Sunday, December 18, 2011

PAP'S BAWI TULOG TIPS


Kulang ka ba sa tulog at kailangan mong pumasok?

Pwet! este pwes eto ang ilan sa mga tips kung paano ka makakatulog ng mahimbing, mapa klase man, o mapa trabaho.

1. Mag hawak ng rosaryo. Ito ang pinaka epektibong paraan ng pagtulog sa klase. Dahil mahihiya ang propesor o bisor mo na istorbohin ka habang nag rorosaryo. Umupo ng tuwid, hawakan ang rosaryo at ipikit ang mata. There you go. Mukha ka nang nag rorosaryo, pero ang totoo bumabawi ka ng tulog. Iwasan lamang mabitawan ang rosaryo sa panahon ng pagtulog, dahil mayayari ka pag ginising ka "ay sorry po sir" habang kinakapa mo kung nasaan nahulog ang rosaryo.

2. Silip. Ilapat ng husto ang kamay sa desk ng diretso at ipatong ang ulo sa braso. Pumikit at matulog na. Pag ginising ka ng prof mo. Ituro mo agad ang blackboard at sabihing "sir ano ba yung sinulat mo dun hindi ko talaga makita, kanina ko pa sinisilip". Pag wala siyang sinulat. Yari ka.

3. Sinag Araw. Ilapat ang likod sa sandal ng upuan, gawing kumportable ang sarili, idikit ang likod ng kamay sa mukha at matulog na. Pag ginising ka ng prof o ng boss mo "sir sinong natutulog? hindi ako natutulog! ang araw kase nasisinag ako". Pwede rin mag shades at matulog.

4. Suntukan na lang. Matulog ka lang bigla. Pag may gumising sa iyo. Sapakin mo agad, yung malakas. Bukas ulit tulog ka lang. Matatakot na mga gigising sa iyo.

Oh iyan apat lang muna. Merry Christmas. Matulog muna kayo ng maraming maraming tulog ngayong holiday season. :)

(photo credits: arclicks.tumblr.com at ang pusa kong si tet)

15 comments:

  1. ayos ah kailangan ko ang mga ito, lalo na kulang na kulang ako sa tulog sa sobrang haba ng byahe araw araw at daming ginagawa.

    ReplyDelete
  2. bwahahahah, gusto ko yung silip style

    ReplyDelete
  3. Mukhang walang tulog ah? Buhay nursing? Hahaha.

    ReplyDelete
  4. meron pa, kunware nililinis ang sapatos okaya kukunin ang nahulog na ballpen. :)

    ReplyDelete
  5. Sa dati kong office may gumawa nung #3, yung shades, tapos naka-hawak sya sa mouse tapos nakabalance yung katawan nya kaya kapag sa malayo hindi halatang tulog, mukha talagang nagtatrabaho. Ang tanging giveaway lang eh... humihilik sya.

    ReplyDelete
  6. @inong: sige lang par. mamili ka lang jan :)

    ReplyDelete
  7. @elay: ano ba ibig sabihin ng classic to? haha dalawa na kase nag sabi nyan

    ReplyDelete
  8. @hana banana: welcome po sa kablogstugan :D

    ReplyDelete
  9. issh... tet talaga name ng pusa mo?? nickname ko yun dito sa hauz eh.. nakanaman! hak ^_^

    ReplyDelete