Friday, May 1, 2009

Bilang Mambabasa at Manunulat

Nakatapos din ako sa wakas ng isang libro, at guess what kung anong libro. Natapos ko na rin sa wakas ang "Stainless Longganisa ni Bob Ong" hindi ako mahilig magbasa ng libro at lalong hindi ako panatiko nitong sikat na sikat na si Bob Ong. Natapos ko siya sa loob ng tatlong oras habang inuubos ang isang litro ng nestea iced tea. Madami na akong libro na pinagtangkaang basahin at tapusin pero bigo talaga ako, sa una lang ako magaling pero pag nasa chapter two o three na ako tinatabi ko na yung libro. Sa katunayan suki ako ng booksale kung saan makakabili ka ng 40 pesos lang na libro hardbound pa, madami na akong naitambak sa aking silid at iyon nakatambak pa rin, inaalikabok.

Papa Jesus alisin niyo nga po ang ispiritu ng katamaran sa akin sa pag babasa. Pulis po please para hindi naman masayang ang mga librong binili ko.Di ko pa nga tapos ang Angels and Demons at Da Vinci Code ni Dan Brown lumipas na ang panahon. Kaya nga ngayon natuto na ako hindi na ako bumibili ng libro dahil balak at pinag tatangkaan ko pa ring tapusin ang mga nauna kong libro. Ang sama nga nang tingin ko doon sa isang libro eh. Kung nakapag sasalita lang siguro ang libro namura na nila ako" "Taena to binili bili ako tapos tatambak lang ako dito! Ang init kaya dito! Buti pa doon sa bookstore eh malamig at lagi akong nabubuklat!"

Sa totoo rin lang noon nung kasikatan ni Bob Ong ayaw ako ibili ng erpat ko ng libro netong si Bob Ong kasi daw filipino ang wikang ginamit niya sa kanyang libro. Mas maganda daw kung ingles ang bibilhin ko para naman makatulong sa grammar ko at pag hehenglis ko. Kaya siguro ako nakatapos ng libro kase filipino nga ang ginamit niya sa pag sulat. Pag inglis kase nakakatamad, sumasakit ang ulo ko, nagugutom ako at mas pipiliin kong mag papalaki na lang ng bayag.

8=====D

Kung si Bob Ong nag sisisi kung bakit hindi siya maaring mag enroll sa Journalism class, dahil daw yung journalism class ay para lamang sa section na pinakamataas. Ako rin nag sisisi sapagkat nung ako'y enrolled sa Journalism class (mga grade 5 at grade 6 ako noon eh) tinatakasan ko po ang Journalism Class. Naalala ko 250 pesos din per session ang bayad doon pumasok ka at sa hindi babayaran mo iyon. Paano naman kase yung iba kong mga katoto at kaklase pag uwian na dumidiretso sa kanilang bahay o kaya naman computer shop para mag laro ng ragnarok, tapos ako kailangan pang mag hantay ng 2 hours para matapos ang Journalism class, eh ang tinuturo lang naman doon paulit ulit tulad ng subject-verb agreement at kung ano ano pa. Napupukpok tuloy ako ng ermat at erpat ko pag nalaman nilang kailangan nilang magbayad sa Journalism class kahit hindi ko naman pinasukan. Aba eh sila rin naman ang dahilan kung bakit ako naka enroll sa klase na iyon eh, win win situation lang bawian.

Hindi ko naman inakala na magkakaroon ako ng interes sa pag susulat sana inatendan ko yung mga Journalism class ko noon hayyyy hanggang highschool sana iyon eh. Ang galing galing ko na siguro sumulat ngayon kung nagkataon (eeengks).

9 comments:

  1. nasa huli ang pagsisisi
    magpakabait ka na kc

    ReplyDelete
  2. magaling ka naman mag sulat pabling
    carry mo na yan

    ReplyDelete
  3. hahaha. huy salamat tara mag lokohan tayo... hahaha

    ReplyDelete
  4. Naintriga ako kay Bob Ong na yan, I encountered his name ;atest post ng sinusundan kong blog, well it must be a funny and hilarious one, I need to grab a copy soonest.

    Nice post.

    ReplyDelete
  5. ay opo. . i would suggest not to buy the stainless longganisa if you havent had the previous books before that book. iyon kase ang una kong book na nabasa sa kanya,di ako masiyadong maka relate :)

    ReplyDelete
  6. nice. you write well. Two thumbs up! (Parang libro lang.) :D

    ReplyDelete
  7. oo my gash nakaka iyak ang comment mo beaux
    pwede ka na maging sponsor o publihser ng first book ko?
    lols parang bob ong lang.

    salamat po

    ReplyDelete
  8. @PABLO. wala yun iho. At oo. Ako na lang publisher mo. Para sumikat naman ako. Hahaha. :P

    Sulat ka lang. Ang galing e. Hanga ako. Pati yung ano ko tumatayo -- Yung mga balahibo. :D

    ReplyDelete
  9. oh my gash may ano ka?
    hahaha . .

    balahibo hahaha

    ReplyDelete