Kapag nadapa ka
bumangon ka
pero kung nadapa ka
sa katawan ng babaeng sexy at maganda
babangon ka pa ba?
Mga katuga isang taon na naman ang lumipas. Patuloy pa rin ang ating buhay. Kung ikaw ay nadapa, nanaisin mo pa bang bumangon at ituloy ang buhay? Siempre naman mga katuga! dapat lang! ang buhay ay masaya! pero ang tanong para kanino nga ba tayo bumabangon?
Pinangarap ko noon nung bata akong makapag laro sa isnow. Makapag ice skating, ice skiing, snow boarding o kahit ano basta makapag laro sa yelo. Natupad naman ang mga pangarap na ito nung ako'y napadpad ng Amerika. Walang alinlangan akong sumama ng ako'y yayain na mag snow boarding.
Akala ko magiging madali lang ang lahat. Hindi ko natutunan ang snow boarding, unang subok ko ay hindi ko nagawang tumayo sa board at tuluyan na nga akong nag pagulong gulong patilapon pababa. Hindi ako nasayahan sa nangyari sa akin. Dear Ate Charo. Napakasakit po. Hindi ko po alam kung paano ko iiiwas ang sarili kong tumitilapon pababa sa ibang maayos na nag lalaro ng snow boarding. Nakakahiya Ate Charo.
Dahil sa iniisip kong malakas ako. Hindi ako tumigil. Sumubok ulit akong tahakin ang rurok ng bundok upang mag snow boarding pababa. Subalit sa ikalawang pag kakataon. Nabigo ako. Sa pag kakataong ito, hindi lang sakit ang aking naranasan. Opo ate charo tumama po ako sa puno ng krismas tree. Napakasakit. Itinuloy ko na lamang ang pag papagulong gulong pababa. Ang sarap pagmasdan ng aking mga kasamang masayang nag lalaro. Iniisip ko na ilang subok na lang ay magagawa ko ring maging masaya sa larong ito.
Sa ikatlong pagkakataon, sumubok ulit ako. Medyo sanay na ako sa pag tayo at pag balanse. Maganda ang unang naging galaw ko, maayos, subalit isang iglap, booom! (may booom talaga??) bumagsak akong muli at nasubsob ang mukha ko sa yelo. Tumama ang ngipin ko sa yelo. Napaka sakit! akala ko natanggal na ang magaganda kong ngipin. Iiyak na sana ako. Pero may tumulong sa akin upang makatayo.
Tayo mga katuga. May mga pag kakataon ba na nais na natin isuko ang laban ng ating buhay? Iniiwasan ba natin ang mga bagay na makaka pag pa hirap sa atin at pinipiling maging madali na lang ang buhay? Kapag ikaw ay nadapa, pilitin mong bumangon sapagkat may mga taong pinipilit bumangon para sa atin. Ikaw katuga para kanino ka ba bumabangon?
(Pablong Pabling, San Bernardino, California 2011 www. arclicks.tumblr.com)
Ang post entry na ito ay para rin sa mga kababayan natin sa Cagayan De Oro at Iligan City. Sa kabila ng isang napakatinding pagsubok ay hinihiling kong maging matatag sila at ituloy pa rin ang kanilang buhay.
Maligayang pasko. at masaganang, malakas na bagong taon mga katuga!
tama! pagnadapa bumangon, pag sa maganda't sexing babae, wag, kapag sa kabayo binabae, bangon agads. hahahaha.
ReplyDeletesa buhay, ayoko madapa. takot akong madapa dahil takot akong di makabangon muli. hahahah
Merry christmas Paps. :D
@khanto: ay siempre naman. bangon tayo agad diyan@ :D maligayang pasko khanto! :D
ReplyDeleteMadami ng pangyayari sa buhay ko na nadapa ako.. sa pagkadapa ko, nasaktan ako at nasugatan. nagkamarka din ng isang scar dito sa puso ko... nagpagulong gulong din ako sa mga hamon ng buhay, most of the time nasa ibaba, minsan din naman nasa itaas.
ReplyDeleteNgunit hindi ito ang dahilan para mawalan ng pag-asa. Patuloy parin ang takbo ng buhay.. kasi habang may buhay may pag-asa. :D At sana Paps kung babalik ka ulit sa America, try mo ulet mag-snowboard. Walang hindi kaya sa taong determinado.
at sa tanong mo. Bumabangon ako para sa sarili ko at sa pamilya ko. At sa mga kababayang nasalanta ng bagyo... May God bless and guide you all. Merry Christmas
wagi ang intro mo! 8s u olreydi!!!
ReplyDeletehaha
merry christmas sa yo kaibigan at sa lahat lahat...magiging ok sana ang lahat...lalo na ng mga nasa CDO at iligan ;)
mag pray lang tayo nang bonggang bongga! *wink*
naks naman paps sumesenti kung senti lang talaga oh! Sabi nga nila never give up, never surrender...pero choose your battles. Sabi sabi lang naman nila yown,kaw nalang magdecode, lam mo na yown..hehehe
ReplyDeleteMerry Xmas Paps! :D
@anonymous: opo. susubukan ko ulit yan pag dating ng takdang panahon. merry christmas. :D
ReplyDelete@hana: its me already? ako na nga. :D merry christmas!
ReplyDelete@tabian: merry christmas po :D
ReplyDeleteNaks naman. Nakakainggit tuloy. Buti ka pa nakapag-snowboarding na. Pangarap ko din yan nung bata ako. Hahaha. Well, lahat yata ng batang Pilipinong kilala ko ay gustong makapaglaro sa snow. Sayang lang at nasa equator tayo. Iniisip ko, baka naman pwedeng pakiusapan natin ang Japan na tumabi tayo sa kanila. Oh diba?
ReplyDeleteMerry Christmas Paps!
Tama! Gawin nating inspirasyon ang bawat pagkakadapa para makabangon ng mas matatag at mas malakas. Nice post, yung seryoso! Merry Christmas, Paps!
ReplyDeletemahirap bumangon pero hindi imposible :D nakakarelate ako. Maligayang pasko paps
ReplyDeleteewan nawalan ako ng rason.. hahaha baka next year meron na.. hahaha...
ReplyDeletePunta ka sa ski resort, mag-aral ka munang mag-ski. May instructors doon sa bundok at talagang matuturuan ka. Madali ang downhill skiing, pero, unahin mo ang Cross country Skiing dahil mas mahirap. Kapag natuto ka na ng X-Country skiing, wala ka nanag problema, dahil alam mo na rin ang downhill at maski snow-boarding, magiging madali na.
ReplyDeleteIto ang maipapayo ko sa iyo.
Ang iyong Kuya Eddie.