Wednesday, July 14, 2010

PROKSI!

Naranasan mo na ba mag proxy sa isang okasyon o di naman kaya e mag paproxy sa isang okasyon? Dalawang abay at dalawang binyag na ang nag pa proxy ako sa kadahilanang malayo, may sched, may sakit at kung ano ano pang excuses na minsan e talagang nakakatamad lang.

Paano kung aattend ka ng debut ng isang matalik na kaibigan, kasama ka sa 18 roses o di naman sa 18 candles - kung sa 18 Roses ka isasayaw mo ang debutante at kung sa 18 candles ka mag bibigay ka ng mensahe sa debutante. Paano kung ang matalik mong kaibigan na debutante ay may sakit at nag pa proxy - mag bibigay ka pa rin ba ng mensahe at isasayaw mo pa rin ba ang proxy? Anong itsura mo nun -isipin mo - naka mic ka tapos mag bibigay ka ng mensahe sa di mo man lang kakilala.
Ikaw: Hello. Kamusta ka? Ito na ang mensahe ko para sa debutante. . . Wow 18 ka na- dalagang dalaga na - wag ka muna mag papaligaw ha - tapusin mo muna ang pag aaral at mag pakabait iwasan ang pag uwi uwi ng gabi kase dalaga ka na.
Proxy: Salamat....
Gulat ka umiiyak iyak pa yung proxy noh at nung ending na e nag pa thank you siya sa lahat ng dumalo at sa tatay at nanay nung totoong may debut.
Paano kung sa kasal mo hindi makaka attend ang kapareha mo - at sinabing may proxy siya - ano ang gagawin mo?

47 comments:

  1. senyales yun na ayaw nya pakasal sa yo. i cancel ang kasal. tapos.

    ReplyDelete
  2. @abou: pano kung nag tae lang. pero pag uwi mo naman ng bahay e nandun naman siya.

    ReplyDelete
  3. dapat may kondisyones ang pagproxy. kung nagtae lang dapat magagamot yun pagkatapos na ng honeymoon.

    ReplyDelete
  4. @balentong: di ko masiyado na gets yung dapat magagamot yung pagtapos ng honeymoon...bakit pagtapos di ba dapat bago?

    ReplyDelete
  5. acceptable naman ang proxy na yan kaso depende sa okasyon..kung kasal na ang usapan..aba!imove ang araw ng kasal bawal ang proxy dun..hahaha

    ReplyDelete
  6. OK lang yun isama mo na rin yung proxy sa honeymoon wahahahah

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Tama, dipende sa okasyon yan.
    Pero minsan dipende din sa proxy. Kung ayos yung proxy, bakit hinde. kahit magproxy na sya sa lahat ng nagtatae, ok lang. :D

    ReplyDelete
  9. ang mahirap pas, kung yung debutante ay nagpa-proxy rin!

    sa kasal naman, kung magpapaproxy siya, hingi ka rin ng proxy niya para quits lang. hehehe

    ReplyDelete
  10. Ok lang magpaproxy xa sa kasalan.. basta pagdating sa honeymoon kasama rin sya. Para naring Double celebration yan sa groom.. stag party at honeymoon.. >:D

    seriously.. depende yan sa sitwasyon.. at wag naman sa kasalan...

    ReplyDelete
  11. sang-ayon ako sa mga comment, hahaha

    ReplyDelete
  12. @superjaid: yung kasal pwedeng proxy dun. pwede

    ReplyDelete
  13. @balentong: ahhhhhh..... ang slow ko syet

    ReplyDelete
  14. @muntingbisiro: bat naman kailangan sa nag tatae. hahaha

    ReplyDelete
  15. @nobenta: yun nga yung sinabi ko..... yung debutante ang nag pa proxy... walang nakakakilala sa kanya. haha

    ReplyDelete
  16. hirap pag may proxy mapapangasawa mo. pero swerte kasi 2x ka maghohoneymoon, si proxy at ung tunay. :P

    ReplyDelete
  17. @karen: dapat lang daw sang ayon ka.

    ReplyDelete
  18. meron ba talagang ganun? nagpapaproxy ang debutante? :p

    ReplyDelete
  19. Hindi ba uso sa kanila ang salitang POSTPONE, pwede namang ipostpone kesa magproxy, hehehe

    Ngayon interactive na, pwedeng mag video call na lang di ba?

    Ingat paps

    ReplyDelete
  20. @definella: meron. kaya nga ako nag kwento e. haha.

    ReplyDelete
  21. @drake: sayang naman kung ipopostpone kung may mag poproxy naman,

    ReplyDelete
  22. pwede pala yun sa kasal? uhmmm, pwede naman sigurong i-delay muna kung kinakailangan. di naman minamadali yan. basta wag talaga ang proxy sa kasal, sa iba na lang like proxy sa honeymoon.. hahaha

    ReplyDelete
  23. proxy sa kasal? mas gus2 ko mag-proxy sa honeymoon. legal pa, kc may consent ng asawa.ahihi! dati gus2 kong magpa-proxy sa board exam namin.hehehe

    cguro pag namatay ako gus2 ko may magpa-proxy din sa libing ko.hehe

    may isa pa kong gustong proxy, bka may alam ka? blocked kc d2 sa UAE mga porn websites.. LOLs

    ReplyDelete
  24. @Rd:isa ka pa. welcome tol sa kablogstugan

    ReplyDelete
  25. @Donato: magandang idea ang proxy sa board exam... . . yung sa libing ampangit.haha. . . ang boring naman sa bansang yan.

    ReplyDelete
  26. di ko kaya mag proxy. tuppermania yan.

    ReplyDelete
  27. I am honored to inform you that PEBA 2010 is now open to all Filipino bloggers in the Philippines and the world, and we noticed your exemplary talent in blogging. and I'm hoping hoping for your support and counting you as a NOMINEE for the prestigious event.... please visit and join PEBA 2010 (http://pinoyblogawards.blogspot.com/).

    Life is Beautiful, Keep on blogging, keep on inspiring.

    A blessed weekend to you and your family.

    ReplyDelete
  28. PP pano kunware binata ka tapos araw ng tuli mo pero nilagnat ka, pwede bang proxy muna ang pumunta? :) Haha!

    ReplyDelete
  29. @pope: salamat sa update, pano minate naman ng kbt. salamat.

    ReplyDelete
  30. @kk: hahaha. maganda yan k. henyo ka!

    ReplyDelete
  31. Whuddabout proxy sa libing? That'd be a riot. LOL.

    ReplyDelete
  32. Nung bata ako laging kinukuhang ring bearer yung bunso namin pero lagi din syang nagkakasakit kaya ako pumapalit sa kanya. Alam mo yun yung hinanakit ng isang bata na panakip butas ka lang. Isa iyon sa mga childhood issueS ko. loljk. Masaya ako nung bata ako kahit na lagi akong proxy.

    ReplyDelete
  33. @victor: lolz! welcome sa kablogstugan dude

    ReplyDelete
  34. @ferbert: drama mo tol pero welcome sa kablogstugan. or should i say welcome back

    ReplyDelete
  35. gusto ko maging proxy sa honeymoon ang saya nun!!! nandito ako papz hulaan mo ko kung sino ko

    ReplyDelete
  36. i've been a proxy once, best man sa kasal ng kapit bahay namin. geezzzz twas so lame i dont even know what to say sa groom haha

    ReplyDelete
  37. @yakeee: huhula ako wait lang. makapunta muna sa blog mo

    ReplyDelete
  38. @nash: lolzzz. . . kakilala ka naman ba ng groom?

    ReplyDelete
  39. pwede bang magpa-proxy kung manganganak kana?!!hmmm....

    ReplyDelete
  40. @papz: papz anu may hint ka na?

    ReplyDelete
  41. Thank you very much for this great post.
    LightO

    ReplyDelete