Thursday, June 3, 2010

Alamat ng GPS

Ang GPS o ang Global Positioning System ay ginagamit upang matunton ang lugar na nais mong tuntunin. Isang imbensyon ng Amerikano na talaga namang hanex na hanex, hindi mo na kailangan pa ang mapa, ang kailangan mo na lang ay ang address na pupuntahan mo. Itatayp mo lang sa GPS ang address tapos ayun GPS na ang magtuturo sa iyo kung paano ang pagpunta dun. Nagsasalita pa yan "Turn left in point 5 miles"at pag di ka naka turn left "Damn it! I said turn left you dummy! Calculating route if possible make a legal U Turn and follow my instruction carefully you stupid."
Sa telepono. . .
Pare 1: Pre alam mo na ba ang papunta sa bahay? Birthday ni misis
Pare 2: Oo naman nasa akin na ang address -
Pare 1: Gusto mo bigay ko direksyon?
Pare 2: Hindi na pre!
Pare 1: Sigurado ka?
Pare 2: Sigurado pre dala ko naman ang GPS ko at ang GPS over ride.
Pare 1: GPS Over ride?
Pare 2: Oo pare dala ko naman ang misis ko. Mas marunong pa sa GPS yun.
Araw ng birthday. . .(Sa Cellphone naman)
Pare 2: Pare nawawala ata kami, paano nga papunta diyan?
Pare 1: O akala ko ba may GPS ka.
Pare 2: Meron pre kaso nag seselos si misis sa GPS dati dati daw siya nagtuturo sakin ng daan, binasag nya ang GPS pre.
Sa totoo lang hindi rin talaga nag bibigay ng tamang direksyon ang GPS na iyan sa lahat ng panahon, minsan e ginamit ko ang GPS papunta sa isang lugar. Nag bigay siya ng direksyon oo pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng high way e sinabi na agad niya na "you have arrived" Taena hindi naman ito ang pupuntahan ko bat nandito, ngayon e dahil sa tapos na siya magbigay ng direksyon e mag isa ko na lang haharapin ang pag hahanap ng pupuntahan ko.
Na off topic pala ako, hindi pala yan ang paksa ko ang paksa ko ay ang alamat ng GPS. Dahil sa pagmahaba ang blog e nakakatamad basahin iiklian ko na lang ang alamat. Noong unang panahon naligaw si Roger L.Easton (ang imbentor ng GPS) sa daan sa papuntang party. Dahil sa inis niya inimbento niya ang GPS. At iyon ang alamat ng GPS.

35 comments:

  1. minsang makakita ako iyan eh talaga namang na-amaze ako. dati parang sa movies lang ito kasi nakikita. pero tama ka paps, nanlilito ito minsan at maliligaw ka rin.

    paps, salamat nga pala at ako ang napili mong blogger of the month. nakakataba ng puso. dito pa sa isa sa mga paborito kong tambayan during working hours!

    rakenrol \m/

    ReplyDelete
  2. ay naku, mas matalino pa rin naman kasi ang utak ng tao. GPS = Gagong Positioning System. Wahaha.. Ang ikli ng alamat. Haha. Sana may makaimbento ng ibang bersyon ng GPS. Yung Gay Positioning System. Yung tinuturo kung san maiispot ang mga katakam-takam na boylets! Ay, simulan ko na nga pag-imbento. Baka yayaman ako. Mga bakla, pareserve na sa akin bago mailabas! Wahaha...

    Ang pagiging bakla ay hindi kagustuhan ng Diyos.

    ReplyDelete
  3. nalilito ako sundan ang GPS, sorry naman bobo lang. Mas mabuti pa ang Mapquest.com :-D

    ReplyDelete
  4. pag laki ko bibili ako ng sapatos na may gps ..hehe

    ReplyDelete
  5. GPS?! di natin kailangan niyan. Basta marunong ka bumasa at nakakapagtanong ka e di ka mawawala.

    barkada 1: "San ba ang bahay nyo?"
    Barkada 2: "Tapat ng langit."

    patawa lang. nice post nga pala! =)

    ReplyDelete
  6. gusto ko ang alamat ng GPS! the best!

    ReplyDelete
  7. @echo: lols. . . hindi maiimbento yan =)

    ReplyDelete
  8. @jepoy: mas madali nga GPS kesa sa map. . . ang map quest parang map din haha walang sense sinabi ko

    ReplyDelete
  9. @stone: mas oks kung may gps pero tama ka nabuhay naman ang mga tao dati ng walang gps. ginawan nga lang ng mas mabilis na paraan sa pag hahanap ng pupuntahan

    ReplyDelete
  10. hahahahaha! naligaw pa rin. nice 1, bago lang ako dito at nakaka hook magbasa. keep posting for more

    ReplyDelete
  11. wahahaha:)) panalo ang gps over ride! :D pero, minsan, hindi nga po accurate yung gps na yan, kasi minsan na rin kaming naligaw dahil sa kanya. :)

    ReplyDelete
  12. @anonymous: welcome po. much appreciated kung maglalagay ka ng name

    ReplyDelete
  13. @bantangala: ikaw lang ata naka gets ng gps overide joke ko. hahaha

    ReplyDelete
  14. Hi!

    THE WAIT IS OVER!!!!!

    I ♥ N The Official Blog Launch!

    my new blog is UP NOW!!! I hope you can drop by and leave some comments ;)

    Follow the link thanks!
    http://ilovenashyboy.blogspot.com/

    LOVE,
    N

    ReplyDelete
  15. at yun ang alamat :] nice one haha natawa ako ^^

    ReplyDelete
  16. it was funny one time pinapa-turn don sa freeway... eh walang any sign or anything cuz i think itz a new road... sabi nang half bro namen kc sinusundan kme... "papakamatay bah kayo" thank God nde naman kme ganon katanga pa nung time na un... can't really trust GPS all d time... marami pa akong kwentong GPS but eh... hwag nah... hahaba eh... lolz... basta with GPS gamitin ang common sense =)ingatz paps... Godbless!

    ReplyDelete
  17. @renz: salamat sa pagdalaw at pag follow

    ReplyDelete
  18. @dhianz: yah dont trust GPS alone. :)

    ReplyDelete
  19. takteng gps yan.. ang kulet. nung nag US ako pinaglaruan din namin ang GPS... hanap kami nearest pizza hut station, nung inde kami nag turn right... nagtaas ng boses. lol

    takteng gps ulet yan. nagkanda-ligaw ligaw kami kanina dahil sa kanya... sa army camp kami dinala sa halip pauwe ng bahay!

    ReplyDelete
  20. Gayahin natin si Johny English... Hindi daw cya masyadong Dependent sa Hardware... Nawala siya sa Sahara Desert na toothbrush lang daw ang dala... ahihihi

    ReplyDelete
  21. accurate ba talaga ang GPS? limited lang ang alam ko d2...

    ReplyDelete
  22. wahahaha natawa ako sa alamat, yun na lang yon? napaiklian mo naman ng husto. haha...

    ReplyDelete
  23. hehehe tol, hanep ah may gps ka..sosyal..duumalaw lang..hindi ako malungkot msayang masaya ako reposts lng mga nababasa mo sa blog ko tinatamad ako magsulat

    ReplyDelete
  24. GPS? ano nga ulit yan? makabili nga din nyan at magamit ko d2 sa bundok. ipagyayabang ko sa mga kapitbahay ko. hahaha!

    ReplyDelete
  25. Yun pala ung alamat ng GPS. Sa tingin ko di pa pasadong gamitin dito ang GPS. Kasi marami pang kalye at pasikot-sikot ang di pa abot ng technology. Wala lang theory ko lang to, forget about it, hehehe! Nice trivia me natutunan ult ako.

    ReplyDelete
  26. haven't seen or used a gps wala naman ako sa tate at wala rin akong auto pero kung meron nito sa shoes bibili ako..^_^

    ReplyDelete
  27. ahaha--ang kulit nung alamat---99% yung intro---tapos 2 sentences lang pala yung main point. kaurat.lol. nways....magandang magka-misi ng ganyan. know it all.hehe

    ReplyDelete
  28. bulakbolero: hahaha.tumataas boses.

    @goryo: maligayang pagdating sa kablogstugan

    ReplyDelete
  29. @anthony: i think its accurate if its updated.

    @taympers: ang tamad mo gumamit ng link

    ReplyDelete
  30. @rico: lahat naman ng tao dine nag ggps na.

    @donato: gps global positioning system ngani

    ReplyDelete
  31. @superjaid: hahaha. ayaw ko ng shoes na may gps tae nagsasalita ang shoes

    @pusa: ano ang magkamisi

    ReplyDelete