Wednesday, July 7, 2010

LUTO!

Kapag sumisigaw ang manager ng "pogiiii!" sumasagot ako ng "Mam Bakit po?" Ganun na talaga kumapal yung mga kalyo ko sa mukha. Pinag mayabang ko pa sa bebe ko na ang tawag sa akin ng manager e "pogi" ang sabi naman ng bebe kong supportive "ano ka ba ganun talaga pag hindi alam ng manager mo ang name mo kaya pogi talaga ang itawag sa iyo". Sagot ko naman "hindi rin bakit hindi na lang boy?" Kaya sabi ng bebe kong supportive "sige dibdibin mo ang sinabi sa iyong pogi ka". Ganun niya ako ka mahal.

Sa loob ng mahigit isang linggo kong pagta-trabaho ay marami na akong natutunan tulad ng pagluto ng fried chicken, fried shanghai, fried pie, fried bangus, french fries - actually pinipindot ko lang yung frying machine then poooopp! luto na!. . . Ganun lang pala magluto dipindot. Natuto na rin ako magluto ng gravy, kanin at palabok (pinag hahalo-halo ko lang yung mga sangkap na luto na- well wala talaga akong kinalaman sa pagluto ng palabok). Astig di ba sa loob ng isang linggo jampak ang mga natutunan kong lutuin? Hindi lang yan . . naturuan pa ako mag mop at mag walis. Kung akala mong marunong ka nang mag mop at mag walis may tamang paraan ng pag mamop at walis. At hindi mo alam kung pano yun.
Tinext ko ang bebe ko na nagluluto ako ng afritada para sa dinner namin. Sabi ng bebe ko " galing naman ng bebe ko ang dami nang alam lutuin..... kaso . . . (syet may kaso pa) kaso...iisa ang lasa" Ako na ang nag tuloy "maalat".

32 comments:

  1. di-pindot at dutdot-dutdot ka nalang tapos poof, luto na, parang diner dash lang na laro. :D

    kung laging maalat ang lasa, baka less salt lang. :D

    ReplyDelete
  2. Ikaw na ang pogi paps! LOL

    Napaka-sweet naman ng bebe mo at ramdam na ramdam ang pagmamahal nya sayo with LAIT on the side...:D

    ReplyDelete
  3. sarap talaga maging jolliboy. dyan din ako natuto ng tamang way ng pag-mop. tamang pagluto ng spaghetti noodles. tamang pagluto ng fried chicken.

    at higit sa lahat....ang tamang paraan ng pag-petiks.

    ReplyDelete
  4. naku buhay taken. cheesy uli to. ka-chees-han na ang title ng blog mo dude hehe. pero biro mo yun natutunan ko ngayon na kahit random na mga bagay eh may tamang approach nga naman.

    ReplyDelete
  5. nakanang putcha..wahahahaha.. marunong ako ng tamang paraan ng pag mamap..from left to right.. db? hahaha.. ge luto lang ng luto khit di pindot

    ReplyDelete
  6. patay tayo jan, iisa ang lasa?
    pa seminar sa mga natutunan :)

    ReplyDelete
  7. eto ang kwentong keso na medyo may alat. di bale, masarap pa rin yan sa panlasa ng bebe mo.

    ReplyDelete
  8. Pogi, gusto ko ding matikman ang salt with afritada na yun. mukhang patok sa panlasang pinoy.
    Pop, pop.

    ReplyDelete
  9. haha oo nga parang laro lang..papindot pindot lang kasi tapos instant may food na..hehehe ^_^

    ReplyDelete
  10. At least marunong ka magluto. Ako pakulo lang talaga ng tubig.

    ReplyDelete
  11. andami dami na natng pogi tsong! hehe
    pero ayus yan! pampabwenas.

    andaming fried ahhhh.. paglabas galing trabaho, amoy fried na din! haha

    ReplyDelete
  12. @khanto: parang familiar ako sa larong yan. lols. dipindot at dutdut ba kamo

    ReplyDelete
  13. @poldo: yeah. ganun niya ako kamahal.... supportive niya no

    ReplyDelete
  14. @nobenta: ako kamo alang petiks sa trabaho... hindi ma tengga tengga

    ReplyDelete
  15. @GLIP: ganun talaga. in love ako e.. welcome pla sa kablogstugan

    ReplyDelete
  16. @kikilabotz: left to right ka diyan...

    ReplyDelete
  17. @anthony: lagyan mo lang ng maraming asin yun na yun... pero mas msarap pag patis . . maraming patis

    ReplyDelete
  18. @superbalentong: maalat naman talaga ang mga keso ah

    ReplyDelete
  19. @munting bisiro: hahahaha. salt with afritada.

    ReplyDelete
  20. @superjaid: ganun talaga.. pindots lang ng pindots. mahirap lang mag breadings ng manok

    ReplyDelete
  21. @glentot: hahaha. di ka man lang marunong mga prito ng egg at hotdog.

    ReplyDelete
  22. @kosa: yeh. amoy manok na ako. pramiz

    ReplyDelete
  23. wow ganun pala magluto dun. pindot pindot lang? maitry nga sa college pag summer para may pera ako :]

    ReplyDelete
  24. sana naging joliboy din ako. late nagkaroon ng ganyan dito sa amin e...

    :-)

    ReplyDelete
  25. @renz: oo. sige pasok ka dun.... masaya naman kaso basta mag handa ka. haha

    ReplyDelete
  26. @abou: nako. wag niyo pangarapin yun. =)

    ReplyDelete
  27. Sa Jollibee ka nagwowork ngayong Paps? ako rin dati ang tawag sa akin "POGI", tapos may sitsit pa. (parang sa aso lang!LOLS)

    Okay lang yung luto mo pre, basta ang sasabihin mo ASIN YAN NA LASANG AFRITADA!ganun lusot ka!

    Ingat

    ReplyDelete
  28. Paps nga pala I'm so touched! Nahawakan mo ang itlog ko paps kasi nasa PAP'S PEYBORIT mo pala ako! Grabe naiyak ako (LANDEE!)

    ingat

    ReplyDelete
  29. @Drake: lols. ganun nga ata talaga "pogi na lang name mo kung di nila alam name mo:

    ReplyDelete
  30. @drake: lols. your welcome parekoy. na tats din kase ako sa mga posts mo. lalo yung kwentong ref

    ReplyDelete
  31. Gusto ko matutunan paano mag mop at mag walis - the American way! Hehehe! Spill! Spill! :p

    ReplyDelete