Friday, February 3, 2012

Commercial Holiday

Sa Araw Na iyon. May darating na malakas na bagyo. Walang pasok sa paaralan at trabaho. Babaha. Lahat hindi makalabas dahil masiyadong malakas ang hangin at ulan. Hanggang sakong ng paa ang baha.

Commercial Holiday. Para makapag benta ng bulaklak ang mga bakla. Para mabili na ang mga tsokolateng malapit ng masira. At para mabahing at ma-allergy ang mga makakatanggap ng mabalahibong teddy bear. Para mapuno ng mga taong umaariba at nag hahanap ng sakit sa Sogo at Victoria court. Commercial Holiday para kumita ang mga minsan lang makabenta.

Kaso nga sa araw na iyon, uulan, malakas. Baka malugi lang sila.

Aanuhin ko?.Aanhin ko naman ang magandang panahon sa araw na iyon, wala naman akong gagawin. Wala naman akong sisindihang pulang kandila para maging masaya ang relasyon namin. Wala naman akong sisindihan puting kandila para tumagal ang purity ng pag mamahalan namin. Mag sisindi na lang ako ng katol para di ako lamukin sa kakahintay ng soulmate ko.

Baka kaming dalawa na naman ng laptop ko ang mag haharap sa araw na iyon. Baka ang laptop ko ang soulmate ko.

Mahina. Palpak sa mga banat kaya walang nasungkit. Ilang taon na ba akong nakikipag date sa sarili kong bayag? Isa, dalawa, o baka higit pa sa tatlo. Hindi kase epektib ang "Miss anong number mo? Nag loload kase ako" at " Miss alam mo hindi ako kontento sa iphone 4s ko, wala kase ang number mo."

Current Status

[ ] Single
[ ] In a relationship
[ ] It's complicated
[] Nag papataas ng level sa tetris battle

Baka lang. . .Pag bumalik siya sakin, baka lang sa commercial holiday, baka gumanda ang panahon, baka umaraw sa paningin ko. Baka lang wala naman talagang bagyo. Baka naman nasa isip ko lang.

Pero kung wala. Sa FEBUARY 14. Malakas ang Bagyo. (www.BecauseI'mbitter.com)

Advance Happy Valentine's Day mga Katuga.

Sincerely yours,
Pablong Pabling

24 comments:

  1. oks lang yan paps! good things happen to those who wait :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. :D tomooo... pero baka makahabol ako sa valentines day..

      Delete
  2. tara paps baclaran tayo!
    panalangin naten bumagyo ng bonggang bongga para wala na yang commercial holiday na yan...lol

    sana blog nalang ang araw na yan...para pwedeng e skip read!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha tabian. skip reader ka ba?
      gusto ko yang banat na yan ah. ahahaha

      Delete
    2. uie havei yang banat na yan ha! Lels

      Delete
  3. wahahaha, sana nga umulan ng malakas!!

    Bitterness din ako pag balentayms

    ReplyDelete
  4. Uy wag naman kayo mag pray na bumagyo or umulan ng malakas kasi baka magkatotoo hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. -- uyy hindi naman po kami nag pepray. fact lang yan

      Delete
  5. tataas nanaman ang birth rate sa september. hihihi

    mabuhay ang mga single

    ReplyDelete
  6. pwede namang ako kadate mo di ba? :)
    para akong meralco eh, liwanag ang dala sayo..toinks..bebenta kaya banat ko sayo? haha

    ReplyDelete
  7. I really need help here. Ano ba itong Commercial Holiday na ito? Bakit magtitinda ng mga bulaklak ang mga bading? Ano itong Sogo at Victoria Court?

    Wala akong kaalam-alam kung ano ba ang mga ito?

    Puwedeng... paki-elaborat... eheste... ELABORATE pala.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Commercial Holiday - Valentines day. Kung saan peperahan ng mga vendors ng bulaklak, tsokoleyt, teddy bears ang mga magkasintahan. .

      Ang sogo at victoria court ay mga motel kung saan pwedeng mag paputok ng pag mamahal sa panandalian oras, usually tuwaing valentines day or commercial holiday nga. kikita sila diyan.

      -Okay na po ba? KAya commercial holiday. wala naman talagang valentines day para sa katulad nilang mga singles.

      Delete
  8. Ang problem dude: WALANG KA-DATE. Hahaha. Broken-hearted ako. Ganito oh, </3.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hayaan mo brad. uulan talaga yan. malakas.

      Delete
  9. Current Status

    [ ] Single
    [ ] In a relationship
    [ ] It's complicated
    [ ] Nag papataas ng level sa tetris battle
    [✔] Nag hahack ng mga account sa facebook

    ReplyDelete
  10. try mo ang banat na to.. SAPATOS KA BA??? (baket?) Masikip ka man sa simula, luluwang ka rin pag inaraw-araw kita! Ewan ko lang kung di ka pa magkakagirlfriend niyan :)

    ReplyDelete
  11. Haha. :D
    Hay...
    Advanced Happy Valentine's Day kuya. v(^3^)v

    ReplyDelete