Showing posts with label PALPAKPINOY. Show all posts
Showing posts with label PALPAKPINOY. Show all posts

Friday, March 30, 2012

Anyhow, inihaw, Nakakabobo

Bumili ako sa turo turo kanina. Alam niyo naman dito sa Pinas, uso dito yan. Kung hindi turo turo ang meryendahan, tusok tusok. Anyhow, inihaw. Bumili ako ng palabok sa turo turo kanina. Sumandok si ateng tindera ng palabok, sa kanyang pag sasandok may isang noodle na lumawit mula sa plato, dumikit ito sa mesa. Biglang tumingin sa akin si ateng tindera kung nakatingin ako sa ginagawa nya, sabay ng kanyang pag tingin sa akin ang pag balik niya ng noodle sa aking plato. :C Kitang kita ng dalawang mata ko ang pag dikit nito sa mesa at kitang kita ng mata ko kung paano niya isinagawa ang pag babalik ng noodle na iyon. Patay malisya si ate. Diretso niyang tinapos ang pag gawa ng palabok ko, nilagyan nya ng sauce, chicharon at kung ano ano pang kwan. Nung iniabot na sa akin ni ate. Sabi ko, ate alin sa mga noodles na ito ang dapat kong iwasan? Napa nganga siya :C

8==D

Nag paload ako bago umuwi dahil nawala ang maintaining balance ko na piso para tuloy tuloy ang sulit na kaligayahan sa unlitxt20. Alam niyo naman dito, mayayaman lang ang naka plan sa buhay, prepaid na ang iba, minsan napapakamot ako sa ulo, napaka hi-tech ng phone sabay waley load. Anyhow, inihaw. Sabi ko sa tindera. Paload po ng sampung piso lang (para mag ka maintaining balance lang ako) isinulat ko sa notebook niya ang number ko at ang halagang sampung piso. Inabot ko ang 50 pesos para sa aking bayad, sinuklian ako ng 30 pesos. Sabi ko kulang pa po ng sampung piso. Sabi niya 20 ang niload ko. Sabi ko Halalala?

8==D

Uso din dito ang pag commute dahil sa maraming rason, tulad ng, una mababangga ka sa gitgitan, pangalawa makakabangga ka dahil sa gitgitan, pangatlo makakapatay ka dahil sa biglang mga taeng este taong tumatawid ng bigla bigla. Anyhow, inihaw hindi patungkol diyan ang gusto kong ipahiwatig, ganto kase yun. BAKIT IBA IBA ANG BAYAD KO SA PASAHE SA DYIP ARAW ARAW? Minsan trese, minsan trese singkwenta, minsan dose, minsan onse, minsan nga kinse , pare pareho lang naman ako ng pinanggalingan at binababaan. Saka lagi ko naman sinasabi pag nag babayad ako, mama bayad po isang estudyanteng pogi na nag aaral ng mabuti!

8==D

Nag taxi naman ako minsan ala una ng gabi. Naka idlip ako sa taxi, pag gising ko napatingin ako kay manong, halalala manong gising gising rin! (Sumasabay daw ba ng idlip)

8==D

Noon namang nauso si vice ganda, wala nang matinong kausap. Tapos nauso si boy pick up, wala na lalong matinong kausap. Pero netong dumating si Simsimi, nako wala na! wala na talaga!

Hayyyy. Nakakabobo

Wednesday, March 14, 2012

PURO MAGNUM NA LANG!

Mga katuga, ganito rin ba kayo? Pakiramdam ko kase hindi na entertaining laman ng feeds ko sa FB ngayon puro ganto na lang,. . . .





Seryoso? Ikaka asenso ba ng buhay mo ang pag popost mo ng pagkain mo ng magnum ice cream?
Ikakayaman mo ba ang dami ng flavor na natikman mo?
Yung totoo?

Monday, November 7, 2011

YEHESSS!

KA-BLOGS-TUGAN would like to congratulate
yung napagtripan natin kamakailan.

Kahit napapailing yung kasama ko habang nanonood
sa tuwing kino close-up si Miss Philippines


Paps: Par bakit sige ang iling mo?
Kasama: Nahihirapan kasi ako e
Paps: Huh? San?
Kasama: Hindi ako sigurado kung maganda siya.
Paps: (Napa isip at Napa hinga ng malalim)



Paps: Mas mukha na nga siyang babae ngayon diyan e
Kasama: Tang ina! Mukha na ba?
Paps: Oo.

eto na!
CONGRATUMULATIONS!

GWENDOLING RUAIS JR.

este
Gwendoline Ruais
Miss World First Runner Up

You made us Filipino Proud

Yehessss!

Pahabol
Paps: Best gumanda na si gwendolyn ?
Bestprend: Surgery na siguro yun.
Paps: Hutaena. Natawa ako.

Monday, October 31, 2011

Dito kase sa Maynila

Sino ba naman ang gustong mabuhay sa Maynila? Kung meron lang naman tayong karapatan na pumili kung saan natin gusto manirahan, nanaisin mo bang tumira sa Maynila? Dito kase sa Maynila - palalanghap sa iyo lahat ng lumalabas sa tambutso ni manong tsuper. Pasisinghot sa iyo ang baho ng tambak na basura at palulusungin ka sa baha na may kasamang ihi at dumi ng aso ng kapitbahay niyo. Dudukutan ka sa Quiapo at palalakarin pauwi ng hubot hubad. Mabibingi ka sa ingay ng mga nag tatahulang mga nakataling aso na kumakalam ang sikmura. Isama mo pa sa ingay na iyan ang umiiyak na bata, maghapong pag vivideoke, pag bibingo, at pag aaway ng mga lintek na kapitbahay. Ganto ang sitwasyon dito sa Maynila.

Sa totoo lang, mamatay ka lang talaga dito. Kaya yung mga kababayan natin diyan na nasa probinsiya na nangangarap makarating ng Maynila, huwag niyo na po pangaraping tumira dito. Sa palagay ko, mas ligtas ang buhay niyo diyan. Isa pa lumolobo na talaga ang populasyon namin dito, sa sobrang sikip ng Maynila akala mo lagi kang nakikipag patintero sa mga tao sa lansangan. Napakasikip dito.

Dagdag na rin natin ang mga gintong nagkalat sa lansangan. Kung saan saan pinadudumi ng mga walang hiyang amo ang kanilang mga alagang hayop. Ipapalanghap sa iyo ito at kung mamalasin makakajackpot ka pa sa pag tapak nito. Sa totoo lang parang hindi na ako makahinga dito.

Gusto ko nga minsan makalanghap man lang ng sariwang hangin. Pero paano naman eh pag labas ko ng bahay - itim na usok ng tricycle, jeepney at bus ang unang unang bubungad sa akin. Napakasarap. Good morning sa inyo~!

Friday, June 3, 2011

Standing Next To Poverty


Nandito na ako sa bansang aking sinilangan, ang lugar kung saan maraming taong nakatayo sa "Bawal Ang Tao Dito" - lugar kung saan maraming tumatawid sa "Bawal Tumawid Dito Nakamamatay" at lugar kung saan madaming saleslady na naka stockings sabay high heels at full makeup.

Ngayon ko lang napagtanto na madali ka pala talagang mamatay dito sa Pilipinas dahil sa sistema ng gobyerno. Potaena ayoko talaga pag usapan ang gobyerno eh kase nakakaubos ng oras, para kang nag ubos ng oras sa pag hahantay ng mga sasakay sa dyip. Patigasan ng sikmura e, hanggat di puno ang dyip niya di siya aandar. Pagkatapos ng matinding pag hahantay na iyon ay ang pag hihintay sa trapik. Kung nilakad ko na lang sana nauna pa ako ng tatlong minuto. Kaya habang nag aantay sa trapik dito mo pwedeng gawin ang mga bagay na hindi mo magawa dahil baka ma late ka - kaya wag ka na magtaka kung may nangungulangot sa tabi mo - yung iba diyang walang manners pag katapos mangulangot pahid agad sa ilalim ng upuan, sa hawakan, sa dingding, sa likod mo, yung iba naman may pinag aral bibilugin muna saka pipitikin, pag sinuwerte ka sa iyo papunta yung pinitik niya.

Nakakapanibago - mahirap pala talaga mabuhay sa "Third World Country" nagkalat ang mga batang lansangan, asong ulol, gagong jeepney driver at mga sigang ipis. Kung susuwertehen ka dudukutan ka ng mga batang iyan, kakagatin ka ng asong ulol at wala kang laban kase pag pinatulan mo ang asong ulol mas ulol ka pa sa kanya yun nga lang loser ka may rabis ka na, ibababa ka ng jeepney driver sa kung saan ka niya gusto ibaba (kahit wala ka pa sa destinasyon mo) at hindi matatakot sa iyo ang mga ipis na yan. Sama na rin natin dito ang nagkalat na tae (pasintabi po sa mga tumatae este kumakain) sa kalye at kanal.

Kanina lamang e may dalawang babaeng gusgusin na sumakay ng dyip, ayaw sila isakay ng drayber sabi nung babae -" mag babayad kame koya anong akala mo samen walang pera?" sagot nung drayber "hindi ang babaho niyo e" hindi ko malaman kung matatawa ako o gusto ko sapakin tong drayber e, sariling kapwa niya e minamaliit niya. Sabagay mukha nga namang mabaho yung dalawang dalagitang bungal na iyon. Pinilit pa rin nilang sumakay - maharot silang dalawa kala mo mga nakatira ng rugby. Habang umaandar yung dyip pinag mamasdan ko sila - yung isa nakatingin sa malayo habang nililipad ang buhok na parang alambre na sa tigas, kung sinuswerte e lumilipad din ang mga kuto nun, nagugulo ang kuto kingdom habang mabilis ang pagtakbo ng dyip. Habang pinag mamasdan kong maigi yung buhok nung babae kung may nalipad ngang kuto sumigaw yung kasama niya - "Si koya o tinititigan ka, may gusto ka koya sa kaibigan ko no - birgin pa yan koya! sabay tawa ng malakas, nakita ko tuloy ang bungi niyang ipin. Ngumiti lang ako at pinakitaan ko ng pacute tekniks. Kinilig ata ang bruha - kinindatan ako pabalik. Ay potsa mama para. Bago ako bumaba - nakita ko ang tsinelas niyang magka ibang pares, nadurog ang puso ko.

- - -
"Announcement of winner ng Whatever Ten 2011 up next"

*If you like this post share it on FB*

Thursday, March 17, 2011

Hindi ako ang umutot! Ikaw!

Konduktor: Oh cubao! cubao! cubao! cubao! Maluwang pa! Cubao! Cubao! Cubao!
Pasaherong pa sakay: boss cubao?
Iyan ang gusto ko sa mga Pilipino e. Sigurista. Walang tiwala. Pero nakakaloko din ang mga pinoy. Tulad na lamang sa pinag tatrabahuhan ko ngayon.
Phone rings.
Paps: Magandang umaga. How may I help you?
Customer: Pwede pong mag tanong?
Paps: Sure ano yun.
Customer: Anong address niyo?
Paps: Address ito po .... (Then sinabi ko na yung address ng dahan dahan, para maisulat niya)
nakuha niyo po ba?
---then all of a sudden,
Customer: teka kukuha lang ako ng ballpen at papel.
Nakanampots oh!

Moral lesson: Humawak ng papel at ballpen, pag maykukunin kang address.
8===D
Paps: Mam. Is it debit or credit card?
Customer: debit card
Paps: (Swipes the card) Mam please enter you pin number.
Customer: Wala namang pin number yan e. Credit card yan.
Wadapak tita.

Moral lesson: Alamin ang difference ng debit at credit card.
8===D

Phone rings:
Paps: Magandang umaga. How may I help you?
Customer: pwidi mag pa pik up ng box sa thursday?
Paps: Pwidi pwidi.
Customer: sigi iiskedyul mo ako.
Paps: sigi po. sa umaga po ha mga 9-12
Customer: may doktors appointment ako ng ganyang oras e.
Paps: sige sa hapon na lang. 1-5 pm.
Customer: aalis kami ng mister ko sa hapon eh.
Paps: Ha? Eh kelan niyo po gusto.
Nakanangshongay.

Moral lesson: Wag mag pa pick up ng box. I-drop off.

8===D
Kung narinig niyo na ang kumpanyang LBC (background: Harriiii ng padalaa!) , limang buwan na akong nag tatrabaho dito. Anong ginagawa ko? Tagasalo ng reklamo. Taga tanggap ng perang pinapadala sa Pilipinas at taga timbang at tape ng mga kahong pinadadala sa Pilipinas. Mahirap mag trabaho dito kase dalawa lang kaming employee araw araw. Isipin mo na lang . .
Paps: (umutot)
Workmate: Ang baho! Umutot ka no?
Paps: Hindi ah!
Workmate: Anong hindi? E dadalawa lang tayo. Hindi naman ako umutot.
Paps: Patay.
Balik balik balik. Madali lang ang trabaho ko. Nagiging mahirap lang naman ang trabaho kung hindi mo gusto ang ginagawa mo at kung pinahihirapan mo ang sarili mo. Pero aalis na ako sa trabahong ito. Babalik na ako sa pinanggalingan ko. Ang PILIPINAS. Balikbayan po.

Tuesday, June 8, 2010

SIX MONTH


Dahil sa kalahating taon na ako dito sa Amerika kailangan ko magbigay ng pahayag kung ano ang nasa sa loobin ko patungkol sa Amerika. Bakit? Bakit naman hindi.
Tatlo sa pinaka henyong imbensyon ng pilipino ang walis tingting, jeepney at tabo. Wala kasing walis dito.
At the store:
Paps: Hi. Where can I find a walis?
Sales man: What?
Paps": Walis.
Sales man: weh
Paps: wa
Sales man:weh
Paps: no no no wa with ey like fat not e
Sales man: wa?
Paps: right wa then. . lis
Sales man: wehlis?
Paps: NO! walis.
Sales man: walis.
Paps: Right!
Sales man: What is that?
Paps: broom.
Wala nga palang walis dito, broom meron. Ayun nag hanap ako ng mukhang walis tingting pero wala, yung parang walis lang meron. Ang hirap kasi gamitin ng broom, di tulad ng walis tingting na masarap ipanghagod sa kalsada,yung tunog ng walis sarap pakinggan, saka swabeng swabe ka sa pagwawalis pag tingting gamit. Saka sa atin dalawa ang klase ng walis, walis tingting at walis tumbong tambo, sa kanila isa lang.
Wala ka ring makikitang tabo sa mga grocery stores dine. Yung tabo e parang walang katumbas na english word kase hindi talaga sila nag tatabo - shower ang gamit dito sa paliligo. Shower naman ang gamit ko sa paliligo sa pinas pero hindi naman shower ang ginagamit sa pag huhugas ng pwet. Paano sila nag huhugas ng pwet pagtapos umupo sa trono at magtagumpay? Hindi sila nag huhugas. Nagpupunas lang, tissue ang pinaka tabo nila dito. Dahil sa sanay ako sa hugasan at hindi sa kaskasan e kung ano ano na ang ginamit kong improvised tabo tulad ng - baso ni granma, baso ng pinag inumang sopdrinks, pitsel ni granma at plangganang maliit ni kilala mo na!
Wala ding jeep dito. Ang tawag ng asawa ng pinsan kong kano sa dyip natin ay "funny looking vehicle". Hindi naman ako natawa sa dyip natin.
Sa lugar namin dine sa Los Angeles. Isa sa sampung tao na makakasalubong ko ay puti ang iba puro mexicano na, istupido hindi ba. Ang unang tanong kung papasok ka ng trabaho dito ay kung marunong ka mag spanish o kung bilingual ka ba. Bilingual ako filipino at ingles nga lang. Bakit ko kailangan matuto mag spanish wala naman ako sa Mexico? Bakit hindi na lang itong mga istupidong mexicano ang mag aral mag ingles, dahil sa pag kaka alam ko pare pareho lang kaming nasa Amerika. Napag alaman ko ang pangalang Los Angeles ay hindi ingles kundi spanish.
Ayokong isipin na nagkamali ako ng desisyon ng magpunta ako dito sa Amerika. Malaki ang pag kakaiba ng buhay sa Pilipinas at buhay dito. Marami akong kilala na nag nanais makapunta sa Amerika. Para sa kanila ang Amerika ay isang pangarap na napakahirap marating, parang paraiso paraisong puno ng kasaganaan at kaginhawaan. Para sa kanila ang Amerika ay simbolo ng isang marangya at perpektong pamumuhay. Binansagan pa nila itong Land of opportunities at land of milk and honey. Pero para sa akin ang Amerika ay parang isang malaking gubat sa siyudad. Sa gitna ng maraming taong nakapaligid, damang dama ko na nag iisa ako sa buhay. Walang panahon ang bawat isa na pag tuunan ng pansin ang kanyang kapwa. Bawat isa ay abala sa pag hahanap ng dolyar para sa sarili nilang kapakanan.

itutuloy. . . .

Wednesday, May 12, 2010

Anong kulay mo?

Ang mga bata dito sa Amerika e kabata bata pa hardkor na kung mag inglis. Minsan e pag kausap ko sila e napapa hanap ako ng dictionary. Ang gagaling naman nila. :)

Nung lumikha si papa Jesus ng tao gumawa siya ng pagkaputi puting mga nilalang. Nilagay niya sa Amerika ang mga ito. Nakausap ko ang isang pagka puti puting tambay dito na pumuri sa kulay kong kayumanggi. Ang sabi ng puting iyon "naiingit daw siya sa kulay nating mga pilipino at mexicano mga kayumanggi - hindi maputi, hindi maitim". Siya e kahit anong gawin niyang pag bilad hindi siya magiging brown kundi mamumula lang - mag mumukha lang siyang lutong hipon.

Nang lumikha si papa Jesus ng tao gumawa rin siya ng pag ka itim itim na mga nilalang. Nilagay niya rin ang iba nito sa Amerika. Marami rin akong nabubunggo sa kalye na mga itim na itim di masiyado makita e. Pag nasa sinehan naman sila sus parang may mga mata lang na lumulutang lutang. Sila naman hindi na nila inatupag ang pag papaputi kase alam nilang wala nang pag asa. Paitiman na lang sila. Isa pa nung may kaibigan si Tita na dumalaw sa kanya na itim may dalawang anak - sabi ni Tita "Oh you're children are so cute". Sabi ko naman sa kanya "cute ba talaga?" Sagot ni Tita - sus ang pangit pangit mukhang mga unggoy (nakangiti pa siya habang nakatingin sa bata)". Mabuti na lang at di kami naiintindihan nung itim.

Nang lumikha si papa Jesus ng tao gumawa siya ng hindi maputi hindi rin maitim - gumawa siya ng pilipino (naks). Ang mga pilipino naman ang pumapakyaw ng mga whitening soap, lotion, papaya, kukumber at kung ano ano pang pampaputi dito. Hindi talaga ma kontento sa kulay. Mga pinoy lang dito ang makikita mong naka payong ingat na ingat sa araw. Ang hirap naman kase mag paputi, ilang libong galon ng lotion , at ilang libong truck ng sabon ang ginamit diyan para mamuti tapos isang liguan mo lang sa beach e negers ka na agad- back to step one ka na naman.

Yung mga arabo naman nung nilikha ni papa Jesus binigyan sila ng powers. Sa divisoria nga ang dami daming tao dun siksikan dikit dikit kayo-pero once na may dumaang arabo lumuluwag ang daan. Kung nag mamadali ka talaga tapos siksikan sabay ka lang sa kanila maglakad lumuluwag kalsada- kailangan mo lang ng matinding anti powers para makatagal ka, kase tumatambay sa ilong yung powers nila.

Tapos may nakita akong aleng matabang mataba sa arawan hindi naman siya masiyadong maputi para mag bilad sa araw - yun pala e kaya nag bibilad nag papatunaw lang ng taba.

Monday, March 15, 2010

Nakatikim ka na ba ng ipis?


Sa ibang kultura kinakain talaga ang ipis. Ikaw na pinoy akala mo lang hindi ka pa nakatikim pero oo mga katuga nakatikim ka na. Naaalala mo ba nung bumisita ka sa isang bahay - pinagamit sa iyo ang pinaka magandang baso at pinaka mamahaling plato at ang pinaka makikintab na kutsara at tinidor. Nakita kong pinag lipasan na ng panahon ang ininuman mong baso na galing sa aparador, sa pag mamadali e hindi na hinugasan at ipinagamit sa iyo. Nilakaran ng ipis yun.

Napadalaw kase ako sa isang bahay - ayun nga pinipilit saking ipainom yung juice na tinimpla nya kaso nga e yung baso amoy ipis. Titiisin ko na lang uhaw ko. Alam ko amoy ng ipis ewan ko ba pano ko nalaman, di ko pa naman inamoy mismo ang ipis.

Karaniwan sating mga pinoy itinatago ang mga babasagin at mamahaling gamit at ginagamit natin ang pinaka nakaka awang gamit sa mundo. Tapos kapag may bisita saka ilalabas ang magagandang gamit. Magaling.

Kapag nakabasag ng baso ang bisita.

"Ayos lang yan ikaw naman. Madami pa naman tayong baso diyan pwede ka pa mag basag" (nakangiti pa yan)

Kapag nakabasag ng baso ang anak o kahet sinong naka tira sa bahay.

"Put#@!S&#$" Nakabasag ka na namang hayop ka! Mamahalin pa naman yan.

Naalala ko nung bata ako e sa kaibigan kong bahay - madami siyang laruan kaso ang mga laruan niya lahat naka balot at naka display sa aparador - bawal laruin kase baka malaro este masira. Kaya ayun nag lalaro kami ng tsinelas at bato.

Bakit hindi natin gamitin ang mga gamit na hindi ginagamit kaya nga tinawag na gamit para gamitin sayang naman kung hindi gagamitin. Kapag na dedbols ka hindi mo rin naman magagamit yan hindi mo tuloy na enjoy ang mga gamit mo.
Panahon na upang ilabas ang mga nakatagong gamit! Gamitin na yan! Gamitan na!

Thursday, February 25, 2010

Boboto ka pa ba?


Taena! Eleksyon na naman ang laman ng mga diyaro, telebisyon at blog ngayon. Whew. Boboto pa ba kayo mga katuga? Sa tingin niyo may pag babago bang mangyayari sa Pilipinas kung bumoto kayo? .

Nang mabalitaan kong tatakbo si kumpareng Edu Manzano sa pag ka bise e natawa na lang ako, basta natawa ako.

Walong kandidato. Hati hati ang boto ng pilipino. Paano mo masasabi na nanalo talaga ang GUSTO ng mas nakakaraming pilipino? Kung dalawa lang yan edi alam mo talaga kung sino mas lamang, e kung hati hati whew. Kalokohan. Simpleng math lang mga katuga. Pag sama samahin mo lahat ng boto nung pitong natalo sa eleksyon. Ikumpara mo sa nanalo. Hindi ba kakarampot lang ang boto nung nanalo? Ang ibig sabihin hindi talaga nanalo ang gusto ng mas nakakaraming pilipino.

Hindi niyo naman kailangan maniwala sa akin e. Pero para sa akin walang halaga kung sino man ang manalo kahit sino sa kanila - wala pa rin namang mangyayari sa pansarili mong buhay iyan. Ganun pa rin PILIPINAS - iyun na iyun.

Sa mga boboto e - suriin niyong mabuti ang plataporma ng kandidato ninyo. Huwag mag papadala sa popularidad ng isang kandidato. Basta alam niyo sino ang manok ko. Bahala nga kayo!