Monday, February 13, 2012

Maligayang Araw ng mga Puso

(www.arclicks.tumblr.com)


.
Hindi masiyadong naging maganda ang araw ko ngayon. Maulan. Tumalsik ang putik sa puti kong sapatos at pantalon. Malamig ang kanin at sabaw sa kinainang karinderya mas malamig pa sa panahon. Hindi kaya ako mag ka pulmonya sa kinain ko? Budget meal sa karinderiang malapit sa ospital, sa halagang 45 pesos may fried rice, ulam at may libreng sabaw. Yung fried rice matigas, yung ulam malamig, yung sabaw malamig din at lasang pinakuluang medyas.

Pumasok na ako ng ospital, asyushwal kukunin ang vitals signs ng mga pasyente, paiinumin sila ng gamot, aalalayan sa mga ginagawa nila. Pero iba kanina, nakakatamad, walang kabuhay buhay ang mga pasyente. Wala sila sa mood makipag usap. Sila ba ang wala sa mood o ako?

Mga pasyenteng nag aagaw buhay, paano nila ipag diriwang ang araw ng mga puso? Napaka lamig ng panahon, sing lamig ng kamay ng pasyente kong malapit lapit na. Sa totoo lang ayoko na ng ulan, dinadala pati ang damdamin ko. Oh sige na nga, gusto ko pa ng ulan, masarap matulog.

Ano kayang mangyayari bukas? Happy Valentine's Day sa inyo mga katuga.


SINO BA KASE ANG NAMATAY?

18 comments:

  1. wala naman kasi sa panahon at kinakain yan...balentyms na kasi yun yun!! hehehe me namatay pala?

    ReplyDelete
  2. Haffy Balemtayms! Totoo! Nakakatamad magdute kapag gloomy ang weather, yan yung panahon na pinagdadasal na lang namin na macancel ang duty. LOL.

    ReplyDelete
  3. magkakamukha kasi kaya nalilito na kung sino ang namatay..hahaha

    wala naman yan sa panahon eh, nasa iyo yun na wala ka sa mood.. chos hahaha

    Happy V-day!

    ReplyDelete
  4. hepi belentayms paps. malamig man pwede naman magjacket para di ginawin =D

    ReplyDelete
  5. hahha sa tumblr silang tatlo ang pinaglamayan.. hahaha

    ReplyDelete
  6. love is like a rosary. I do not have one.

    haha happy valentines paps!

    ReplyDelete
  7. Valentines, yun ba yung sa Narnia? o sa Harry Potter? make believe..lol

    Nurse ka pala!! :)

    ReplyDelete