malakas ang buhos ng ulan.

Mag aalas dose na nang mag kayayan umuwi nag salita ang kanina pang tahimik na si pareng jun, di totoong pangalan, junel ang totoo niyang pangalan.

Jun: Pare CR ako
Paps: CR ka? Paihi ako.
Jun: huh?

Hindi niya na gets ang biro ko, ni isa sa kanila walang naka gets. Babasahin niya ulit yan para ma gets. Kaya lang hindi pa rin. Pumunta na siya sa banyo, hinahantay namin ang mokong, lumipas ang mga kinse minuto hindi pa rin siya lumalabas. Pinuntahan ko na sa banyo baka kako nakatulog nang may marinig akong ungol sa isang sulok ng kwarto. Napangiti ako. Taena pare kahit diyeta naman ako sa kan*%! hindi ko gagawin ito sa katulong!!!!

Mga higit sa trenta minutos kaming nag hantay sa kaniya. Kunwari wala kaming alam sa nangyari. Umuwi na kami. Kinaumagahan na lang kumalat ang isang text sa amin. "Tol masarap ba si inday? "

ps: syet! ang lakas ng ulan. bakit walang pasok ang elem at highschool? ang college meron pa rin! ano kami waterproof? pero taena kahit may bagyo papasok ako! wetlooks sila mamaya excited na ako.

-sarap sana ng may kayakap kapag ganitong taglibog tag ulan kaso wala.

Saturday, July 11, 2009

Tatlong Kahilingan Promo

Uso noon ang tanong na "kung mag kakaroon ka ng tatlong wish na mula sa genie ano ang mga gusto mong i wish". Noong bata ako hindi ko masiyadong ginagamit ang utak ko parang ngayon ginagamit na ah alam niyo naman ang utak ko naglalaman ito ng 75% water at ang natitirang 25% naglalaman ng air. Sinagot ko ang tanong na iyan sa isa sa aking mga kalaro. Ang natatandaan kong sagot ko at karamihan sa mga sagot namin ay. "gusto ko yumaman paglaki ko" "gusto ko tumira sa isang malaking mansiyon" at "gusto ko sumikat at maging tanyag sa buong mundo". Masiyadong pambata ang mga sagot namin, parang ganyan din ang sagot ni Aladdin.

Dahil sa malaki na ako, hindi na dapat pambata ang sagot ko. Madali lang naman maging mayaman kung masipag ka kaya di ko na i wiwish ang pagyaman ko. At dahil 2009 na dapat ay masagot ko ulit ang tanong na iyan. "Kung may genie ako at bibigyang katuparan ang tatlong wish ko ano ang mga ito?.

1. Una. Pahabain pa niya lalo ang burat ko pasensiya ko sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Sa tingin ko mas magiging masaya kase ang isang tao kung mahaba ang pasensiya niya sa mga bagay bagay. Kaakibat nito madadagdagan pa ang pagka (ahem) gandang lalaki ko dahil mababawasan ang pagdagdag ng wrinkles kung pasensiyosong tao ka.

2. Pangalawa. I wiwish ko sa genie na palagi niyang gagabayan ang mga mahal ko sa buhay. Tulad ng aking erpat, ermat, kuya at bunso. Kasama na rin dito ang mga kamaganakan, kaibigan, kaklase, readers ng ka-blogs-tugan, manong drivers at exgirlprens. Dahil hindi ko kakayanin pag may nangyaring hindi maganda sa kanila o di naman kaya ay mawala sila. (Punas ng luha)

3. Ang huli. Ayoko naman maging makasarili puro akin akin akin. Para sa lahat ng pilipino ang wish ko na ito. Sana mamatay na lahat ng corrupt sa gobyerno para umasenso na ang ating bansa. Kung malabo yan, sana gawin na lang niyang parang united esteyts of America ang Pilipinas. At kung malabo pa rin yan. Bigyan na lang ulit ako ni Genie ng walang hanggang wishes.



Akala ko matanda na ako ngayong 2009, naniniwala pa rin pala talaga akong may Genie.
Mukha lang ang tumanda pero ang isip.........suwabe beybehhh!

Friday, July 10, 2009

ISKOOLIT

Natuwa lang ako sa nakita kong ad na yan. Ayos di ba mag eenroll ka lang ng isa libre na ang isa.
Ang tanong ko lang hanggang pag graduate ba ng fourth year eh libre na yung isa?. Laking tipid kung magkagayon. Enroll ka na katuga!


Ito naman napadaan ako sa monumento station sa caloocan. Eskwelahan din yaan eh di ko maalala kung anong school pero ang nakabungad sa skul ay iyan. "YOUR FUTURE IS OUR BUSINESS" parang di maganda pakinggan. Business lang nila ang future ng mga estudyante.

8============D

Dahil sa korny ang post ko na iyan, irerepost ko na lang ang ginawa kong script noon.

Characters:
Juana- ang host ng Cooking ni Mommy Show
Audience- mga nanonood ng show (malamang audience nga eh)

Juana: Magandang magandang umaga po lahat ng mga nanonood sa araw na ito. Maraming salamat sa patuloy niyong pag tang kilik sa....Cooking ni Mommy Show!

Audience: (applause)

Juana: Ang lulutuin po natin sa araw na ito ay sinigang na baboy.

Ang mga sangkap na ating gagamitin ay isang taling kangkong, kamatis, sibuyas, knorr
sinigang mix at isang kilong baboy.

Kakailanganin din natin ng sangkalan, kaldero at kutsilyo.

Una kailangan nating hiwain ng pa cube ang baboy para madali itong nguyain, pero
siempre hindi natin mahihiwa ang baboy kung wala tayong kutsilyo. At hindi rin natin
mahihiwa ang baboy kung hindi matalim ang ating kutsilyo, kaya mag bibigay ako ng tip
kung paano patatalimin ang inyong mga kutsilyo.

Kunin ang kutsilyo at ikaskas sa bato o pader na rough ng pakanan at pakaliwa. Ibalik-
balik ang pag kaskas hanggang sa mag init ang kutsilyo.

May isa pang paraan ng pag papatalas ng kutsilyo pag may dumaan na sumisigaw ng "pa
hasa! pa hasa kayo diyan!" (usually naka bisekleta sila) eh ipa-hasa niyo na ang inyong
mga kutsilyo at sure iyon tatalim ang inyong mga kutsilyo.

Ay. Wala na po pala tayong oras. Dito na nag tatapos ang COOKING NI MOMMY SHOW.
Hanggang sa susunod na muli. Maraming maraming salamat sa panonood!

Wednesday, July 8, 2009

Yow Niggah!

Hindi ko muna ikwinento ang nangyari sa Visa interview ko nung July 2 dahil sa ayoko mag kwento hanggat hindi ko pa nahahawakan ang passport at visa ko. Pero kanina dumating na ang Visa ko. Halong tuwa at lungkot ang naramdaman ko. Tuwa dahil malalanghap ko na ang lamig at amoy ng yunayted esteyts, lungkot dahil iiwan ko na ang mahal kong bansang Pilipinas.

Hindi ako masiyadong nakatulog gabi bago dumating ang interview ko. Ala sais y medya ng umaga ang schedule ko, dami kong kinabisado tulad ng mga address at phone numbers ng pamilya sa esteyts at sinubukang sagutin ang ilang mga nakalap ng sample questions sa internet.

Namumutla at naninigas na ako sa kaba nang nag flash na sa screen ang aking number. Pumasok na ako sa cubicle. Potaness. Negra ang consul. "Yow niggah wattup"! Buti na lang hindi naging ganyan ang bati ko, baka instant denied ako. Sa dami ng pag hahandang ginawa ko, isang tanong lang ang itinanong niya sa akin.

Pag pasok sa cubicle.
Pablong Pabling: Goodmorning niggah officer.
Negrang Consul: Good morning (slang na slang parang negra lang)
Negrang Consul: Okay tell me when is your birthday.
Pablong Pabling: October 28, 1988

Tumahimik siya. Nagtayp. Chineck ang papers. Mga 2 minutes tahimik lang.

Negrang Consul: Okay. The papers looks great congratulations.

Lumabas na ako ng cubicle. Nag hantay ulit ng pag tawag sa screen. Ayun na. Alam na.

8===D

Tumawag na din ang U.S Embassy dapat daw ay magamit ko na ang VISA bago dumating ang December 12,2009. Hindi na pala ako mag papasko at mag papaputok dito sa bagong taon. Malungkot. Ibang putok na lang ang gagawin ko sa estetys. Tatapusin ko na lang ang semester na ito para hindi masayang ang naumpisahan, mga after pers week o second week ng november ang alis ko. Matagal pa iyon. Marami pang mangyayari.

Susulitin ko na lang ang mga natitirang panahon ko sa aking barkada at kapamilya. Lalanghapin ko ang bawat usok sa kalsada at dadamhin ko ang trapik sa edsa bago man lang ako umalis. Balita ko wala daw kase nun sa esteyts baka mag kasakit ako pag di na ako nausukan at na bwisit sa trapik.

To see is to believe akong tao. Hindi ko pa nakita ang kaliporniya hindi ako naniniwalang may Amerika. Malapit ko nang mapatunayan kung meron nga. Ayoko umalis, kung hawak ko lang ang sarili kong buhay (sigh). Mahal ko ang Pilipinas

Saturday, July 4, 2009

SILA NGA!

May mga napapanood ka ba sa telebisyon na nakakapag pasakit sa iyong mga mata? Sino ba ang mga celebrities sa local tv station mo na ayaw mong nakikita o napapanood?

Share ko lang ang akin. Pasintabi lamang sa mga fans ng mga ito. Opinyon ko lamang ito mga mahal kong katuga.

1. Mike Enriquez - Nakakatakot na nga ang mga binabalita nakakatakot pa ang boses at mukha. "ubo" ubo" excuse me po! sana ma imbestigahan niya rin ang sanhi ng kanyang pag-ubo. At sana maisipan ni Vicky Belo na sponsoran man lamang itong si Mike Enriquez, konteng tabas sa ilong at palitadahan ang mukha pede na siguro. Magulat tayo pag binati ni Mike Enriquez ang mga sponsors niya including Vicky Belo. Oha!

2. Willie Revillame - dati pangarap ko lamang maging doctor, ngayon pangarap ko nang maging host ng wowowee. Ang laki ng sahod netong kurimaw na ito, di ko alam kung totoong 1 million a day pero yan ang bali balita. Palitan na yan, pag nanonood ako ng wowowee na- aasar ako dahil napaka pakitang tao niyan. Mga tao naman tuwang tuwa sa kanya, hindi kase nila ang tunay na ugali niya. (Tanong niyo na lang sa mga nag ta trabaho sa kanya kung ano ang totoo niyang ugali) Mag papalaki na lang ako ng bayag kesa mapanood siya.

3. Joey De Leon - di ko ma explain kung bakit di ko gusto itong napapanood, magaling siya mag host oo tulad ng sa wow mali. Hmmmm ah siguro dahil big deal sa kanya kung sino ang number 1 sa ratings at dahil parati niyang tinitira ang abs-cbn. Ewan ko ba diyan bat ang init ng dugo sa kapamilya. At saka siguro dahil may pag ka hawig siya kay Mike Enriquez.

4. Manny Pacquiao - idolo ko siya pag dating sa isports, walang duda 2 thumbs up. Kung pede lang sana mag boksing na lang siya. Tigilan na niya ang pag host at pag arte. Ang hilig pa gumawa ng pelikula di na nadala sa una niyang pelikula nila ni Ara Mina. Tigilan na rin sana ng GMA si Aling Dionisia di naman nakakatuwa.

5. Mo Twister at Raymond Gutierrez - mga lalaking ka tsismoso. Parang mga di tunay na lalake.

6. John Lapus at Jobert Sucaldito - taenang boses ng mga yan, sakit sa tenga.


PARANG MAY PAG KAKAHAWIG SILA SA ISAT ISA. PARANG LANG NAMAN.
ANO KAYA IYON?

(from left to right: Mike Enriquez, Joey De Leon, Jobert Sucaldito)

Monday, June 29, 2009

NAKAKA

Eksena sa loob ng starbucks sa bandang timog, isang taon na ata ang nakakaraan. Kasama ko ang aking katrabaho na itago na lang natin sa pangalang Jhigs. (Jhigo ang kanyang totoong pangalan)

May isang babae na nakatalikod sa amin sa pila. Kahit nakatalikod siya mababatid mong isa siyang magandang babae, napaka bango ng amoy, ang legs nakakasilaw sa kaputian at ang katawan oohh lala. Kumbaga nakatalikod pa lang mga tatlong pitik sa etits parang lalabasan ka na.

Jhigo: Pare nakikita mo ba ang nakikita ko?
Paps: Sa palagay ko nga b2.
Jhigo: Mukhang artista
Paps: Grrrrr!!!! (gigil sabay dila sa labi para mamasa )
Jhigo: (parang naninigas ang buong katawan at naglalaway)
Paps: (sabay punas ng panyo sa bibig ng kaibigan at ako'y bahagyang binatukan)

Natapos na siya sa inorder niya at gumilid para mag hantay, kasama niya pala ang isa pang babae na ngayon ay katabi na niya. Tutok na tutok kame ni pareng Jhigs sa babaeng iyon, napa nganga na lang kami ng masulyapan namin ang mukha ng babae. "pota pare Anne Curtis".

Na Star-struck kami sa kagandahan ni Anne Curtis, iniwan niya kaming tulala at basa. Nahimasmasan na lamang kami matapos makainom ng mainit na kape.

Jhigo: Sino ba syota niyan ngayon?
Paps: Yung maputla na mukhang abnoy.
Jhigo: Si Sam Milby? Wala na ata sila nun. Bakit kaya?
Paps: Aayusin daw muna ni Sam Milby ang relasyon niya kay Papa Jesus.
Jhigo: Baka relasyon niya kay Papa Piolo
Paps: baka (sabay higop ng lumamig na kape)

I LAB YOU PO ANNE CURTIS!

ps: banyo muna ako

Thursday, June 25, 2009

MICHAEL JACKSON DIES AT 50

Hindi naman ako masiyadong na apektuhan sa pagkamatay niya, hindi tulad ng pag kalungkot at pag dadalamhati ko kay master wrapper rapper Francis Kiko pero bilang pag galang sa isang KING OF POP sa industriya ng musika dapat ay mag post din ako para sa kanya. Na heart attack daw itong si Michael Jackson ayon sa nabasa kong balita sa kaibigang yahoo news. Bakit kaya na heart attack?

a. Nakakita ng jumbo king size hotdog sa loob sa boxer shorts ng binayarang agogo dancer.
b. Nag titikol siya at umabot sa rurok ng kalangitan, hindi kinaya sa sobrang sarap kaya hindi nakahinga.
c. Umepekto na ang lahat ng pinag gagagawa at pinag bababago niya sa katawan niya. Tapos na H1N1

Alin man diyan ang tamang sagot. Ang masasabi ko lamang "ang buhay ng tao ay saglit lamang, narito ka sa lupa ngayon bukas, makalawa nag papa coffee at biscuit party ka na".

ps: sorry po sa post ko na ito michael jackson, walang personalan. Natatakot po ako sa inyo, please lang huwag niyo po akong dadalawin. Magkano ba bawang ngayon?
(from the left: Madam Auring, Michael Jackson, Rosa Rosal,Dingdong Dantes)
sabi ni mulong sama ko daw si dingdong (hugas kamay)


PATUNGKOL SA LARAWANG ITO. AYOKO MUNA MAG BIGAY NG KOMENTO
MEDYO NATATAKOT AKO, PINANDIDILATAN AKO NG MATA OH. ALAS TRES PA NAMAN NG MADALING ARAW.

Wednesday, June 24, 2009

ANG SARAP


Sabi niya sa akin kanina "Open it wider. Come on, open your mouth wider." Binuka ko pa ang bibig ko, hindi talaga magkasya, masyado yatang malaki, hindi magkasya yung aparato na ginagamit niya sa pag pasta sa ngipin ko, umiilaw ilaw pa iyon eh. Inaamin ko, hindi talaga ako sumusunod sa sinasabi ng mga dentist na dapat daw eh binibisita mo sila every 3-6 months para naalagaan ang ipin, kanina nagpa-pasta ako dahil sa kailangan ko siya sa medical requirement para sa u.s visa ko (naks). Dalawang taon na ang nakaraan nang huli akong magpunta sa kanya.

Sa tuwing nakakakita ako at tuwing papalapit na ako sa dentist chair. Kakaiba na ang nararamdaman ko, parang gusto ko na lang mamatay muna at sumailalim sa general anesthesia para pag gising ko eh tapos na ang dapat nilang gawin sa ngipin ko. Medyo hindi kase maganda ang impression ko sa mga dentista, parang tuwang tuwa sila sa tuwing nangingilo ang mga pasyente.

Ang unang karanasan ko sa pag papasta ng ngipin ay noong grade 6 ako. Sabi ng erpat ko hindi daw masakit, malamig daw sa ipin pag nililinisan at pinapastahan. Wala akong kakaba-kaba ng mga panahong iyon, pangiti ngiti pa ako sa tomboy kong dentista na ngayon ay sumakabilang buhay na, sumalangit nawa. Naupo na ako sa dentist chair at nag umpisa na siyang magtrabaho sa ipin ko, bandang kalagitnaan na, kung ano anong pangyayari na ang nangyari sa buhay oral cavity ko. Sa sobrang sakit akala ko sa silya elektrika na ako umupo at ilang oras na lang tatagal ang buhay ko. May ipinasok siyang parang pang hangin sa ipin, pota@!#* ayoko na talaga!!!! napapamura talaga ako sa sobrang sarap pagkangilo. Well minumura ko lang yung dentista sa isip ko, ang dami kaseng nakapasak sa bibig ko.

Pagkatapos ng malagim na pangyayaring iyon. . . . na trauma na ako. Ayoko na makakita ng dentista at lalong ayoko na umupo sa silya elektrika este dentist chair. Pero nahubog na rin ako ng panahon, ilang beses na ako pinastahan simula ng una kong ekspiryens, kanina swabeng swabe ang pag pasta sa akin. Konting ngilo lang then poof kokokrans! Tapos na agad. Ready na ako sa medical exam bukas. Yehey!

Tuesday, June 16, 2009

Nakaka-Loko

Nakakaloko ang video na ito. Bawal panoorin ito ng mga hole-some. =)



8=====D

SA LIKOD NG SAYA.

Mga katuga, mas madali pala mag pasaya ng ibang tao kaysa sa pasayahin mo ang sarili mo. (Hindi yung handjob ang tinutukoy ko dito paps, ang tinutukoy ko eh yung emosyonal esteyt) Gusto ko man tawanan na lang ang problema, hindi ko rin pala talaga kaya. Sinusubukan kong maging malakas pero yung kalakasan ko mismo ang nag papahina sa akin. Papa Jesus please naman po, alam kong hindi po ako karapat dapat na humihingi ng kahit sa inyo kase parang nakalimot na po ako. Pero papa Jesus please po nakikiusap ako, paki alis niyo na po yung lungkot ko, ibalik niyo nga po yung batang bibo,batang masayahin, batang gwapo enngggks wala naman ako nun dati, pero papa Jesus pwede niyo rin po ako gawing gwapo. . .

May gusto lang akong sabihin "May mga bagay tayong dapat isakripisyo para sa ikabubuti at ikasasaya natin sa hinaharap". Tama na nga ang drama. Eto joke pambawi lang sa inyo. Sorry mga katuga ha, medyo malungkot lang talaga ako. Eto na ang joke. Smile ka muna. Yey. Ayan. Dahil sa uso ang mga cheezy na pick-up lines eto na,

Boy: Chocolate ka ba?
Girl: Uyy. . . pick up line ba yan? Dahil ba sweet ako?
Boy: Hindi. Ang itim mo kase.

Niyahahaha. . .

Saturday, June 13, 2009

MABUHAY ANG MGA KALALAKIHAN!

SAAN BA MAHUSAY ANG KASARIAN MO.

LALAKE:

1. Isports tulad ng basketball (James Yap), billiard(Efren Bata Reyes), boxing (Manny Pacquiao) at marami pang iba tulad ng soccer at baseball.
2. Business matters, May ari ng SM (Henry Sy).
3. May ari ng malalaking kumpanya tulad ng ABS-CBN (Lucio Tan) at GMA (Gozon).
4. Gumagawa ng mga bahay. Engineers at construction workers.
5. Writer tulad ni Bob Ong at Pablong Pabling (lols)
6. Pastor , Pari mga nag papatakbo ng simbahan
7. Political Leaders (mas maraming lalaking naging pangulo ok?)
8. Pulis at mga sundalo, nag poprotekta sa ating bansa
9. Pag taya sa mga karera ng kabayo at pag sasabong ng manok.
10. Nag eexcel din kami sa pag bebenta at pag gamit ng shabu at iba pang drugs.
11. Magagaling na magnanakaw tulad ni Robin at Lupin.
12. Nag papatakbo ng mga tricycle, jeepney, eroplano at barko.
13. Technicians. Nag aayos ng mga sirang selepono,computers, ilaw, kuryente atbp.
14. Magaling na mga mang aawit, composers, manunugtog ng gitara, drums at piano. (Rico Blanco, Yael, Chito Miranda)
15. Magagaling na doktor (Hayden Kho) at nag oopera ng kung ano anong malalang sakit.
16. Inventors. Albert Einstein. Isaan Newton.
17. Magaling sa Math ang mga kalalakihan (ahem ahem).
18. Sikat na mga Super heroes. Spiderman at superman.
19. Mga animators at painters.
20. Photographers.
21. Hosts. Willie Revillame, Tito,Vic and Joey.
22. Leader ng mga rally. Mga nag aaklas laban sa gobyerno.
23. Pinakamayamang Tao. Bill Gates.
24. Si Jollibee, Ronald Mcdonald, Kenny Rogers, Mang Inasal, Manong Pepe, atbp.
25. Si Papa Jesus
26. Wala naman si Eba kung wala si ADAN. (Sabay ngiting pang asar)

BAKLA:

1. Director ng pelikula, konsyerto. (Joey Reyes, Joel Lamangan)
2. Fashion Industry. (Poy Quinones, Rene Salud).
3. Pag mamake-up at parlor. (Fanny Serrano, Ricky Reyes)
4. Script Writers, showbiz writers, tsismosa (Sweet, Boy Abunda,Jobert Sukaldito)
5. Costume Designers
6. Nag papatakbo ng mga pageants tulad ng Binibining Pilipinas,Miss earth at Mr.Pogi
7. Judges. Pang huhusga kung maganda ba o hindi, o pogi ba o hindi.


BABAE:

1. Mahuhusay na mga guro sa eskwelahan.
2. Mahuhusay mag luto sa bahay ( pero lalaki pa rin pag dating sa mga hotels )
3. Mahuhusay mag laba at mag plantsa.
4. Mahuhusay sa pag arte (Anne Curtis, Angel Locsin etc).
5. Mahuhusay sa pagkanta (Charice Pempengco, Regine Velasquez)
6. Top user ng whisper at modess. (Kim Chiu)
7. Endorser ng sabong panlaba at shampoo (Susan Rocess, Mareng Winnie)
8. Nurses. Pag aalaga ng baby at nang mga may sakit.
9. Mahuhusay sa Binguhan (Kris Aquino)

TOMBOY:

1. Pagkakaroon ng hottest girlfriend in town yeahhhhh.
2. Nothing follows.

ang konti ng sa babae, bakla at tomboy
MABUHAY KAMING MGA KALALAKIHAN!!
paano na lang kayo kung wala kami yehey!

8==============D

An e-mail from my dad.

Dear Anak,

How is everyone? I hope everything is fine over there. I already sent the money that you need for your tuition fee. Be good anak. Always take care of your Mom and Sister.

By the way, do you know a link where i can exactly download katrina halili's scandal? thanks.

Love,
Daddy


OHA OHA! SAN KA PA?
HAPPY FATHER'S DAY SA LAHAT NG TATAY DIYAN
(DI TALAGA AKO SIGURADO KUNG FATHER'S DAY NA)
FALSE ALARM TALAGA TONG MGA KATUGA NATIN FATHERS DAY NA DAW HAHA

Wednesday, June 10, 2009

ANG MGA NANALO SA WHATEVER TEN

Bago ko sabihin kung sino o sino sino ang nanalo. Nais ko muna mag pasalamat sa lahat ng nag laan ng panahon para basahin at mag post ng hula nila sa post ko na ito. Ang iba sa kanila ay sinuri pa ang buo kong pagkatao at kinailangang basahin muli lahat ng previous post ko para lang makakuha ng idea. Hahaha.

Hinirapan ko talaga ito, pinagisipan ko ito eh iyan ang sinusulat ko habang brownout sa lugar namin dito kahapon. Ang pinakamaraming sagot na nakuha ko ay 1, 2 ,3. Tiglilimang tao ang sumagot niyan.

Kung sagot mo ay 1. Mali ka. Totoong 5'9 ang height ko at 11 inches ang paa ko. May nag sabing ako daw si Mcdonalds. Hahaha.

Kung 2 naman. Mali din po. Totoong ako ang inilaban sa quiz bee ng teacher ko dahil nagkasakit ang totoong contestant, hindi man kapanipaniwala dahil mukha akong barumbado pero totoo po yaon.

Kung 3 naman. Totoo yan. Walang halong kasinungalingan. Mag search kayo. HAhaha.

Ang numbers 4, 6, 7, 8 ,9 ,10 ay totoo din po.

Kaya ang tamang sagot ay
number 5. Totoong nag trabaho akong outbound agent at nag bebenta ng kung ano ano at may kota pero hindi po ako tinanggal ng bisor ko sa trabaho dahil hindi ako nakaka kota (ang lakas ko mambola ng kleyente I swear lols). Ako po mismo ang nag resign dahil kailangan ko mag focus sa pagaaral at makapag tapos.

kaya ang nanalo ay si. . .
(drum roll please)

TEN TENENEN!

WALA PO! WALANG NAKAKUHA NG TAMANG SAGOT.
(Tanging number 5 at 9 lang ang walang sumagot.)


dahil sa walang nakatama, ibinabahagi ko ang award na ito sa lahat ng sumusunod, maraming salamat sa pag sagot at pagsbasa, sana ay tanggapin niyo ang award na ito ! limited lang ito kayo lang talaga. At subukang gumawa ng whatever ten masaya po pala ang ganito hehehe.

You are tagged!

cayy cayy - kahit ilang beses na nag palit ng boto hindi pa rin tumama maraming salamat. Excited na rin ako sa whatever ten mo kung may 11 ka ngang daliri. Lab u po kaibigang blogger.
kylito
- na maganda ang bagong template pero hindi rin tumama ang guess. Opo totoo po na naisali ako sa isang pelikula kadudaduda.
Yza
- bago rin ang template. Kala ko ikaw na ang makakahula. Ang organizer ng grand eye ball ng mga bloggers. Sama kayo! Bisitahin niyo siya sa blog niya.
Rey Jr
- na tiga batangas, aking nakilala sa filipino blog of the week. Nanalo siya. ang laki ng paa ko no!
Stupidient
- isang taon lang talaga ang itinagal ng seryosong girlpren ko. Mukha ba akong torpe.
YJ
- natawa po ako sa sinabi mo. talagang may formula? masukat nga kung totoo. hahaha. Nakakatakot na kung size 13 ang paa ko hahaha
Homer - na gumawa na rin ng tagged niya. Wahahay! gusto ko sana tumama pero yung premyo sa iba na lang. Hahaha check niyo ang prize niya. At nag research pa siya sa mga posts ko. Opo nag bago na ako ng high school, malapit ko na isulat ang ika apat na yugto pag di tinamad.
Waleeey
- wahahaha . napatanong tuloy ako sa mga kabarkada ko kung ano size ng paa nila at kung normal bang magka 11 inches na paa. hahaha
Dhianz- maraming salamat sa paniniwalang matalino ako at mukhang artistahin. hahaha. nice din po ang blog mo maraming salamat
Miss Gee - totoong hindi ako naka kain dahil namatay ang aso ko. Si brownie- kakaiba ang name niya noh.
Kheed- wahaha naisip ko ring gawin yang 9 ang babers pero maiiba ang tagged ni badoodles. At parang napilitang seven na lang ang hula.
Chorva
- naniniwala kang barumbado ako at bopols. hahaha. wag ka mag titiwala kay madam auring number 1 na kwentong barbero yan.
jelai - hahaha puno nga ako ng ka blogstugan pero pa minsan minsan nag seseryoso din ako. Ingat lagi diyan sa mindanao. Ang baril. wag papagutom, wag papawis.
kosapogi
- hindi po talaga ako nahilig at natakam sa chocolate. totoo po yan. may pag ka allergy ako diyan. ingat lagi sa lugar niyo. Malamig diyan ang jacket. At parekoy may hangganan ang pagtulong.
hari ng sablay
- expression na nang pinoy na dumudugo ang ilong nila tuwing nakaka rinig ng inglis. kung yun ang reason mo kung bakit number 4 ang sagot mo. Iyon ang tinatawag lang na mabubulaklak na salita para magduda ka. Hahaha i lab u parekoy. Ganda ganda pa ng site mo.
collen
- hello po.salamat sa pagbisita at paghula. exlink? haha
chikletz
-ganda talaga ng bago mong layout, pa beach beach ka na lang diyaan. enjoy your vacation po

ps: kung mas gusto niyo ung award na nasa baba ok lang po iyon kunin.

--- kox. hinahantay ko ang sagot mo di ka dumaan. ibinabahagi ko din ang award na ito sa iyo.

=== nasagutan pala ito ng bebe ko siya lamang ang bukod tanging nakasagot. dapat lang kundi outside the kulambo siya. Hindi siya nag cocomment dito kaya hindi sya pwede manalo.

MARAMING SALAMAT TALAGA kayo ang tunay na mga hari at reyna ng
ka-blogs-tugan.
wit wit.

Whatever Ten "Kwentong Barbero"

Ipinagpatuloy ito ng idolo kong blogista na si badoodles sa kanyang kwentong barbero. Hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon kaya sumalangit nawa siya (sabay katok sa kahoy). Susulat ka ng sampung bagay tungkol sa sarili mo. Siyam sa sasabihin mo ay totoo at isa ang kwentong barbero. Huhulaan mo ngayon kung ano ang kwentong barbero sa mga sasabihin ko. Game!

1. 5'9 ang height ko kaya ang size ng paa ko ay 11 inches. Nahihirapan akong makahanap at makabili ng sapatos sa mga sales dahil puro maliliit lang ang sizes ng shoes pag sale ang sapatos. Naniniwala din ako sa sabi ni hari ng sablay na kung malaki daw ang paa ng lalaki malaki din ang titi sapatos.

2.Isinali ako ng highschool teacher ko sa quiz bee. Dahil sa nagkasakit yung totoong contestant ako ang lumaban sa limang subjects. English, Math, Biology, Filipino at Computer subject. English lang ang naipanalo ko.

3. Nag aartista ako dati. Naisama na ako sa cast kung saan bida si Philip Salvador sa isang independent film na pinamagatang "Mainit Na Tubig" taong 2006 ito.

4. Labing walong taong gulang ako ng simulang magtrabaho. Uso noon ang call center, nag apply ako sa school job fair namin. Sa 80 na nag apply, isa ako sa walo na natanggap. Customer service representative agent ako at mga british ang kausap ko. Palaging duguan ang ilong ko kaya nag resign na ako pagtapos ng isang buwan.

5. Sinubukan ko mag trabaho bilang outbound agent sa isang call center sa Makati. Nagbebenta kami ng kung ano anong produkto sa mga taga esteyts. May kota kami buwan buwan. Tinanggal ako ng bisor ko sa trabaho pagtapos ng pitong buwan dahil hindi ko na mimeet ang kota ko.

6. May alaga akong aso, kakaiba ang pangalan ng aso ko "brownie". Namatay siya pagkatapos kong mag highschool. Labis akong nag dalamhati, sa sobrang pagkalungkot hindi ako naka kain ng hapunan nung gabing yaon. Naisip ko tuloy bakit tinawag na hapunan eh gabi naman ang kainan.

7. Youth leader ako sa church namin dati. Napaka aktibo ko sa gawain ni papa Jesus, nakanta pa ako sa simbahan at nag tuturo sa mga bata. Ngayon hindi na ako nakakapag simba.

8. Naka tatlong seryosong girlpren na ako. Ang pinakamatagal na relasyon ay isang taon. Torpe ako pag dating sa panliligaw.

9. Matagal na dapat akong naninirahan sa ibang bansa (sa esteyts) ayaw ko lang dahil ayaw ko iwan ang bansang Pilipinas. Dahil sa malapit na akong mag bente uno kailangan ko na maka alis ng bansa, matatagalan daw ang pagkuha sa akin pag lumampas na ako sa bente uno. Nagbago na ang isip ko gusto ko na pumunta sa esteyts asap.

10. Paborito kong ulam ang kare-kare. Allergic ako sa bagoong kaya tuwing kumakain ako ng kare-kare wala itong kasamang bagoong. Madalas akong pinag tatawanan ng nakakasabay kong kumain. Hindi rin ako mahilig sa chocolate. Sa hindi malamang dahilan nag kakaroon ako ng maliliit na bilog bilog sa mukha at sa likod pag kumakain ako ng chocolate.

Ngayon alin diyan ang kwentong barbero?

itina-tag ko po lahat ng reader ng ka blogs tugan. Gumawa na rin kayo ng Whatever ten niyo. Ang lahat po ng makakahula sa hindi totoo sa mga sinabi ko ay makakatanggap ng award ng ka-blogs-tugan (nakaka excite ba haha) at i fefeature po natin sila sa susunod na post kasabay ng tamang sagot.

Maki-hula na walang mawawala. Ito ang award ng makakahula. Salamat sa inyo.



Friday, June 5, 2009

Dead na si Lolo

Mag iisang taon na rin simula ng pumanaw ang lolo kong lasenggo. Hindi ko man siya nakasama ng matagal na panahon dahil sa probinsiya namin siya nanirahan ay batid kong isa siyang napaka buting tao. Iyon nga lang lasenggero ang lolo ko. Lo, para sa iyo ang post na ito. Ala-ala ko lang nung narito ka sa bahay namin.

Paalala: True Story po ito.

Isang araw nagpabili ang lolo ko ng Cossack Vodka sa yaya namin. Dahil sa lasenggo ang lolo dapat alak talaga ang ipapabili niya. Ayun alak nga ang cossack vodka. Pagdating ni yaya galing sa tindahan ni Aling Mely dala na niya ang ipinabibili ni lolo.

Lolo: Ano ba ito? Hindi naman ito ang pinapabili ko!

(Guess what kung ano ang dala ni yaya) . . .5 . . 4 . . 3 . . 2 . . 1. . .0 engks times up! Di mo siguro nahulaan.

Lolo: Hindi naman close-up ang pinapabili ko ! Daming tutpeys dito. Isauli mo ito. Cossack Vodka! Iyung inumin!

Pag balik ulit ni yaya galing sa tindahan ni Aling Mely. Pinapalitan na nga niya ang tutpeys sa . . .

(Guess what kung ano ulit ang dala niya) . . .5. . .4. . .3. . .2. . .1. . 0 engggks. . times up!

Lolo: Ano ba naman ito? Hindi ito ang pinapabili ko.

Ano ang dala ni yaya??? Coke-sak (coke sakto) Astig ni yaya tumama inumin nga ang dala!

Kaya ako na ang bumili ng cossack vodka para sa lolo ko!

8====D

True story din ito,

Kailangan ko ng felt paper nung third year highschool ako. Tumawag ako sa bahay para magpabili kay yaya ng felt paper at dalhin sa school dahil nakalimutan kong magdala.

Over the phone.

Ako: Ya. Pabili po ako ng felt paper kailangan ko ng green at red. Paki dala na lang po sa school, kailangan ko ng ala una.
Yaya: ok sigi dalhin ku na lang pag tapus ng tanghalian.
Ako: ok salamat po bye.

After 1 hour. Nasa school na si yaya. May dalang bell pepper. green at red nga! astig!


I MISS YOU YAYA!!!!! WER NA KAYA U?

Monday, June 1, 2009

MAHIWAGANG KARANASAN

Nakangiti ang araw sa akin noong linggo, bumati ang mga bulaklak at sabay sabay na yumuko ang mga makahiya pag daan ko. Masarap ang pakiramdam pagkatapos makipag laro ng basketball sa katabing lote na aking pinagbakasyunan, 48 hrs and 30 minutes din ako nag tagal sa mahiwagang lugar na iyon. Isinama lamang ako nang kaibigan ko sa lugar nila na hindi kalayuan sa Maynila. Wala akong kakilala kundi siya at ang lola niyang tinitirhan namin. Sa lugar na ito maraming mahiwagang bagay ang iyong makikita, mga bagay na hindi mo aakalaing nag eexist, tulad na lamang ng mamang natutulog sa puno.

Ayon sa mga taong naninirahan sa lugar na iyon, madalas talagang matulog ang mamang iyan sa ibat ibang puno sa kanila lugar. "Nabuhusan lang siya ni Aling Mercy ng malamig na tubig nang magtangkang matulog ang mamang iyan sa kanyang tanim na talbos kamote"

Konting lakad ko pa nang makakita ako ng kakaibang halaman na hindi ko alam kung anong gulay ito, pero isa lang ang sigurado ko may naiisip akong pag kakahawig sa lagi kong hawak kapag ako'y nag iisa. Kayo na ang humusga.


Bandang alas sais na ng bumalik kami sa bahay na aking tinutuluyan upang mag pahinga, inutusan ako na kung pwede ay kumuha ako ng carrots sa likod ng bahay, upang ihalo sa nilulutong ulam. Laking gulat ko nang makakita ako nang mag asawang carrots, gusto ko mang tumakbo papalayo dahil sa takot na nararamdaman ko nanaig ang aking pagiging blogista matapang, mapanuri, mapagmatyag, mapangahas, matanglawin este minabuti kong kuhanan ng larawan ang mga carrots na mukhang gagawa ng panibagong baby carrots.


Hindi ako kumuha ng carrots, sinabi ko na lang na wala akong nakitang carrots, may nakita akong parang carrots pero di ko talaga sure kung carrots siya. Tumawa ang matandang babae. Mas lalo akong nag pawis. Matapos namin humigop ng mainit na sabaw at kumain ng kanin at halo halong gulay (hindi ako kumain ng gulay kase nakaka takot ang mga itsura ng gulay dito) inilabas ng matanda ang isang mansanas na nakatago pa sa isang napakagandang basket.
Pinunasan niya iyon at sinabing "Pasensiya na hindi panahon ng prutas ngayon itong mansanas lang ang naitabi ko" Hinati niya yaon sa gitna at binigay ang kalahati sa akin. Napa OMG ako ng makita ko ang mansanas

Nagising ako sa isang bangungot. Pawisan, takot na takot.
Akala ko totoo ang mga pangyayari. Natawa na lang ako sa aking sarili dahil siguro dieta ako sa kan** kaya sa panaginip na lang lumabas ito.

Saturday, May 23, 2009

KAPITAN SINO


Buong buwan ng mayo ako nag hagilap, naghanap, nagtanong at nag abang. Iba pala talaga itong idolo kaka release lang ng book isang araw lang ubos na. Tuwing nag tatanong ako sa N.B marami daw talagang nag hahanap ng librong yaon. Bwahahaha! Sa wakas napasa kamay ko na ang "kapitan sino" ni Bob Ong. Nag kakaubusan na sa National Bookstore. Kung saan saang National Bookstore ako napadpad from north to northeast parati nilang sinasabing ubos na. Mga paps! hindi ko sa national bookstore nabili ang libro. Kundi sa Pandayan Bookstore sa halagang P175. Mabuti pa ang pandayan hindi naubusan, siguro dahil kase ang mga tao bakit naman bibili sa pandayan kung may national bookstore naman. Kaya ngayon gusto ko nang matawag na "Laking Pandayan Ako"

8=====D

Nasa final week na ako ng klase also known as hell week kung saan kailangan nang tapusin ang dapat tapusin, bawal na ako sa klase, bawal na ang tamad, sa wakas matatapos na ang summer class ko (sabay hagis ng konpeti). Makakapag palaki na ulit ako ng bayag (sabay beautiful eyes). Sobrang eksosted kami netong summer class kaya naman hindi na napigilan ng kaklase kong ito na matulog kahit papano. CLICK THE IMAGE na lang po pampalaki.



Hindi niya alam na sinulatan namin ang board ng "SILENCE PLEASE! MAY NATUTULOG" at lalong hindi niya alam na nasa blog ko na siya ngayon. . .Madaming estudyante ang nakaupo sa room, nasa bandang harap kase siya natutulog tabi ng chalkboard, kulang na lang baraha konting ilaw, biskwit at kape.