Sunday, February 26, 2012

PALUSOT!

Dahil ikaw ay isang lalaki at kailangan gentleman ka, dapat ikaw ay mapag bigay sa mga buntis, may dalang bata, matanda at mga chicks. Pero kung pagod ka at kailangan mong maupo sa LRT, MRT o BUS. Pwet, este pwes! Eto ang mga palusot na pwede mong ipalusot! (Hindi ko inererekomenda)

1. Kapag may buntis sa harap mo at nakatayo, at ikaw ay nakaupo. Hindi na uso ang pag tulog tulugan dahil panigurado may isang lalaking magsasalita ng "oyy paupuin niyo ang buntis!!" bilang isang lalaki ikaw ay makokonsensiya, pero dahil ikaw ay pagod sasagot ka na lang ng "bakit ako ba ang nakabuntis diyan?"

2. Kapag meron namang may dalang bata. Heto naman ang sagot "bakit anak ko ba yan? Misis ba kita?"

3. Kapag chicks at maganda. Heto po. "May boyfriend ka na ba miss?" Pag sumagot ng "oo" sabihin agad ang "okay lang tumayo ka na lang diyan, baka mag selos pa boyfriend mo e" pero kung walang boyfriend " deadma lang marami pang chicks diyan, manatiling nakaupo at humawak sa safety hand drills.

4. Kapag matanda ang nasa harap mo. Ang palusot agad "Bakit chicks ka ba?"

Okay. Biro lang yan mga katuga. Huwag gayahin.

Paalala: May mga makukulit kaseng nilalang sa LRT. Ang mga matatanda at buntis ay may naka laang train sa harapan. Pero dahil makukulit sila, nakikisabay pa sila nakalaang train para sa mga kalalakihan. Alam mo naman dun, parang laging may riot.

Badtrip kase ang LRT 1, sobrang hassle. Hindi ba nila magagawan ng paraan na gawing parang tao ang mga taong sumasakay ng LRT?

26 comments:

  1. hahaha! subukan ko nga minsan mga suggestions mo. ayos!

    ReplyDelete
  2. I agreeeee! At dapat i-bukod din ang mga may body odor. char. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow. may isang train para lang sa may mga B.O

      Delete
  3. di pa ako nakakasakay ng LRT akshuli...nyahaha ;P

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay. kailangan mong maranasan yan. bilang isang tunay na pilipino

      Delete
  4. hahah di pa ako nakaexperience ng ganyan :)

    ReplyDelete
  5. Totoo! Solid na madalas may magsapakan diyan. Haha. Nagsisigawan, nagtutulakan.. mga hayop yun, nag-papanggap na tao. Joke lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala pa kong nakitang nag sapakan sa LRT :D

      Delete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. minsan nakakabadtrip na nakakakonsensya din e..

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. maganda yan nakaka badtrip na nakaka konsensya.

      Delete
  8. ah the train and buses ng manila!

    pagnagala ako ng manila trip na trip kong makipagsiksikan sa mrt parang nasa super bowl lang at sa mga bus naman parang roller coaster, walang keme kung humarorot si koyah..LOL

    paps na try mo na bang yang tips mo? di ka kaya hambalosin ng bag? nyahahaha

    ReplyDelete
  9. natawa naman ako ng bongga sa mga palusot. =D

    yung area naman kasi ng panggirl sa LRT1 at MRT riot din mga amazona yung mga babae dun haha

    ReplyDelete
  10. hahaha para sakin ok lang tumayo sa LRT AT MRT. Pero pag sa PNR wala ng bigayan hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. okay rin ba sa iyong tumaya sa bus?:D

      Delete
    2. hahaha hindi ko kaya yun. Lalo na yung ordinary bus sa edsa. Share mo naman mga na experience sa pag commute magalimg ka dyn hehehe.

      Delete
    3. puro negative na yun brad. haha.

      Delete
  11. at dapat din may sariling bus yung mga mahilig ikiskis yung ano nila.. nakakabastos kase. ching!!!

    ReplyDelete