Monday, July 20, 2009

SAUCE-SYAL!


Sa sobrang gutom at pag mamadali para hindi ma late kumain ako ng Baked Macaroni sa isang karinderya malapit sa aming paaralan. Malakas ang hangin ng panahong iyon, muntik muntikan na akong maluha-luha sa awa sapagkat parang pinagkaitan ang makaroning iyon ng sauce kung baga mag karoon lang ng kulay ang makaroni eh talo talo na. Sa halagang sampung piso ba naman mag rereklamo pa ako. Ayun naubos ko rin ang makaroni.

Naalala ko tuloy ang binibentang spaghetti sa school canteen nung high school ako. Minsang bumili ako ng spaghetti tinanong ko ang tindera kung spaghetti ba ito kase ang putla at parang carbonara, ispageti naman daw iyon. Kinuha niya ang hawak kong spaghetti at inilabas ang UFC ketchup, binuhusan niya ng ketchup ang walang kamuwang muwang kong spaghetti. Tinanong niya ako kung okay na ba. Hindi ako sumagot. Nakita ng dalawa kong mata ang paglagay niya ng ketchup. Natulala ako sa kanyang ginawa. Walang ako nagawa kundi iwan sa harap niya ang binili kong spaghetti. Sa tinagal tagal kong bumibili ng spaghetti doon tuwing breaktime hindi ko lubusang maisip na ketchup lang pala ang nilalagay nila sa pasta. Hindi na ako muling bumili ng spaghetti sa canteen na iyon, pati ang mga barkada ko nalaman ang malagim na pangyayaring iyon.

30 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. una ko. hahaha :))

    ReplyDelete
  3. haha.. grabe naman un, kadiri. haha.. sana tinapon mu sa tindera, jowk. hahaha.. fave ko ung baked mac, pero ayoko ng pinag kaitan ng sauce. saucey ako. hahaha.. :D

    ReplyDelete
  4. lahat naman ata ng spaghetti na benta sa mga turu-turo gawa sa kethcup...

    ReplyDelete
  5. Yang ispageting namumutla, ay bagay na bagay sa orange juice na may anemia (yun tipong hindi na sya orange, yellow juice na sya sa putla)at Egg sandwich na walang egg ( kailan pa naging sanwich ang dalawang tasty bread na pinagdikit at nilagay sa supot?)


    hehehe

    Ingat

    ReplyDelete
  6. LOL. Sa tingin k mas ok na yung may ketchup kesa sa wala. Sa tinatagal-tagal ng pagbili mo ng spaghetti sa canteen na yun, hindi mo rin napapansin na hindi pala maganda ang lasa. Kasi bumili ka ulit dun. Kumbaga, hindi halatang ketchup lang pala yun. Hahaha! Pero oo nga naman, hindi worth ang pera mo kung ganun lang.

    ReplyDelete
  7. hahaha ako sanay na ako sa mga ganyan..pinagtyatyagaan ko nalang lalo na kapag gutom ako at walang kwarta..

    ReplyDelete
  8. HAHAHA! Pareho ba tayo ng skwelahan. Yung spaghetti din sa canteen namin nung HS, sobrang pula kaya obyus na ketchup lang yon. Pero hahayup din naman kasi ng mga nasa canteen, ketchup na nga, UFC pa. hindi man lang Del Monte.

    ReplyDelete
  9. haha natawa ako sayo,sampung piso nalang nga naman rereklamo kapa,haha

    ReplyDelete
  10. @kox: dapat ma awardan ka na, ikaw ang laging una dito. maraming salamat. ahahaha gusto mo ba matikman ang baked mac ko? madami itong sauce. :)

    @gillboard: ewwwwww! hahaha

    @drake: hahahaha. parang tipid na bertday party yata ang tinutukoy mo ha

    @sweetham: oo hindi ko talaga pansin hahahaha. kala ko totoo yung sauce UFC ketchup pala ahaha

    ReplyDelete
  11. @superjaid: hahaha. tama. pag alang kwarta mag ispaghetti with ketchup tayo!

    @nerd: eww ang asim kaya ng delmonte na ketchup. hahaha kulang na lang french fries. hahahahaha salamat sa pag daan parekoy

    @tambay: kaya nga di ako nag reklamo sa binilhan ko ng macarnoni dine na lang sa blog ang reklamo hahahaha

    ReplyDelete
  12. Pabling:

    You should taste my vegetarian spaghetti. In the sauce, I put:

    • mushrooms (3 kinds: straw, shitake & buttons)
    • tomato paste
    • tomato sauce
    • crushed tomatoes
    • sundried tomatoes
    • fresh sweet basil
    • Italian oregano
    • artichokes
    • capers
    • some black peppers
    • red sweet peppers
    • bay leaf
    • 3 kinds of whole wheat pastas: made with tomato (brownish-red); made of spinach (green) and plain (yellow).

    Very healthy and very delicious.

    No ketchup, no deadly meat.

    Hindi bale, bumawi ka na lang pagpunta mo rito sa north America. Iba't-ibang klaseng sauce ang narito.

    Wala nga lang ketchup. Ma-mi-miss mo na yung ketchup spaghetti pagdating ng araw at gugunitain mo ang natikman mo diyan sa tapat ng iyong school.

    :)

    ReplyDelete
  13. @cool canadian: ang cool cool mo talaga ... wowow may recipe pa. :) haha. kaya kakain na ako ng ketchup spaghetti dito para di ko ma miss haha

    ReplyDelete
  14. sa birthday mo ako mismo gagawa ng spaghetti para sayo. LOL! mas masarap spaghetti ko kesa sa karinderya na binibilhan mo... hahaha!

    ReplyDelete
  15. Ako gusto ko ng spag na walang sauce basta may cheese steady na ko dun...

    Natawa ako sa pix lol

    ReplyDelete
  16. @chikletz: pramis mo yan ha.... ashoo ashooo parang nung nabasa ko lang sa post mo dati nag luto ka ng spaghetti... pero sabi mos a whatever 10 di ka marunong magluto. haha. hmmm ano kaya lasa ng spag mo. :)

    @jepoy: lols. hindi spag un. pasta with cheese lang. lolz.

    ReplyDelete
  17. parang ganun din yun akin, kaso goto naman yun, dapat walang laman yung order ko, ang ginawa nung tindera sinandok sa mangkok ko taz binalik sa kaldero, hinalo pa eh nalagyan ko na ng paminta yun ahehe sayang daw, aw!!

    ReplyDelete
  18. @anthony: ka damot naman ng tinderang yun haha

    ReplyDelete
  19. I feel you! Yung spaghetti na binebenta ng neighbour namin noon puro ketchup lang din ang nilalagay kaya lasang ketchup. lol

    ReplyDelete
  20. @mcboy: hahaha tapos bili naman tayo ng bili. wahahay

    ReplyDelete
  21. kadiri naman un ketchup spag, ganyanan naman pag mga high school canteens eh halos walang pakealam sa pagkain. Nung HS ako nag canteener ako ang dugyut nila manang tindera eewness.

    ReplyDelete
  22. Yung mga nagbebenta kasi basta-basta nalang , bahala ng walang lasa o lasang ketsup basta makatipid sila at kumita ng malaki.wala ng pakialam sa lasa basta bilhin nang customer dahil mura. mamimiz mo tlaga yan pag umalis kana ng pinas..hehe

    ReplyDelete
  23. kumusta naman ang spaghetting lasang ketchup? hehehe. uso yan sa mga karinderya at mga tindahan sa tabi-tabi.

    kalunos-lunos naman ang nangyari sa iyon. bakit naman niya binuhusan ng ketchup ang pagkain mo? kung ako yun, sinapak ko na siya. heheheh. =D

    dumaan at nakikibalita. =D

    ReplyDelete
  24. Kaya nga mas mabuti pang bumili ng isang Cream-O at uminom ng 2 pisong ice water. Tapos hahaha, atleast di namumutla at di pinagkaitan ng sangkap.hahaha Ayush! ;D

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

    ReplyDelete
  25. @elay: aw. baka isa ka sa taga gawa ng spag. makabenta lang kayo eh hahaha

    @pink: edi magluluto din ako ng spag na kechup lang gagamitin ko tas papatikim ko sa mga kano

    @rcyan: hindi ko kaya manapak ng tindera. binastos ko lang siya sa pamamagitan ng pag iwan ng spag haha. salamat sa pag daan

    @solo: hahaha. tubig ang putla kaya nun. haha

    ReplyDelete
  26. Natawa naman ako dito. ganyang-ganyan din ang mga pagkain sa canteen namin nung HS. kaso bihira ako makakain kasi alang budget. hanggang goto lang kaya ng bulsa ko...

    ReplyDelete
  27. Spa-ketsup. hahaha!

    ReplyDelete
  28. Ay oo naman, may mga karaniwang tao ring kurap, este, corrupt. biruin mo namang spa-kechup nga yan. anyway, ako nung college, first time kong nakakita ng sinigang na corned beef. Or corned beef na may sabaw. eh tanga, ayun inorder ko pa rin, kasi lagi akong may baon, napasubo sa mga classmates na pumunta dun. a day after typhoid. di na ko umulit sa mga turo turo.

    ReplyDelete
  29. @phil guide: never pa naman ako nakakita ng sinigang na corned beef yayks. haha

    ReplyDelete