Friday, July 10, 2009

ISKOOLIT

Natuwa lang ako sa nakita kong ad na yan. Ayos di ba mag eenroll ka lang ng isa libre na ang isa.
Ang tanong ko lang hanggang pag graduate ba ng fourth year eh libre na yung isa?. Laking tipid kung magkagayon. Enroll ka na katuga!


Ito naman napadaan ako sa monumento station sa caloocan. Eskwelahan din yaan eh di ko maalala kung anong school pero ang nakabungad sa skul ay iyan. "YOUR FUTURE IS OUR BUSINESS" parang di maganda pakinggan. Business lang nila ang future ng mga estudyante.

8============D

Dahil sa korny ang post ko na iyan, irerepost ko na lang ang ginawa kong script noon.

Characters:
Juana- ang host ng Cooking ni Mommy Show
Audience- mga nanonood ng show (malamang audience nga eh)

Juana: Magandang magandang umaga po lahat ng mga nanonood sa araw na ito. Maraming salamat sa patuloy niyong pag tang kilik sa....Cooking ni Mommy Show!

Audience: (applause)

Juana: Ang lulutuin po natin sa araw na ito ay sinigang na baboy.

Ang mga sangkap na ating gagamitin ay isang taling kangkong, kamatis, sibuyas, knorr
sinigang mix at isang kilong baboy.

Kakailanganin din natin ng sangkalan, kaldero at kutsilyo.

Una kailangan nating hiwain ng pa cube ang baboy para madali itong nguyain, pero
siempre hindi natin mahihiwa ang baboy kung wala tayong kutsilyo. At hindi rin natin
mahihiwa ang baboy kung hindi matalim ang ating kutsilyo, kaya mag bibigay ako ng tip
kung paano patatalimin ang inyong mga kutsilyo.

Kunin ang kutsilyo at ikaskas sa bato o pader na rough ng pakanan at pakaliwa. Ibalik-
balik ang pag kaskas hanggang sa mag init ang kutsilyo.

May isa pang paraan ng pag papatalas ng kutsilyo pag may dumaan na sumisigaw ng "pa
hasa! pa hasa kayo diyan!" (usually naka bisekleta sila) eh ipa-hasa niyo na ang inyong
mga kutsilyo at sure iyon tatalim ang inyong mga kutsilyo.

Ay. Wala na po pala tayong oras. Dito na nag tatapos ang COOKING NI MOMMY SHOW.
Hanggang sa susunod na muli. Maraming maraming salamat sa panonood!

23 comments:

  1. mali ata yun. PA-HASAA ni Mommy show dapat!hahaha.

    ReplyDelete
  2. Isa lang ibig sabihin nan, education has become a luxury na talaga. Commercialized na din ang ilan, kaya what do you expect with the quality of education ng mga Filipino.. Boo! for our education system!

    ReplyDelete
  3. @ Homer.... don't booooo.... not just yet... cause there are a lot of educators out there trying mightily hard to uplift the quality of education here in our country....... :)

    PAPS... at anong ginagawa mo sa sta.mesa? hahahahahaha

    ReplyDelete
  4. siguro hindi naman yun yung intension nila. nagkataon lang na chaka bles pakinggan yung tagline nila. hehe. kulit, naging pa hasa show na. haha.

    ReplyDelete
  5. naguguluhan ako sa sistema ng "Enroll one, free one" XD haha

    ReplyDelete
  6. haha natawa naman ako dun sa cooking show-turned-hasaan show..haha maikli lang pala ang oras ng show na tapos kung anu ano pa pinagsasabi,uhmmm..di kaya di lang talaga un marunong magluto ng sinagang na baboy?Ü haha

    ReplyDelete
  7. Paps tama si Yj anung ginagawa mo sa Sta. Mesa, bawala ang minor dun ah, lalo na dun sa mga biglang liko.

    Bitin ang cooking ni Mommy Show puro hasa ang nangyari wala namang cooking, hmp! peborit ko panaman ang sinigang. Mag tatake nasa ako ng notes e

    ReplyDelete
  8. @ms. guided: hahaah welcome back po sa kblogstugan.

    @Homer: hays....nakakalungkot naman

    @yj: namamasyal.. hahaha

    @i amloved: ckahables hahahaha

    ReplyDelete
  9. @led: parehas tayong naguguluhan. hahaha.

    @supertjaid: ambilis mabubos ng oras eh. hahaha

    @jepoy: hahaha. pag halu haluin mo na lang ang mga ingridients yun din yun.

    ReplyDelete
  10. hahaha jusko naubos na oras sa pagpapagahasa este paghahasa pala!LOL

    ReplyDelete
  11. ang pahasa show dapat title nun papz at hindi cooking ni mommy..hahaha.....naubos n tlg time eh...biglang liko??wowowee...tsk tsk pasaway n bata

    ReplyDelete
  12. haha.. enroll one free one! astig! haha.. :)) ang kulit ng show natapos lang dahil sa tip! haha.. mommy show! gusto ko manood.. haha

    ReplyDelete
  13. haiz. kahit ano na lang talaga ang gimik ng mga nagsu-sulputang school ngayon... discounts, free books, at eno naman ngayon... enroll one,free one... astig ba yun? ano sa tingin mo?

    nakakatawa naman yung script na ginawa mo. naubos na yung time eh naghahasa pa alng siya, dude.

    dalaw ka dude sa blog ko 'pag may time ka.

    CHEERS!

    ReplyDelete
  14. hahaha eyeloveit.. hmm ung your future is our business ACSAT ata un hehe

    ReplyDelete
  15. tama, acsat yung may tag na your fuure is our business..hahahaha..enroll one, free one?<*tambling*>

    grabeng cooking show yan ah....magluluto ng sinigang, ng promote pa ng instant sinigang mix..hahahaha

    ReplyDelete
  16. @bea: uu. haha sana mag natutuhan ka

    @rico: nag time lang talaga di na natapos ang pagturo patawarin mo na. cooking ni mommy po talaga yan

    @kox: di bale next time may iba pa akong tip

    @poot: sige dadalaw ako tsong

    ReplyDelete
  17. @elay: ayun acsat nag nadaan ulit ako kanina

    @period: uu may bayad yung knorr sa akin. hahaha

    ReplyDelete
  18. nabitin ako paps sa KUKING SHOW na yun, ang talim talim na sana ng kutsilyo eh.... pero da best ang sinigang na baboy! (agree lahat!)

    naku ang mga tinamaan na mga skul (skull) na yan, "PERA PERA" lang yan! hehe nakakalungkot dahil pati ang edukasyon sa bansa ay nagiging ganito na...

    ReplyDelete
  19. tuwing kelan yung cooking show? anong channel?

    aabangan ko yan

    ReplyDelete
  20. @anthony: haha. yan ang pinas. business talaga ang educ

    @hari: waahahaha minsanan sa isang taon, walang specific date and time biglaan lang

    ReplyDelete
  21. nag-aral ako sa three angels nung elementary ako. maayos naman dun... ewan ko na lang ngayon. nawala na kasi yung mga teachers na pundasyon ng school na yun. yung mga yun, magagaling talaga.

    pero kahit ako natawa din talaga ako nung nakita ko yung ad. sobrang commercialized na kasi ng education.

    ReplyDelete