Parati kami nagkikita sa kusina, nakakasabay ko siya tuwing pumupudtrip ako ng pagkain sa fridge, pumupudtrip din ata. Lumalabas lang daw ang mga ito pag summer, dumarating na ang summer dine- lumalabas na sila. Sila ay tinatawag na Possum-mukha silang daga pero maputi ang mukha. Nagkatitigan na kami ng maraming beses mata sa mata- na kukyutan ako sa kanila at ganun din naman sila sa akin.
Iba siya sa mga daga sa Pilipinas ang daga sa atin pag naka kita ng tao- mabilis ang takbo. Ito naman mabagal ang takbo - parang nang aasar pa "o habulin mo ako habulin mo ako, tatanga tanga talaga kayo mabagal na nga ako di niyo pa ako mahuli huli".
Kanina nang magkita ulit kami e sinubukan kong hulihin kase pinaglinis niya ako ng tae niya sa lababo. Lasing ata tong amerikanong dagang ito ng makaramdam ng tawag ng kalikasan- akala niya e nasa toilet na siya- lababo yun pre lababo.
Pagbukas ko ng ilaw sa kusina nagkita na naman kami- alam ko iisa lang pakay namin sa kusina- pagkain. Naalala kong pinag linis niya ako ng tae sa lababo kaya naisipan ko siyang hulihin. Dahil sa napatingin din siya sa akin- dahan dahan na siyang naglakad pabalik sa lungga niya - mabagal lang takbo niya. May nakita akong stick- iniistik ko siya ng iniistik hanggang sa napunta siya sa isang kanto walang siyang matakbuhan. Napatawa ako "Bwahahahaha! Huli ka!"- syit pano to kakamayin ko ba- di ko kaya. Kaya sabi ko "Teka lang ha kukuha ako pang huli diyan ka lang- hantayin mo ako". Pag alis ko e nag lakad siya pakonti konti - hanggang sa nakarating sa ilalim ng ref. Ayun natakasan niya ako.
Ang bobo ko kase nakalimutan ko di pala nakaka intindi ng tagalog yun sana ang sabi ko "Hold on, I'll go get something that I can use to catch you, wait for me". Kaya ayun I learned my lesson - prepared na ako lahat ng pang huli e nasa kusina na at kabasido ko na rin ang english na sasabihin ko sa kanya
Hanggang sa muli naming pagtutuos.
sosy in all aspect! =D
ReplyDeletebase b q???hehe!
Kung ikaw daga ang problema mo, ako ipis naman! At nakikipag leps to leps sya sa akin kagabi, kaya humanda ang mga hinayupak na mga ipis na yan! Uubusin ko ang lahi nila, bwisit na yan!
ReplyDeletehahaha..
ReplyDeletenagpapa-cute lang yan sayo.
hehe..
miss ko na video mo.
lagay ka pa sa blog mo.
weeeeeooowww
@lhay: yes base mo po...sulat ka din ng blog mo
ReplyDelete@drake: mas marami rami ang ipis. hahaha. batalyon yan
@mjomesa: nakaka diri kase sila lakad ng lakad sa lababo e dun ako nagluluto e. makakagawa din ako vid padating ng panahon hehe
ReplyDeletehahahaha... ganun pala anghitsura ng possum... nakakatakot parang si joker lang.hahaha
ReplyDeletewaaahhh....bakit puro peste yata ang entry sa mga paborito kong blogs? dito ay pesteng daga. kay drake ay pesteng ipis. at kay glentot naman ay pesteng blogger!
ReplyDeleteganyan pala ang itsura nila. ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng "possum kingdom" na kanta ng toadies.
haha, ang cute nung daga. mestiso! nyahay
ReplyDelete@taympers: welcome sa kbt, di namn kakatakot ah cute nga e
ReplyDelete@nobenta: ganun ba. hindi ko alam na nagkasabay sabay kami sa peste. minsan naman nagkakasabay sabay sa tae
@keso: uu mistiso
ReplyDeletehahaha,cute..
ReplyDelete@karen: thank you..ako ba un
ReplyDeletebuti pa dyan, mabagal ang daga, dito, bubwit.... ambilis, parang mga ninja lang.
ReplyDelete@khanta: atleast walang guilt factor pag di mo siya nahuli kasi mabilis dito mabagal na di ko pa mahuli huli haaha
ReplyDeletetom, ikaw ba yan? hehehe.. nai-imagine ko yung habulan scene nyo ng daga habang tumutugtog ang orchestra ni beethoven. hahaha. sana ganyan din kaku-kyut lahat ng daga sa pinas para imbes na kamuhian eh bka gawin pang pet..hehe
ReplyDeletenapadaan lng..
@donato: hahaha. salamat sa pag comment parekoy. appreciate itt
ReplyDeleteHaha ingleserong daga yun ah
ReplyDelete@glentot: siempre
ReplyDeletemainlab ka sa dagang yan ha! hmmmmmmf
ReplyDelete@yj: lols para san ang hmmfff
ReplyDeletehahaha ang kyut pero katakot magno2se bleed ka pala jan ei..sa susunod paghandaan mo na, ready mo na din ung sasabhin mo para hindi na xa makawala.. lolz!
ReplyDeletepapz..miss na kita..
ReplyDeleteewan ko baket..
wahahaa
@budz: yun nga sinabi ko sa blog lols. welcome back po sa bkt
ReplyDelete@mjomesa: lols kulang lang sa tulog yan
ReplyDeletepanu nakarating sa kusina nyo ung possum? haha! takot ako dyan eh..higante kasi. LOL!
ReplyDelete