Dahil sa kalahating taon na ako dito sa Amerika kailangan ko magbigay ng pahayag kung ano ang nasa sa loobin ko patungkol sa Amerika. Bakit? Bakit naman hindi.
Tatlo sa pinaka henyong imbensyon ng pilipino ang walis tingting, jeepney at tabo. Wala kasing walis dito.
At the store:
Paps: Hi. Where can I find a walis?
Sales man: What?
Paps": Walis.
Sales man: weh
Paps: wa
Sales man:weh
Paps: no no no wa with ey like fat not e
Sales man: wa?
Paps: right wa then. . lis
Sales man: wehlis?
Paps: NO! walis.
Sales man: walis.
Paps: Right!
Sales man: What is that?
Paps: broom.
Wala nga palang walis dito, broom meron. Ayun nag hanap ako ng mukhang walis tingting pero wala, yung parang walis lang meron. Ang hirap kasi gamitin ng broom, di tulad ng walis tingting na masarap ipanghagod sa kalsada,yung tunog ng walis sarap pakinggan, saka swabeng swabe ka sa pagwawalis pag tingting gamit. Saka sa atin dalawa ang klase ng walis, walis tingting at walis tumbong tambo, sa kanila isa lang.
Wala ka ring makikitang tabo sa mga grocery stores dine. Yung tabo e parang walang katumbas na english word kase hindi talaga sila nag tatabo - shower ang gamit dito sa paliligo. Shower naman ang gamit ko sa paliligo sa pinas pero hindi naman shower ang ginagamit sa pag huhugas ng pwet. Paano sila nag huhugas ng pwet pagtapos umupo sa trono at magtagumpay? Hindi sila nag huhugas. Nagpupunas lang, tissue ang pinaka tabo nila dito. Dahil sa sanay ako sa hugasan at hindi sa kaskasan e kung ano ano na ang ginamit kong improvised tabo tulad ng - baso ni granma, baso ng pinag inumang sopdrinks, pitsel ni granma at plangganang maliit ni kilala mo na!
Wala ding jeep dito. Ang tawag ng asawa ng pinsan kong kano sa dyip natin ay "funny looking vehicle". Hindi naman ako natawa sa dyip natin.
Sa lugar namin dine sa Los Angeles. Isa sa sampung tao na makakasalubong ko ay puti ang iba puro mexicano na, istupido hindi ba. Ang unang tanong kung papasok ka ng trabaho dito ay kung marunong ka mag spanish o kung bilingual ka ba. Bilingual ako filipino at ingles nga lang. Bakit ko kailangan matuto mag spanish wala naman ako sa Mexico? Bakit hindi na lang itong mga istupidong mexicano ang mag aral mag ingles, dahil sa pag kaka alam ko pare pareho lang kaming nasa Amerika. Napag alaman ko ang pangalang Los Angeles ay hindi ingles kundi spanish.
Ayokong isipin na nagkamali ako ng desisyon ng magpunta ako dito sa Amerika. Malaki ang pag kakaiba ng buhay sa Pilipinas at buhay dito. Marami akong kilala na nag nanais makapunta sa Amerika. Para sa kanila ang Amerika ay isang pangarap na napakahirap marating, parang paraiso paraisong puno ng kasaganaan at kaginhawaan. Para sa kanila ang Amerika ay simbolo ng isang marangya at perpektong pamumuhay. Binansagan pa nila itong Land of opportunities at land of milk and honey. Pero para sa akin ang Amerika ay parang isang malaking gubat sa siyudad. Sa gitna ng maraming taong nakapaligid, damang dama ko na nag iisa ako sa buhay. Walang panahon ang bawat isa na pag tuunan ng pansin ang kanyang kapwa. Bawat isa ay abala sa pag hahanap ng dolyar para sa sarili nilang kapakanan.
itutuloy. . . .
palit nlng tayo, gusto m0? ako dyan, ikaw dito (pinas)
ReplyDeleteteheeh XD
@definella: sa una lang yan. makikipag palit ka rin
ReplyDeletediba dipper ang tabo? wait *googling*
ReplyDelete@city: i have no idea. pero try mo naman mag hanap ng dipper sa store. baka kung anong dipper ibigay sa iyo
ReplyDeleteako gusto ko rin sa amerika..pero hnd para magtrabaho . gusto ko pagpumunta ako jan isa akong turista.. hehe.. dapat nung pumunta k jan nagbaon k n ng walis , tabo at jeep.hehe
ReplyDeletewala palang timba at tabo sa mga cr dyan para makaligo.
ReplyDeletegusto ko ang entry na ito at excited ako sa revelations mo ng buhay tate...
ReplyDeleteAt nag kakanda kuba para makablik muli ng states baka may kilalakang may greencard dyan ng mag silbing gateway to opportunity ko :-D Pwede na sakin ang maka kristine Reyes. :-D
@khilabots: haha nice 1 nag sisi nga ako di ako nakapag baon ng jeep.
ReplyDelete@khanto: oo di uso ang timba at tabo dine
ReplyDelete@jepoy: thanks. . . bat di ka na lang bumalik dito? may problema ba sa papers mo? o ikaw ang problema mismo
ReplyDeletemasasanay ka din jan kuya :] pero kung gusto mo ako na lang jan? hehe joke lang
ReplyDeleteang hirap siguro makisama sa mga tao jan na puro dollars lang ang laman ng utak nu..
hanap ka ng barkada para masaya, para makalimot ng lungkot at ndi na maramdaman ang pag-iisa.
ReplyDeletepunta ka sa filipino store at magwala ka dun. hahaha! joke!
onga kakainis bakit ndi ung mga hispanic ang mag-aral ng english.. bwiset! LOL!
mahirap naman talagang mamuhay sa isang lugar na di mo nakasanayang tiran..anyway..dapat nagbaon ka ng tao at walis tingting paps..di naman yun haharangin di ba?hehehe
ReplyDeletepero gusto ko pa ring makapunta ng amerika. gustong gusto.
ReplyDeletetotoo nga daw na walang tabo sa tate. hehehe. pero may mga filipino stores na nagbebenta .
kumuha ako ng narsing sa kadahilanang gustong mag-abroad. ngunit nang gumradweyt na eh nawala na yun sa akin. at ngayon ay mas gugustuhin ko pa ring manatili dito. mas masaya pa rin pag anjan tropa mo, pamilya, mga kababayan. kaya nawala na ang pangarap kong mag-abroad. well, for now.. ayoko namang magsalit ng tapos.
ReplyDeletePaano Maging Virgin Uli
@renz: eto ang big smile para sa iyo :D
ReplyDelete@chiklets: sa filipino store talaga? hahaha. . . hmmmm sa cerritos lang alam kong filipino store
ReplyDelete@superjaid: bawal ata mag lagay ng tao sa box
ReplyDelete@taympers: baka nga meron sa filipino stores, yung gamit ko now e pitsel e
ReplyDelete@echo: aalis at aalis ka rin diyan pag nag karoon ka ng chance makapa trabaho ng nurse sa ibang bansa
ReplyDeletedipper nga.... yaiy
ReplyDeleteayun oh... nag emo pala sa bandang huli....
late na ang comment. pero dipper nga. tingin ka paps sa star pag gabi. merong constellations na big at small dipper. mukha siyang tabo.
ReplyDeletebuti dito sa saudi may bidet spray. kaso bihira naman ang public toilets.
may expeirence din ako sa tabo pero hindi sa amerika. may kasamahan akong chinese at minsan ay inabot ng rebolusyon ang tyan ko nang kumain ako sa bahay nila.
sabi ko, "nasan ang tabo niyo dahil tatae ako?"
sagot niya, "tatae ka lang eh kailangan mo pa ng tabo. meron namang inidoro. 'di kasya ang itatae mo dun!".
muntikan nang sumabog yung puwet ko sa kakatawa.
pahabol pa... akala lang nila na pag nakapunta sa America, ay giginhawa na ang buhay nila. Sa akin, kahit saan ka man sa mundo, kun tamad, walang ginhawa.
ReplyDeleteGaling ng entry mo! =)
eh saan mo ninakaw yung mahiwagang tabo na sa litrato paps?
ReplyDeletehahaha. hindi nagkakalayo ang amerika at canada. dito naman indian at chinese ang madami.. pero ingles lng oks na! hirap pa ang maraming tsino!
aww nakakalungkot naman yung last statement. totoo, ganyan siguro talaga ang feeling pag napunta ka sa isang lugar na strange sayo. nakakatuwa yung post, talagang tinry mo na maghanap ng walis at tabo sa supermarket hahahaha. anwyay, yup people may think that the US is the best place on earth,pero there still no place like home. i do hope that you'd have a great life there!
ReplyDeleteFlor
kcatwoman
ldspinay
@nobenta: hahahahaha. nice 1 natawa ako dun.
ReplyDelete@yj: siempre lols
ReplyDelete@stonecold: tumpak pag tamad ka e wala din tulad ko alang trabaho. :)
ReplyDelete@kosa: sa google image yan. haha. talaga madaming indian diyan? mas mahirap naman sila intindihin kesa sa mga mexicano
ReplyDelete@catwoman: thank u for appreciating my post & welcome to kablogstugan
ReplyDeleteAy ayoko na pumunta kung walang tabo...
ReplyDelete@glentot: e magbaon ka kaya
ReplyDeletewah? weh? waah? weelish? lol..
ReplyDeletehayst.. gusto ko pa din sa tate. madami kong namimiss dyan. ang klima na kahit mainit e mahangin. ang mga makukulet kong katrabaho. ang pagsosolong pagbubulakbol sa bawat kanto ng tate, kasi ako lang ang pinoy dun. ang food servings nila na pang umagahan,tanghalian, hapunan at umagahan ko ulet, ang mga free taste ng godiva sa macys... nyahaha.. basta madame!
@bulakbol: yeh... yan na susunod kong post.
ReplyDeletemawala nang lahat wag lang ang tabo! trip kong naliligo gamit ang tabo, yung tabo pupunuin ng tubig tapos ilalagay yung ulo ko dun tapos ibubuhos yehey parang bata lang :)
ReplyDeleteHahahaha! Funny but very insightful post! :) I learned about this site because of top blogs. I was searching for the top sex blogs in the PI. You're #9, I'm #12. Hahaha!
ReplyDeleteI will backready your posts. Looks interesting :)
I mean, back read :) typo. LOL!
ReplyDelete@anthony: hahahaha. .
ReplyDelete@k: salamat sa pag pansin. welcome sa kbt =) di ko maalala na sumama pala ko diyan . . mahanap nga
ReplyDeleteibang klase tlaga ang pinoy! pag natapos na ko gusto ko sana mangibang bansa. pero parang napapa osop ako ngayon ah! hmmmhmmmhm
ReplyDeletepanalo! :lol: napatawa mo ulit kami (for the nth time) ng mga officemates ko dahil sa post mo!
ReplyDelete@miss guided: hala nabuhay ka! welcome back!
ReplyDelete@virtuala: naks. nakakataba ng puso. maraming salamat... =)
ReplyDeleteat ang Legend ng Tabo ay nagpapatuloy.hahaha lahat na lang ng umaalis ng Pinas tabo ang namimiss.hahaha
ReplyDeleteNarinig ko dati sa radyo, na ang english equivalent ng TABO ay Water Dipper. Or kaya naman, pwede din siguro, Small pale with a handle (?) Konting tiis lang men, masasanay ka din jan. goodluck.
ReplyDeletedipper ang english ng tabo. sa asian stores lng meron...
ReplyDeletetska bidet (bid-ey) ang pang hugas ng pwet pagtapos tumae. pag walang bidet, punas punas nlng... hihihihihihi