Thursday, July 23, 2009

TIGAS NIYO!


Nag iinit ang mga ulo ko sa mga bumababoy kay PGMA. Wala siguro silang respeto sa sarili nila kaya ang ibang tao hindi na rin nila ni rerespeto ang malupit dun Presidente pa ang ginaganun nila. Nung nakaraang araw nanonood ako ng balita may grupo ng mga baliw na gumawa ng sariling SONA at may nag panggap na PGMA. Nag timpi lang ako noon sabi ko sa sarili ko okay lang kanya kanya tayo ng pananaw. Pero kagabi may napanood akong baboy (Juanna Change) na nag iinarte sa telebisyon , gagawa daw sila ng dramatization na kung saan ipaparada nila si PGMA na nakatali sa taong bayan habang binabato bato ng kamatis at lupa at pag dating daw sa ending ay ikukulong si PGMA. WTF?

Wala nang magaling na presidente sa kanila. Pustahan tayo kahit sinong presidente ang ma-upo may ipipintas at ipipintas pa rin sila. Gumastos pa sila para sa mga walang ka kwenta kwentang bagay, pa sona sona pa ang mga pota, eh kung nag walis sila ng kalsada e di nakatulong pa sila sa bansang Pilipinas.

Pasensiya na pero mga pakingsyet talaga ang tingin ko sa kanila. Wala akong masiyadong paki-alam sa pulitika sa totoo lang kase nadudumihan ako sa pulitika, pero bilang isang simpleng mamamayang pilipino, ako mismo ang mag babago sa sarili ko at sa pamilya ko para sa ikauunlad ng ating pamumuhay. Hindi ko kaya baguhin ang Pilipinas pero kung ang bawat isa ay magtutulong tulong mababawasan ang problema ng bansang Pilipinas.

Kung marami man ang nagawang hindi maganda ng Pangulo sana makita rin nila kahit papaano na marami rin ang nagawang kabutihan ng ating Pangulo. Iyan ang hirap sa atin ang naaalala natin sa isang tao ay ang kanyang mga kabahuan pero ang kabutihan ng isang tao ibinabasura natin! Ang titigas niyo mga mamamayang reklamador. Patigasan tayo.

ps: dagdag ko lang. may mga sira ulong pilipino na naman sa u.s habang nag uusap si PGMA at OBAMA mag rally ba naman sa harap ng whitehouse. Wala na silang kahihiyan. HANUBANAMANYAN. Hindi na lang sila mag proud. ampupu niyo talaga

45 comments:

  1. haaay nako yan din ang kinaiinisan ko sa skul namin sa PUP, puro rally puro rally. Panu nga naman sila tutulungan ni arroyo kung panay ang lait nila sa kanya? Dati ayaw nila kay Cory, ayaw nila kay Fidel, ayaw nila kay Erap pati kay Gloria ayaw nila, pati ung University prof namin ayaw din nila puro pambababoy parang ang liliit ng kokote. eh sinong gusto nila? mga nanay nila. haay badtrip. Takteng Junna Change yan perpekto ka te?

    ayan nobela tuloy comment ko. paxenxa na. hehe

    ReplyDelete
  2. university president pala hindi "university prof"

    ReplyDelete
  3. Yan ang pilipino. Diko nilalahat pero halos may naiipipintas sa mga nanunungkulan ntin, kaso di nila nakikita ang sarili nilang katawan at katauhan kung perpekto sila. Di nman db, mas maganda kung yun ang gagawin ntin ang mamintas. Mas mabuti pang maging ehemplo para magbago at tumulong para sa ikauunlad ng ating bansa.

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

    ReplyDelete
  4. I voted for PGMA over FPJ in the 2004 elections. Pero I think apparent naman yung rason sa pambabatikos ng ilang activists group dahil lantad naman ang ilang katiwalian sa administrasyon ni PGMA. Agree ako sa ilang mga pinaglalaban nila pero hindi mawawala na may mga out-of-the line na. Unang-una it's PGMA's second time na nanunungkulan na bilang presidente, and up to now hindi pa din mawala ang corruption. I admire PGMA's work ethic and hindi naman maikakailang may mga nagawa syang maganda sa bansa at nagkaroon ng improvement ang economy. Kaso kung kaalinsabay ng pagimprove ng economy ang patuloy na corruption wala ding kwenta.

    At maidagdag ko lang, everyone's up to take the power kasi. Lahat gusto maging presidente, kaya nagdagsaan na lahat ng bumabatikos kahit na maliit na bagay nasisilip at napapalaki. Maybe it's not about changing the way the government works, but I think the change should start in all of us. Maging matalino sana tayo sa pagboto ng dapat na mamuno sa atin. At isa pa, hindi naman sa lahat ng pagkakataon nasa kapitan ng barko ang sisi diba.

    ReplyDelete
  5. ganun lang talaga ang buhay...buhay pulitiko. ngayon naman, paramihan ng ads.

    ReplyDelete
  6. image lang pala yun kala ko video,haha pina-play ko.

    kanya-kanyang paraan lang yan para mapansin sa mga ipinaglalaban at inirereklamo. pero sabi nga nila hindi naman lahat dapat dinadaan sa kalye, kaya ang IBA tuloy sa mga kbabayan natin nagiging ugaling kalye na rin.

    sa tingin ng ibang grupo binaboy sila, tayo, ni GMA,kaya gumaganti sila ng pambababoy sa ibang paraan,

    malawak kasi ang pulitika,mahirap magkomento.

    ReplyDelete
  7. Hindi kataka-taka ang mga bagay na ganito. Filipinos are well-known for their DIVISIVENESS. Walang pagkakaisa. Kami-kami, sila-sila, tayu-tayo.

    Karamihan gustong maging bida. Puro lead roles ang gustong gampanan, wala na tuloy gustong maging supporting role or EXTRA kaya. Hindi naman puwedeng ang lahat ay BIDA.

    Kung dadalawin natin ang history ng bansa, may mga halimbawa tayong mapupulot kung ano talaga ang mentality ng karamihan sa pinoys. Noong second world war, pinapatay ng mga hinayupaks na mga sakang ang mga pilipino, left and right. Kung bakit ang ibang pinoy ay nagawa pang KUMAMPI sa mga pakingshit na mga sakang. O, di ba, may mga tinatawag sila noong MAKAPILI? Nakatago ang mukha sa bayong at itinuturo ang mga gerilya? Kung minsan, hindi naman gerilya, itinuturo dahil galit siya doon sa tao, at natural, pugot-ulo ng hapon yung itinuro. Di ba't iyan ay isang KAIMBIHAN, KADAYUKDUKAN, KAHAYUKAN sa kapangyarihan?

    PAGKAKAISA ang wala sa mga Pilipino, kaya tuloy nagkaka-leche-leche (ay, gatas nga pala ito) ang buhay ng masang Pinoy.

    Sige, Pablong pabling: Pagsusukluban mo nga ng mga mangku-mangkong KETCHUP SPAGHETTI ang mga hinayupaks na iyan. Tingnan ko lang kung hindi mamula ang kanilang mga pagmumukha (hindi dahil sa ketsap, kundi dahil sa kahihiyan).

    Atta boy! Go for it!
    :)

    ReplyDelete
  8. sorry ka! maraming galit kay PGMA! ;-]

    -Gloria Oust!

    ReplyDelete
  9. @elay: ilabas mo lang ang sama ng loob mo ayos lang yan. exactly ayaw nila sa lahat ng uupo

    @solo: exakto.buti may kakampi na ako dine kahet pano

    @homer: salamat sa pag komento. napakaganda ng sinabi mo parekoy. change should start in all of us tama!

    @ming: di ko boboto yang mga nag aads na yan

    ReplyDelete
  10. @hari ng sablay: oo nga eh dapat di ko na pinost toh. hahaha wala kase akong makitang pic niya kaya capture ko na lang sa pinoychannel tv haha

    @coolcanadian: niyahahay!! salamat sa komentong parang history hahahaha. nako mag isa lang ata ako sa labang ito marami sila tulad ni xavier haha

    @xavier: ang puso mo sir

    ReplyDelete
  11. tama ka Pabs! ang nakikita ang mali. ang daming tsismoso at pakialamero. kaya nga ako di na ako nanonood ng TV. puro showbiz at pulitika nlang kasi

    ReplyDelete
  12. Naniniwala po ako sa sinabi ni homer. Maraming kababayan naitn ang umasa kay ginang arroyo buhat nang palitan niya sa erap sa pwesto.Maraming umasMalamang sa malamang may mga programa si Arroyo na ipinatupad at sa tingin ng iba ay maganda. Ngunit lingid sa kaalaman din ng nakararami, maraming loopholes sa mga programang iyon. Bigyan kita ng halimbawa. Isa sa mga programa niya ang "Botika ng Bayan ni Gloria". Layon nitong mabigyan ng access ang "mas nangangailangan" sa mga murang gamot gaya ng mga nasa malalayong lugar (lalo na sa Mindanao region). Ipinagmalaki ni Arroyo noon ang "tagumpay" ng programa niyang iyon kung saan binanggit niya pang “Kalat sa buong Pilipinas ang BnB…Ang masa ang pangunahing nakikinabang dito sa mas murang gamot na ipinagbibili (The BnB program is scattered throughout the country. The poor are main beneficiaries of the cheap drugs being sold).”

    as cited in http://www.verafiles.org/index.php/focus/212-botika-ng-barangay-not-in-poorest-places

    Ang ibinigay ko pong link ay base sa thesis na isinagawa ng aking 2 kaeskwela.

    Ang nangyayari kasi, nama-mask yung mga bagay at hindi talaga naipapakita o naihahatid sa publiko ang totoo. Magaling magsinungaling si GMA.

    Hindi po ako nakikipag-argue sa inyo. Nais ko lang ipaliwanag ang aking saloobin/ opinyon kung bakit sa tingin ko ganoon sila (juanna change) umasta laban kay Gloria.

    Sana you won't take it too personally. I am just sharing what I know.

    ReplyDelete
  13. *may typo po sa taas. Mejo nabura ang ilang salita.

    ReplyDelete
  14. Parang Lumalabas ang mga tutuli ko sa tenga dahil gustong tumalsik ng dugo dahil sa usaping ito sa entry mo. Pero dahil kelangan meron akong masabi.

    Una sa lahat ang lahat ng Mamamayan ay entitled sa kanilang Opinion ang kaso nga lang tulad ng sinabi ni Atty Homer medyo nawawala na sa border yung iba or 'di naman kaya sobrang redikal na ung iba. Ako ay Hindi Pro GMA masasabi ko ito ng harapan, dahil Si Bro. Eddie Villanueva ang binoto ko noon election dati.

    Dahil ito sa kabikabilaang koruption sa kanyang administration. Ang pakikiisa sa mga Rally dati ko naring ginagawa pero ipahayag ang aking pakikibaka tulad nalang noong edsa dos at kaya kong gawin ito muli para ikabubuti ng ating bansa. Kanya kanya nga lang talaga pero ang pakikiisa sa mga kilosan ay merong border line sa mag kaparehong panig, dapat respetuhan lang at walang personalan or below the belt.

    Bow! ang dami kong sinabi hindi ko naman ito blogsite ahahahah

    ReplyDelete
  15. @zang: oo nga panay showbiz at politics. eh ano naman kaya irereport nila ahaha

    @sweetham: wag ka po mag alala hindi ko po ito pinepersonal kanya kanya tayo ay may sariling pananaw sa buhay buhay. :) ang akin lang wala nang naging matino sa kanila. :)

    @glentot: yes na yes

    @jepoy: si bro eddie asus JIL ka. haha. lols. wag ka mag alala mas mahaba pa ang sinabi ng iba diyan. hahaha. . . tama kanya kanya ng pananaw respetuhan lang.

    ReplyDelete
  16. @ Paps, Oo JIL ako baket mo ko tinatawanan?!!! Suntukan nalang oh! Hmp! ahaha

    ReplyDelete
  17. Ang OA ng drama na yan na may kamatis pa.Sa totoo lang hindi na umeepekto ang pag-rarally nila sa kalsada. sayang na nga ang boses nila, nagkakalat pa.

    ReplyDelete
  18. @jepoy: hindi kase halata hahahaha. loko lang sir borng again ka din pala

    @avegirl: korek ang kalat nila mag walis na lang sila

    ReplyDelete
  19. hinay-hinay paps, kalma lang! :) hehe.. ganyan talaga ang tao. :)

    ReplyDelete
  20. Hindi ka naman siguro maka GMA nyan!hahaha! We have "freedom of expression" ika nga! Alam mo kung hindi dahil sa mga militanteng yan, eh malamang normal na lang ang kurakutan. Okay din ang ganyan para mabalanse ang mundo.
    Pero pareho naman tayo ng sentimyento, basahin mo ito palagay ko tutumpak sa mga sinasabi mo:

    http://utaknidrake.blogspot.com/2009/05/nasa-atin-ito-ang-irony-ng-buhay-ng.html

    Ingat
    Drake

    ReplyDelete
  21. tingin ko hangga't ang popularidad ng kandidato ang nagiging basehan ng iba sa pagboto, walang mangyayari...

    'di maaayos yung gobyerno kung puro trapo ang nasa pwesto.

    ReplyDelete
  22. trapo?
    tayo rin naman ang nagbigay ng bansag na iyan sa mga pulitiko
    bakit natin sila idinidiin sa lahat?
    ipagpalagay na natin na kurakot nga sila, pinoy ka at parte ka rin ng bansang ito na pilipinas na "kuno" ay minamahal mo, nagawa mo na ba ang parte mo bilang kabilang sa bansang ito? naging disiplinado ka ba? naiisip ko minsan paps dapat siguro lahat maranasan nating minsan maging pinuno ng bansa, aba, mahirap din na paunlarin ito "kaagad agad" na pilit na hinihingi ng iilan na mga tao na dinadaan sa pasigaw sigaw at pakutya kutya dyan, agarang kaunlaran ba ang hinihingi nyo? pagtulungan tayo, ang presidente ang kumukilos, ang iilan ang kumikilos, mabigo ang presidente, sisi ang lahat sa kanya, nakukuha ba? hindi sa pagmamalinis, nasa mga pinoy narin ang ikauunlad, maraming salik ang dapat pagtuunan ng pansin at paunlarin, tama na ang sisihan, pasahan ng kasalanan, pwede ba hindi na tayo mga bata para magsiraan

    napadaan lang paps :)

    ReplyDelete
  23. haha same here
    lalo na pag nag vavandal sila
    sakiT lang sa mata

    Tama kahiT sinong presidenTe
    hahanapan nila ng kamalian

    kala nila laging
    people power


    ay ewan

    ReplyDelete
  24. ay ewan sa mga walang magawang taong yan.. Imbes na makatulog eh kung ano-ano pang pinaggagagwa nila.. Kahit siguro sila ang maging presidente, wala pa ring mangyayari.. baka lalo pang lumala ang sitwasyon ng Pilipinas..

    ReplyDelete
  25. @kox: nag titimpa pa ako sa lagay na ito kox. :)

    @drake: hindi naman sa pro gma ako or anti gma naiinis lang ako sa mga taong wala nang ginawa kundi mag hanap ng pag kakamali ng iba

    @raye: tama ka diyan

    @anthony: hay salamat may ka kosa na ako sa pananaw kong ito. . napadaan ka lang niyan sa haba ng sinabi mo ano ahaha

    ReplyDelete
  26. @jancaholic: ay oo nag dudumi sila? hindi ko naman naba;itaan yang vandal na iyan. nakaka badtrip

    @soonyo: thumbs up. tumpak!

    ReplyDelete
  27. PRO GMA u?? hihihi

    pero agree talaga ako.. kahit sino pa yang maging presidente natin may manlalait at manlalait pa rin sa kanila. daming kwentong blah blah blah.. hay naku..

    ReplyDelete
  28. @madame k: hindi naman dahil sa pro gma ako, at hindi rin ako anti. :)

    ReplyDelete
  29. kakasawa na yung bengga ng bengga sa kung sinong nakaupo sa pagkapresidente. di rin ako PRO, di rin anti, nakakainis lang yung mga imbis makatulong, nakakadagdag pa ng gulo. magisip sila ng mas productive na paraan.

    ReplyDelete
  30. para sa mga taong lagi na lang nagra-rally, iyon malamang ang nalalaman nilang paraan para tumulong sa pababago sa bayan, hindi lamang yung mag-internet, mag mall o manuod ng TV.

    di man tayo sang ayaon sa kanila, o sang-ayon man tayo, mas gugustuhin ko na iyon kesa naman walang boses ang taong bayan gaya sa ibang bansa gaya ng china, iran at north korea.

    ReplyDelete
  31. @pink note: lols bengga ng bengga. naks sleng

    @usapang lalaki: may punto ka rin naman. :) pero wag lang sa paraang below the belt at pambabastos. maari namang daanin sa matinong usapan, usapang lalaki lang lolols

    ReplyDelete
  32. wow first pro-gma na nabasa ko to hehe!

    ReplyDelete
  33. @Paps Question lang out of topic, Born Again karin ba?!

    ReplyDelete
  34. @mac callister: hahaha. at least di na zero lols

    @jepoy: yes sir.

    ReplyDelete
  35. mababa na kasi kaledad ng ilang pinoy. kita mo mahilig silang manuod ng the buzz tska startok. ayan, puro chismis laman ng utak. pati mga ibang politician, para daw maka-relate, nakikichismis na rin. buti na lang may mga sundalo, este, pilipinong tulad mo mabuhay ka! check mo tsong ung post ko about lei alviz and nadia natividad ng 2 and 7... ah tska ung post ko nung nagpromote si kris ng CD nya sa tabi ng ataul ni douglas quijano.

    ReplyDelete
  36. tska btw, pinsan ko NPA nagpapabayad pati anak P500 noon pag nag rally, 1k ang mga anak pag humiga sa kalsada. kakahiya kasi may mga so-called advocacy groups na kunyari di komunista nasa gubyerno na pero nagrereklamo as if di sila part ng government. eh ano sila, muchaha? aysuuus. kaya naman ang ibang pinoy binababad ang mga mata tayong dalawa at rosalinda para di makita ang progreso ng ibang matitinong politiko. pagkatapos manuod, chismisan na naman...

    ReplyDelete
  37. @phil guide: ganun may bayad pala diyan.

    ReplyDelete
  38. Gets ko ang punto mo.
    Gara.. ako din naiinis kapag may nakikitang isang malaking maskot na kamukha ni gloria habang pinaparada sa kalsada..
    hindi atin kailangan ng diploma para matutunan ang salitang RESPETO.
    wala naman talagang presidente na makakaupo sa pwesto nang walang babatikos dahil mraming sisira at mamimintas pilit. MAlI na nga kung MALI.pero diba walang kwenta naman 'yung ginagawa nila.

    Sa mga taong nagsasabing BULOK ang sistema sa PINAS, ibig sabihin bulok din tayo dahil parte tayo ng sistema. unahin muna natin plantsahin ang sariling damit bago ang damit ng iba.

    ReplyDelete
  39. @Paps Hindi rin halata :-P ahahaha

    ReplyDelete
  40. @keko: ganda ng sinabi mo, damit mo muna bago damit ng iba. :)

    @jepoy: hahahaha.

    ReplyDelete
  41. Can't agree more with this post. No one seems to be good enough for everybody. Dati si Erap, lahat galit na galit, at na ulit pa ang People Power. Ngayon, kay Gloria sila galit, at ang dami ng naki ride na pulitiko. Nagiinarte ngayon si Erap, eh kung hindi dahil kay GMA, nakakulung pa sya. Just shows that many Filipinos still can't learn from mistakes in the past.

    ReplyDelete
  42. Kung lahat ng tao katulad mo mag isip malamang balik nanaman tayo sa Martial law... hay... mga mayayaman talaga... Kita mo naman na harapan na tayong ginagago ni arroyo db? mag isip ka tol... idol mo Radioactive sago project db??? isa sila sa bumabatikos kay arroyo... "Ang presidente naten hindi baboy kundi biik.." hay talaga... Peace...

    ReplyDelete