Oo inaamin ko matagal na akong pumapatay ng ipis pero ni isa walang nag suplong sa akin. Siguro dahil hindi ko naman nirereport sa blog ang pag patay ko sa kanila. Ngayon umaamin na ako. Sumikat din kaya ako sa telebisyon? Mag tatago din kaya ako pag dating ng panahon tulad ng serial cat killer na si John Candare? John Candare tol kung nasaan ka man, lumantad ka na. Sa Unibersidad ng Pilipinas ka pa naman nag aaral. Iskolar ka ng bayan tapos pumapatay ka ng walang kamuwang muwang na pusa.
Sa totoo lang kahit ang mga pusa namin dito sa bahay ay pikon mahal ko sila, hang kukyut kaya nila. Minsan pinag titripan ko sila kakalabitin o kaya naman hihipan ang tenga kapag tulog, tapos gigising sila at lilipat ng matatambayan. Panay tulog lang tong tatlong pusa namin eh, kain tulog ang role nila dito sa bahay ni isang daga wala akong nabalitaang napatay nila. Kung pwede nga lang silang singilin sa pag tira at pagkain dito sa bahay mayaman na siguro ako. At saka ang mga pusa pikon pag susuyuin mo na ulit para makipag laro di ka na nila kilala, lalayo na sila sa iyo. Hindi katulad ng aso kahit asarin mo buong maghapon konting amo mo lang eh bati na ulit kayo.
Back to ipis. Netong mga nag daang araw palagi akong nakakatagpo ng mga ipis dito sa aming bahay. Medyo nakakabanas kasi feeling close sila sa akin, lumalapit talaga sila akin. Hindi naman ako takot sa kanila huwag na huwag lang sila lilipad lipad saka didikit sa akin. Nandidiri talaga ako sa kanila kaya pag may lumalapit na ipis sa akin, parang nagiging masamang tao ako. Alam niyo na siguro kung bakit.
Sabi nga ni badoodles kakaiba ang mga ipis sa Maynila, mga walang hiya kala mo ikaw itong nakikitira sa bahay nila, paano po kase sa probinsiya pag dumating ka sa bahay mo ang mga ipis nag tatakbuhan, dito sa Maynila parang ikaw pa dapat ang mag excuse sa kanila "Excuse me po makikiraan lang" At saka ang mga ipis prone na sa amoy ng baygon para lang adik na nag takbuhan sa sambahayan pag naka singhot at nakatira. Ako pa ba ang bibili ng baygon na pampahigh nila ano sila sinusuwerte.
Kaya ngayon mag kakaroon na ako ng part-time Job. Dito hindi nga lang ako kikita ng salapi. Pero kahit na part time lang naman. Lahat ng makikita kong ipis sa ayaw at sa gusto nila PAPATAYIN KO SILA. Inuulit ko PAPATAYIN KO SILA. (sabay ngisi)
Pablong Pabling as IPIS SERIAL KILLER
8======D
MORAL LESSON* Mahalin natin ang mga alagang hayop tulad ng pusa at aso huwag gayahin si John Candare.
Malikhaing Gawain* Tularan si Pablong Pabling. Masarap ang ipis lalo na kung ginataan ang luto.
kadiri ka tsong gatang ipis
ReplyDeletebwahahahahaha
haha! kahit ang rabbits wag patayin! may rabbit kasi kami :)
ReplyDeletecge lang pagbutihin mo yan. ndi kita isusumbong sa gobyerno.
Baka matulad ka yung sa movie na "Att-Killer"
ReplyDeleteAt wala akong pakialam kun hindi mo yun alam, eh kahit ako nga di nanood nun, nadaanan ko lang yun nung naghahanap ng channel. basta ganun.
napansin ko rin na maraming ipis ngayong naglalabasan.
Panahon na kaya ito?
Senyales na ba?
Nice. I love the way you write may future ka.
ReplyDeleteKeep it up.
huwag masiyadong pag initan ang ipis. :)
uy nakaka tats
ReplyDeletesalamat po bhebhe
na try mo na ba ginataang ipis. kadiri. niyayahaha
ReplyDeleteginataang cockroach! yaks! hahaha! :D
ReplyDeletehahaha. lols
ReplyDeleteHaha nakakatawa. Kakaiba mga articles mo tsong.
ReplyDeletePre pede ba re-blogs tong article mo? then syempre may backlinks. Natatawa lang talaga ako sa IPIS serial killer :))
ReplyDeleteeeew. ginatang ipis?! LOL
ReplyDeleteyoko sa ipis lalo na when they're flying around. napapatili ako... hihihi!
@ agent : okey lang sige po.
ReplyDeletesobrang late ko na nabasa itong post mo. :)
Baygon? wa epek na yan...
ReplyDeleteTry mo to: JOY
Uu, isang patak, kaya ang ipis na SANGKATUTAK!
Hindi spray ha, ung pure. Ipatak mo sa lungga. o kya sa mga tambay. One hit, One kill.