Tuesday, May 25, 2010

KATANGAHAN

1. Nung caregiver ako sa isang matanda - baliktad kong isinuot sa kanya ang pustiso niya- yung pustiso sa baba nasa taas at pustiso niya sa taas nasa baba. Kaya pala iritable siyang kumain.

2. Inutusan ako bumili ng cheese sa merkuri drug - bumili ako ng tatlo dahil gagamitin sa pagluto- paguwi ko hinanap sa akin "naiwan ko ang cheese" samantalang cheese lang talaga ang pinapabili sa akin. Naulit pa iyon bumili naman ako ng pack ng mentos,iniwan ko rin.

3. Nung 3rd year Highschool ako e may kaklase kaming mga siga - tawag namin sa kanila ay F4 kase apat sila at astang F4 din sila. Kasabay kong naglalakad ang kaibigan kong babae na ay hawak na coke sa plastik. Nabunggo siya nang isa sa mga siga - basang basa ng coke ang kaibigan ko. Sabi niya dun sa siga "sorry"(nakayuko pa siya). Hindi naman nabasa yung siga at yung siga pa ang naka bangga sa kanya. Takang taka si siga.

4. Nung pumipirma ako ng contract sa isang company -sinagutan ko lahat ng tanong, sa pinakadulo ng form e may nakalagay na "Do not write anything here for management use only". Sinulatan ko ng "okay". Pinakita sa akin ng bisor ko yung sinulat ko nung nag start na ako mag trabaho sa kanila.

5. Nagmamadaling lumabas ang Tita ko dahil malalate na siya sa lunch appointment niya kasama ang mga kaibigan niya. Mga after 10 mins tumawag siya - "paki dala nga dito ang pustiso ko naiwan ko sa drawer"

6. Pinag luto ang kaklase ko ng kanin ng nanay niya. Pag uwi ng nanay niya napagalitan siya. "Hindi niya alam na nilalagyan pala ng tubig ang bigas para maluto".

7. Kumuha ang bebe ko ng tubig sa water dispenser sa isang restaurant - hindi niya alam kung paano isasara - ayun punong puno na baso niya sige parin ang agos ng tubig, nagbabaha na.

8. Bilang isang telemarketer dapat sweet sa client. Yung isang babae kong katrabaho - nag send ng picture sa lahat ng client niya na nilalandi niya para makabenta siya- nilagay niya sa cc saka sa baba nun. Sabay sabay niya sinend ang message at pic niya. "This is my picture - ikaw lang ang sinendan ko ng picture ko kase special at malakas ka sa akin". - Kinaumagahan nakarecieve siya ng email galing sa mga sinendan niya.

Ikaw share mo naman katangahan mo post a comment.:)

39 comments:

  1. proud to be at no. 6 spot! hahaha

    ReplyDelete
  2. AHHAHAHAA..
    at ngayon ko lang nalaman yung 6 na si diary_rui pala loool.

    #3 <-- naalala ko pa muka niya. at yung siga, tumwa lang tapos umalis, F4 na F4 :))

    ReplyDelete
  3. hahaha!

    Marami din akong ganitong moments! Kwento ko na lang next time.

    =)

    ReplyDelete
  4. Katangan moment

    nag haharutan kame sa seven eleven ng classmate ko 'nung first year college tapos na tabig ko ang apat na Tequila cuervo nabasag sila.

    Ang catch

    20 pesos lang ang pera ko nun...

    ReplyDelete
  5. nai-send ko ang isang confidential file ng company sa isang kaibigan na kapangalan ng boss ko. buti nalang at tanga rin siya at 'di naintindihan 'yung file!

    ReplyDelete
  6. @diary: hahaha umamin o

    @best: oo si diary rui nga yun. haha - kasama ka pala namin nun hahahaha si rio. natatawa ako.

    ReplyDelete
  7. @stone: sige sige abangan ko yan

    @jepoy: hahaha ano nangyari?

    ReplyDelete
  8. @nobenta: hahaha. may naalala ako sa na isend na yan

    ReplyDelete
  9. dapat pala naghuhugas ka ng kamay bago umihi, lalo na kung nasa gitna ka ng pagcha-chop ng siling labuyo....

    alam mo na!

    ReplyDelete
  10. katangahan moment?uhmmm...ano nga ba..minsang nagswimming kami naiwan ko yung pamalit kung undies..hehehe

    ReplyDelete
  11. ako ay dakilang tangengot din. 1 time baha sa labas ng inuupahan kong bahay. dahil baguhan ako, di ko kabisado ang daan. nagulat nalang ako... lahat ng tao nagsisigawan... ayun pala, manhole na ung tinapakan ko. buti nalang isang hita ko lang ung nasilat... ayown...

    ReplyDelete
  12. nang i-dunk mo ang kamay mo sa ulo ng terror teacher mo na bumubili sa tindahan kasi akala mo yung kakilala mong tambay sa kanto..

    oscars ka sa shock....

    ReplyDelete
  13. nakarelate nman ako ng bonggang bongga sa #2..haha..hanep din ako sa katangahan..at hyper ang memory gap ko.. :DD

    ReplyDelete
  14. @yj: ma anghang ba? ahaha

    @superjaid: haha may naa lala din ako

    ReplyDelete
  15. @bulakbolero: ikaw na pala ang sinisigawan na wag ka diyan dumaan. haha.

    @mjomesa: hahahahaha. malas

    ReplyDelete
  16. @macz: oks lang yan di ka nag iisa

    ReplyDelete
  17. i used to be a dj at nasa loob ako ng booth nun, naka-on board doing all the talking, plugging etc. only to realized na di pala nakaon ung mic! and worst ung statn mgr pa ang sumesenyas sa kin na walang lumalabas na feed!

    i really feel so stupid that time!...well, those were the days! :D

    ReplyDelete
  18. ay tanga ko talaga, bakit ko ba naikuwento dito eh sa'yo ko na-isend yun!

    ReplyDelete
  19. hahaha.
    ayoko ng ikwento.. baka madaig ang post paps..lols

    ang simpleng pagiging makakalimutin pala eh pangiging tanga rin? hahaha.. most of the time!

    ReplyDelete
  20. @vonfire: wahhh uyy pa autograph naman

    ReplyDelete
  21. isa sa worst na katangahan ko na elated pa rin sa #2 eh ang pagiging makakalimutin ko sa mga dates..pati yung mga special..like bdays, monthsary, anniv..hahaha.. :p

    ReplyDelete
  22. 1st day q sa work, d q bnsa un nklgay sa taas ng elevator, express lane pl un..wahh!npunta q sa 27th floor, e 15th lng aq..ngstairs nlng aq pblik..ignorante much lng noh?!

    lesson learned!matuto mgbasa..hehe!

    ReplyDelete
  23. katangahan moment? ahh. sumakay ako ng sky train, pagbaba ko sumigaw ako ng "thank you." pinagtinginan ako ng mga tao. tsaka ko lang naalala na sky train pala sinakyan ko...hindi bus.wahahaha:)))

    ReplyDelete
  24. @nobenta: teka muna di ako maka relate

    @kosa: naman!

    ReplyDelete
  25. @macs: k lang yan

    @lhay: wala bang pababa ang elevator? ah oo mukhang ala nga ung katabing elevator nun un ung may pang 15th floor. lols para dun din ako nag work haahah

    ReplyDelete
  26. @batangala:bat di pwede mag thank u?

    ReplyDelete
  27. correct!wl nga 15th dun, s kbila un may 15th..haha!bka nga nkakasabay na kita sa elevator..=)

    ReplyDelete
  28. @lhay: teka teka sa makati ba ito? sa burgundy tower ba ito? ahahaha

    ReplyDelete
  29. oo nga... para kang sinisigawan ka ng dagang kano ng "tanga" kc ang bagal nila di mo pa mahabol....teka, anong topic ba 'to?

    HAHAHA!

    ReplyDelete
  30. @donato: hahahaha ako na tanga! hahahahaha nice one

    ReplyDelete
  31. Magcontribute din ako ng katangahan. Sumakay ako ng MRT sa Ayala papuntang Shaw, nagmamdali ako kasi may job interview pa ako. Nagulat ako nang makita ko nasa Taft na ako.

    ReplyDelete
  32. @glentot: lumampas ka ba? haha di ako sanay sa mrt

    ReplyDelete
  33. eto sakin:

    from buendia, sakay sana ng jip to mrt ayala pero mrt guadalupe ang nasakyan ko, bobo amputa. Kaya nagMRT ako pabalik sa MRT Ayala. Takte, Bumaba ako sa MRT Buendia. Kaya umikot lang ako para kumuha ulit ng kard at sumakay uli papuntang MRT Ayala. Magaling magaling. Anlaki ng gastos ko.
    From 7pesos, naging 30+ ata.

    ReplyDelete
  34. ay hindi, ortigas lng aq e..haha!

    ReplyDelete
  35. @lababo: hahahaha. . . dami pala nabibiktima ng MRT na yan

    @lhay: aw. haha/ mali

    ReplyDelete
  36. mgkita nlng tau sa mata..hehe!

    ReplyDelete
  37. naawa naman ako sa bebe mo kakahiya yung nag-gu-gush na tubig haha at tsaka yung bigas? susmaryosep! di nga?! panalo ang OK mo sa form. ako? perpekto ako. joke.

    ReplyDelete
  38. @the reviewer: di po nakakahiya yun, para sa akin ang imperfection niya ang minamahal ko sa kanya. ang kyut kyut kyut niya pag ganun. :)

    ReplyDelete