Tuesday, February 21, 2012

I think, therefore I'm Single

"I don't like to be labeled as lonely just because I am single.” It’s a totally different story. A friend once asked me “ Hindi ka ba nalulungkot single ka pa rin? I just smiled and said “hindi.”


Going back to the question, hindi ba ako nalulungkot dahil single ako. Seriously? Does the question really makes sense? Oo? Hindi o Pwede? O sige pwede mag explain?


Sa palagay ko hindi tama ang tanong. Mas tama ata kung tinanong niya ako ng “Bakit single ka pa rin?” Hindi ba merong mga nasa relationship na malulungkot? 90% ng mga in a relationship malungkot, san galing ang statistics ko? Wala naisip ko lang.


I’m in my early 20’s, according to Eric Erikson’s psychosocial theory I’m in the stage of love: intimacy vs. isolation. Oo inaamin ko meron akong heart-breaking past love experience kaya siguro ako nasa isolation stage ngayon; being single.


Pero bakit ko naman pipilitin ang sarili ko to be in a relationship just to be “in”? I don’t understand why people try to desperately fall in love just to be in a relationship. I guess I’m different, you know, just trying to make a good living, first things first and trying to find the right girl, ayaw ko naman ng kung sino sino na lang. I want her to be the one.


Love has its seasons, ngayon masaya kayo, bukas mas masaya kayo, sa isang bukas hindi na kayo masaya, sa isa pang bukas umiiyak ka na. At ang pag pasok sa isang relationship ay isang malaking responsibilidad, it’s not a game per se. Yung iba just go with it nag lalaro lang, hindi ko gusto yun. Dahil siguro I’m a victim of it ayaw ko iparanas sa iba yung tinatawag na heartbroken for more than a year and still hoping blah blah blah.


Sa palagay ko hindi pa rin ako handa sa responsibility na iyon. My priority now is studies, parang ganto lang yan, magsusuot ka ba ng bathing suit kung hindi ka naman mag siswimming? kung pupunta ka lang sa school at mag aaral? Isa pa hindi naman ako pwedeng humuli ng dalawang daga ng sabay. Kapag ginawa ko yun, I’ll fail on both. Ang ibig kong sabihin kung ano ang priority ko, I’ll be just good at it. For now school and career, pag love na ang priority ko, I’ll love her 100%.


Yung mga ka edad ko diyan na nasa intimacy stage, hindi naman ako kontra sa inyo. Maganda yan pagpatuloy nyo yan, time management lang yan. Loving and being loved in return are beautiful. Sex din but sex is more beautiful in the context of marriage. Pero pag ingatan nyo yan, kase kung hindi magiging isa kayo dun sa 90% na malulungkot na nasa relationship and in the end, baka makita ko kayong luhaan, duguan and worst iniwanang buntis.


Gusto kong sumagot ulit sa kaibigan kong nagtanong. Smile lang ulit then sagot ng “Hindi”. Marami pang rason para maging masaya ang isang tao. Teka baka na misunderstood niyo na ako. I still want to date girls, trying to find the right girl nga e!!!!

31 comments:

  1. NAKS! Kailangan talagang mag-explain kung bakit ka pa single? Hehe peace!

    ReplyDelete
  2. "...ang pag pasok sa isang relationship ay isang malaking responsibilidad, it’s not a game..."

    I STRONGLY AGREE! XD

    ReplyDelete
  3. medyo parang hindi ikaw si paps. hehehe. medyo serious kasi ang post.

    being single really doesnt mean that your forever alone. :D

    natawa ako dun sa pics sa upper right tungkol sa text nung papa nung girl. wahahahaha

    ReplyDelete
  4. Tama yan. Focus on the priorities na lang muna. Darating lang din naman ang true love sa takdang panahon. :p

    Meron talagang ideya ang mga tao na kapag single, lonely na agad. Which is absurd.. Sabi daw, pag single daw, ibig sabihin malungkot na.. Bakit, lahat ba ng taken.. masaya? :p

    ReplyDelete
  5. Totally, agree - past hurts, priorities.. all true.

    ReplyDelete
  6. andameng pang dahi-dahilan oh...lols!
    pero tama ka pre, being in a relationship doesn't always mean becoming happy. Nasa sarili mo yan kung magiging masaya ka, may syota o wala.

    ReplyDelete
  7. hanep sa analogy paps...kamusta na ang swimsuit ng daga? LOL

    pero on a serious note(naks!)marami nang nagtanong sakin rin nyan..siguro nga minsan malungkot pero choice naman kasi yown, sabi ko nga noon pa happiness is but a choice and its up to us kung pipiliin nating maging masaya/malungkot single man o double este in a relationship...so ayown napapahaba na naman ang comment ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya naman kase humahaba ang comment mo kase ang lalim lalim ng pinag huhugutan mo?

      di ako maka relate sa dagang naka swimsuit. haha

      Delete
  8. seryosong usapan to paps ah. hehe. ayos yan.. bata ka pa naman eh. prioritizing is a very good thing. keep it up! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. opo. may mga bagay kaseng kailangan minsan na seryosohin. hala gumanon

      Delete
  9. Gusto ko na lang sabihing: "ikasa mo!" Haha. Tama yan! Ganyan din takbo ng utak ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pareng yow. okay yan.. kaso parang di naman talaga ok. :l

      Delete
  10. ganyan din nasa isip ko paps. bakit ba kasi kelangan magmadali? bakit kelangan maging kating kati yung mga tao na mag "in a relationshp status sa facebook" leche. mas masarap maging single! besides, sabi nga sa nabasa ko (nakalimutan ko na)you have to enjoy life on your own muna before you can share it with anyone else. :D

    paps, tinag kita sa recent post ko. sana makabisita ka sa blog ko ha :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto ko to "you have to enjoy life on your own muna before you can share it with anyone else. :D

      Delete
    2. agree po ako sa inyong dalawa., Enjoy maging single, lalo kung at 20 eh, ineenjoy ko ang pagiging dalaga and at the same time career life., oh daba., wagas. :)

      Delete
  11. "Happiness is a state of mind, not a status of life."

    ayos tong post na'to!

    ReplyDelete
  12. "sex is more beautiful in the context of marriage"

    agree :)

    sterndal

    ReplyDelete
  13. I like your post, surprised ako kasi parang your so young pero ang mature ng posts mo.. anyways, im new to your blog and i liked it! :)

    ReplyDelete
  14. I like this blog!!! :) Please continue posting inspirational posts like this.. nakakarelate ako!! hahhah anyway blogger din ako, separate agenda nga lng tayo. :D Cool dude!!! sayang wlng ads..

    ReplyDelete