Friday, May 28, 2010

TUMITRIP!


Isa sa tunay na dahilan kung bakit pumapasok sa eskwela ang isang magaaral ay dahil sa inaabangan nito taon tao ang tinatawag na "field trip". Ang field trip ay ang kunwaring paraan ng pagtuturo ng mga guro sa mga mag aaral. Kung mapapansin mo sa harapan ng bus ay may nakalagay na "Educational Field Trip" pero ang tungo nila ay kung hindi star city, enchanted kingdom minsan eat bulaga. Nakakatawa rin ang mga kung saan saang pinupuntahan tulad ng gubat, pagawaan ng tinapay, pagawaan ng sundot kulangot, zoo ang malupit na kinaiinisan kong pinupuntahan ay ang mga mall. Wtf?
Isa sa hindi ko malilimutang karanasan sa fieldtrip ay nung makatabi ko sa bus ang pinaka maraming nasalo na powers nung nagpasabog si papa Jesus ng super powers sa kilikili. Kaklase ko siya, batid naming lahat ang kanyang natural na abilidad na makapagpahilo ng tao ng walang effort.Dear Ate charo alam ko na ano mang oras ay maari na siyang magpasabog ng lagim, kaya patuloy ang pananalangin ko kay papa Jesus na please po ilayo niyo po siya sa arawan ng di pagpawisan. Doon ko narealize ang logic at ugnayan ng araw, pawis at power.
Alas diyes pa lamang noon unti unti ng sumisingaw ang kakaibang simoy ng hangin. "Taena naman tol di pa nga ako nakaka sakay ng rides sa enchanted kingdom hilo na ako, pano pa ako nito Wala namang ganyanan". Ang malupit pa nun nasiraan ang bus naming sinakyan pauwi. Imbes na hanggang alas siyete lang ako nag tiis e umabot ng ala una ng madaling araw ang aking pagdurusa ate charo.
Isa pa sa mga di ko malilimutan ay ang pagpasok ng ma-aga ng mga kaklase kong exi tuwing may fieldtrip-exi short for excited. Kung ang alis ng bus ay 7:30 dumadating sila ng alas singko, na pwede namang dumating sila ng alas syete- pero pag wala namang field trip e laging late sa klase.
Nakakatuwa rin ang nakakalokong pag papa exam ng mga guro after ng kasayahan sa fieldtrip. Kumbaga pagtapos ng saya dapat may lungkot talagang kasama. Dito ako lumalagapok sa mga exams, kung makagawa naman ng tanong ang mga guro e parang mag kaibang field trip ata ang pinuntahan namin. Wala akong masagot sagot. Isa lang ata ang nasasagot ko palagi kung anong bus number ang sinakyan ko,yung pangalan ng tour guide sa bus di ko nasasagot- tae bat ba ineexam pa yun.
May naalala din akong isang field trip kung saan maririnig mo sa bus ang mga katagang "galit na galit malamig kase e", "pengeng pang sahod" at eto na syit!". Kung ano man yan e alam na ng mga kabarkads yan.
Tapos badtrip pa- bakit ganoon bakit kailangan mag dusa ng isang estudyante kung hindi siya makabayad ng pagsama sa fieldtrip? Bakit sila kailangan gumawa ng limpak limpak ng project? Paano kung hindi kaya magbayad ng magulang nila para makasama sa fieldtrip ang anak - bakit kailangan silang parusahan? Dep Ed paki paliwanag please.
O mga kids balik eskwela na handa na ba ang notebook at lapis!

23 comments:

  1. field trips. paborito ko yan. huwag lang sanang may mag babaon ng humpy dumpy na amoy tae kapag nasa loob ng bus. minsan akala namin ay may nagbaon. 'yun pala, may nakatae na pala talaga! waahhhh....

    paps, ngayon ko lang napansin yung banner snack mo sa sidebar. astig \m/

    ReplyDelete
  2. @nobenta: may humpy dumpy bang amoy tae? fav ko yann nung bata ako e kaso may humoy dumpy pa ba? - wala namang akong experience na may tumae sa bus. ahaha

    ReplyDelete
  3. merong humpy dumpy na nag-aamoy tae kapag nasa aircon. 'di ko lang maalala yung flavor. wala na yata nito.

    ReplyDelete
  4. @paps: fieldtrips, paborito ko rin, lalo na kapag pinangakuan ka ng titser mo na ililibot kau sa isang makabuluhan at kapupulutan ng mga aral na tipo na lugar, at sa huli ay dadalhin lang pala sa enchanted kingdom para mamasyal. talagang paiyakan yan sa mga magulang kakapilit sumama kasi yung mga frens nya sasama, tapos sya hindi pala, kalungkot yun

    ReplyDelete
  5. Huwaw! Hindi ko naranasan ang mag-field trip sa Eat Bulaga. :(

    ReplyDelete
  6. ako lagi akong kasama sa field trip dahil requirement nga nila ito.

    Sama nito puro enchanted kingdom ang tungo namin!Di man lang naiba! Sa huli nagsusuka lang ako dahil sa mga dyaskaheng mga rides na yan!

    yun lamang paps
    Ingat

    ReplyDelete
  7. nung hayskul palibhasay mga promdi enjoy na enjoy kmi mag field trip sa maynila.mga 2hrs sa manila zoo, 1hr sa lunita tska 10hrs sa SM-Harison.hehehe.sa sobrang amaze sa SM may mga klasmeyt pa kong nawala/naligaw.inumaga tuloy kmi ng uwi.hehe

    swerte ko non kc walang putok yung seatmate ko. ngayon ako malas, d2 sa work ko (UAE) parang palaging may gyera. kaliwat kanan ang putukan.itanong mo pa kay manong drake...

    hehehe!

    ReplyDelete
  8. @nobenta: ganun ba? di ko ata talaga alam pero paboritto ko humoy dumpy nung bata ako. wala na ata humpy dumpy talaga..

    ReplyDelete
  9. @anthony: yeh...nakakalungkot nga pag di kasama ang isang klasmeyt na kaibigan

    ReplyDelete
  10. @gasoline dude: ako din naman hindi haha napapanood kolang

    @drakes: bakit nga ba palaging enchanted kingdom.....hays ano ba ang educational dun? ung pagkakalikha ng mga rides?

    ReplyDelete
  11. @donato: hahahaha.... bat kase jan kayo nagpunta.

    ReplyDelete
  12. Paps:

    Marami kang ipapaliwanag.

    • wtf is Humpy-Dumpy? Sounds like a sex doll. As in, hump and hump then dump and dump your load. Is this the first cousin of Humpty-dumpty?

    • "galit na galit malamig kase e", "pengeng pang sahod" at eto na syit!".

    Mga ano ba ito, por Dios?

    • Hindi pala mabango ang amoy ng ANGHIT? Sa asking PAGMUMUNI-MUNI, parang amoy Sampaguita flowers ito, tama ba? Balita ko, may balak daw yata ang DOLCE AND GABANNA na gumawa ng male perfume na ang scent ay Anghit (na talagang recreated yung smell from the smell of your seatmate's under arms) at ang itatawag yata dito ay PUTOK! (Pronounced: PYU-TAK!)

    ReplyDelete
  13. @cool canadian: unang una akala ko nakalimutan mo na ang kablogstugan, ikalawa welcome back ho ikatlo- ang humpy dumpy ay isang uri chichiria panahon ng 1990's. wala na daw yan. ung penge pang sahod ang alam kong pinagsahod nila e ung coke in can na walang laman.

    ReplyDelete
  14. Bakit kaya halos lahat ng peyldtrep ay may kasamang trip sa EK? Kahit mga peyldtrep mula probinsya, hindi mawawala sa itinerary ang EK... Kakuntsaba yata ng mga taga EK yung mga teacher namin.. hehehe...

    ReplyDelete
  15. gustong gusto ko ang field trip... lalo na't ako ang dahilan kung bakit may mga umuusal ng katagang..... "sheeeeeeet ayan naaaaaaaaaaaaah!"

    yaiy

    ReplyDelete
  16. ay naku, di man ako dumaan ng kinder kaya mejo dehado ako sa bilang ng field trips. inggit ko pa nun sa mga kaklase ko, pag field trip at napadpad na ng mall eh cassette tape lagi nila binibili. inggit na inggit na ako nun! haha

    ReplyDelete
  17. sidline ng mga guro ang fieldtrip shit na yun paps! may kabig sa bawat istudyante na makikijoyride sa walang kakwenta kwentang byahe.. ahehehe.

    huh? napapdalas yata ang pagpapaliwanag mo kay Tita Charo? haha. ayus na ayu!

    salamat nga pala sa Picture greeting Sir! isang bonggang bonggang aylayket! haha sana dumami pa ang tulad natin. Pogi na mabait pa!

    Kosa

    ReplyDelete
  18. @phrench:pampalubag loob sa mga estudyante siguro.

    ReplyDelete
  19. @zang: casette tape? hahaha. kelan pa ba yan. saka di lang naman kinder nag fifieldtrip

    ReplyDelete
  20. @kosa: salamat at nagustuhan mo parekoy.. oo nga dumadami problems ko kaya napapadalas ako kay ate charo

    ReplyDelete
  21. Naalala ko ang isang delicacy sa Dagupan... Tinatawag itong Pigar-pigarnatikman ko un nung minsang napad-pad ako sa lugar na yun... Karne ng baka un na hinaluan ng sibuyas at ilang spices...

    aw... sarap!

    ReplyDelete