Saturday, July 11, 2009

Tatlong Kahilingan Promo

Uso noon ang tanong na "kung mag kakaroon ka ng tatlong wish na mula sa genie ano ang mga gusto mong i wish". Noong bata ako hindi ko masiyadong ginagamit ang utak ko parang ngayon ginagamit na ah alam niyo naman ang utak ko naglalaman ito ng 75% water at ang natitirang 25% naglalaman ng air. Sinagot ko ang tanong na iyan sa isa sa aking mga kalaro. Ang natatandaan kong sagot ko at karamihan sa mga sagot namin ay. "gusto ko yumaman paglaki ko" "gusto ko tumira sa isang malaking mansiyon" at "gusto ko sumikat at maging tanyag sa buong mundo". Masiyadong pambata ang mga sagot namin, parang ganyan din ang sagot ni Aladdin.

Dahil sa malaki na ako, hindi na dapat pambata ang sagot ko. Madali lang naman maging mayaman kung masipag ka kaya di ko na i wiwish ang pagyaman ko. At dahil 2009 na dapat ay masagot ko ulit ang tanong na iyan. "Kung may genie ako at bibigyang katuparan ang tatlong wish ko ano ang mga ito?.

1. Una. Pahabain pa niya lalo ang burat ko pasensiya ko sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Sa tingin ko mas magiging masaya kase ang isang tao kung mahaba ang pasensiya niya sa mga bagay bagay. Kaakibat nito madadagdagan pa ang pagka (ahem) gandang lalaki ko dahil mababawasan ang pagdagdag ng wrinkles kung pasensiyosong tao ka.

2. Pangalawa. I wiwish ko sa genie na palagi niyang gagabayan ang mga mahal ko sa buhay. Tulad ng aking erpat, ermat, kuya at bunso. Kasama na rin dito ang mga kamaganakan, kaibigan, kaklase, readers ng ka-blogs-tugan, manong drivers at exgirlprens. Dahil hindi ko kakayanin pag may nangyaring hindi maganda sa kanila o di naman kaya ay mawala sila. (Punas ng luha)

3. Ang huli. Ayoko naman maging makasarili puro akin akin akin. Para sa lahat ng pilipino ang wish ko na ito. Sana mamatay na lahat ng corrupt sa gobyerno para umasenso na ang ating bansa. Kung malabo yan, sana gawin na lang niyang parang united esteyts of America ang Pilipinas. At kung malabo pa rin yan. Bigyan na lang ulit ako ni Genie ng walang hanggang wishes.



Akala ko matanda na ako ngayong 2009, naniniwala pa rin pala talaga akong may Genie.
Mukha lang ang tumanda pero ang isip.........suwabe beybehhh!

21 comments:

  1. haha.. Sana nga may genie talaga. madrama yung number 2 ah! haha.. ako ang hiling ko lang ay 'world peace' (sabay kaway na parang candidate sa miss world 2009)

    ReplyDelete
  2. ako kapag may genie talaga at bibigyan ako ng tatlong kahilingan, ang magiging hiling ko ay ito:

    1. Sana maging mayaman na kami,financially stable kumbaga para di na magabroad ang papa ko at dito na sya sa pinas parati tsaka para di na nahihirapan ang magulang ko kakahalilap ng pera para pangtuition lalo na pera sa araw araw at syempre para maginhawa ang buhay namin.

    2. Sana maging healthy at disease free ako at ang mga taong mahal ko,my family,relatives,friends,online buddies,basta lahat ng mahal ko sa buhay..naisip ko rin na kapag healthy ako syempre mataba na ako nun at may magandang skin kaya for sure maganda ako ng bonga bonga,hahaha Ü

    3. At hihilingin ko rin na ang lahat ng tao sa mundo ay magkaroon ng magaganda paguugali at pananaw sa buhay, ung tipong wala ng gagawa ng bagay na alam nilang makakasakit sa kapwa nila parang ganun..para wala ng kaguluhan at sakitan..para maging masaya lahat ng tao..Ü

    ReplyDelete
  3. yun lang..sana nga may totoong genie hehehe..

    ReplyDelete
  4. paps pa-wish...

    1. napaka-stereotype lang, na sana ay maging ok lang ang mga magulang ko at kapatid ko, tipong di nagkakasakit, di naii-stress, nasa mabuting kalagayan, at nasa mabuting kayamanan ang kanilang buhay.

    2. Sa mga kaibigan ko at mga mahal ko sa buhay, ay sana ay nasa mabuti ring lagay, mga malalapit at kahit na ang mga naging mga kaaway. Pati narin ang mga taong di ko kilala. Peace on earth.

    3. Pansarili na to! ayun, sana ay maging maayos naman ako at ang utak ko sa mga bagay, tipong nagmamatured na. At sa kalusugan, career, at pananalapi (naks!) ay nawa'y maging maayos naman.

    o paps tuparin mo na wish ko!

    ReplyDelete
  5. Kung ako naman ang hihiling kay Genie

    1. Humaba at maging healthy ang aking pamilya at ako syempre. (eh kasi kung hahabaan nya lang ang buhay mo tapos lantang gulay ka naman. eh balewala din)

    2. Pagwapuhin nya ako ng handred tayms, yung tipong lahat ng babae ay mahuhumaling sa akin. (kasi madaling yumaman pag gwapo ka!so di ko na kailangan humiling ng pera)Teka baka pagwapuhin nga ako pero gawin naman akong bading! Kailangang gwapong tunay!

    3. Huli, hihilingin ko na............ bigyan pa nya ako ng 100 kahilingan pa.

    hehhehe

    Ingat
    Drake

    ReplyDelete
  6. Ako din Makiki Wish sa Genie mo:

    1. Dahil health is wealth. Hihilingin kong maging healthy ako, Si MamaKo,Papi, at Bunso, sama narin ang closest relatives ko to the third degree.

    2. Sana Manalo si Papi ng super loto ung tipong worth 300M ang laman ng kaban tapos walang ka share sa panalo, parati kasi syang tumataya doon, nang saganun maging masaya sya at the same time masaya kameng lahat.

    3. World Peace (Plastic!)

    ReplyDelete
  7. sana nga may genie, at ako lagi kong iwiwish sa pangatlo na sana madagdagan pa yung tatlong wish, para hindi maubos ang hiling ko hehe..

    ReplyDelete
  8. sana yumaman ako madaming madaming pera.. Tapos bibigyan ko kayo??! haha!! :D

    ReplyDelete
  9. 1. maging kami ni john lloyd cruz. (walang aapila..LOL)

    2. live a healthy live together.

    3. another 3 wishes.

    ReplyDelete
  10. @kox: bagay ha.

    @superjaid: ang drama yey...sana matupad po yan.

    @niqabi: haha. kay papa Jesus na lang tayo mag ask

    @drake: gawin mo nang unlimited wishes po

    ReplyDelete
  11. @jepoy: sana ako si papi an tinutukoy mo

    @kheed: hahaha. bawal ata yun sabi ng genie

    @Homer: dear genie sana po yumaman si homer para ma ambunan kami

    @chiklets: dagdagan mo pa un 3

    ReplyDelete
  12. Wish ko sa genie eh bigyan ako ng power pang-parusa sa mga kaaway ko, bigyan ako ng power para dumami pa kaaway ko, at tsaka world peace.

    ReplyDelete
  13. @glentot: hahaha. baka ang labas niyan you againsts the world

    ReplyDelete
  14. isa lang wish ko.. na lahat ng kahilingan ko magkatotoo.

    ReplyDelete
  15. paps! isa lang ang wish ko... maging ka lamang.... hihihi! suntukan na lang!!!

    ReplyDelete
  16. ang wish ko sana lahat ng wish ko matupad !!!!!

    ReplyDelete
  17. @gillboard: walang kawala yan

    @bakla: ano raw di ko gets. tara suntukan na lang

    @korki: goodluck sa wish mo. haha

    ReplyDelete
  18. sakin hehehe...maging sikat akong singer lol o theatre actor sa musical lalo na pag broadway kung hindi pd ung singer o mapasama sa banda na walang katapusan ang pagsikat..hehehe..xempre ako vocalist...

    immortality sa lahat....hahaha..vampire ampness

    world pweace....

    ReplyDelete
  19. @rico: may dugong tiyatro ka pala parekoy. sabagay maganda nga naman ang boses mo,

    ReplyDelete
  20. @PAPS: Gandang umaga rin! Haha! Dati ko na 'tong bahay. binago ko lang 'yung layout.

    Grabe, maraming bagong post dito sa iyong tahanan. nakikibasa at nakikiusyoso lamang, kaibigan! (^-^)

    ReplyDelete
  21. @rcyan: ah ganun ba....:) mukhang di pa tayo mag kakilala nung ginawa mo iyan. mas maganda po iyan.... sige makibasa ka lang :) mukhag di ka napapadpad dito ng madalas eh :)

    ReplyDelete