Friday, May 1, 2009

NO ID NO ENTRY

Pinakamadalas iyan na mabasa sa mga paaralan. Bilang normal na estudyante dapat parati mong suot ang id card mo. Hindi ako normal. Kumporme iyan sa patakaran ng paaralang pinapasukan mo, nagkataon na sa amin napakahigpit nila patungkol sa pag susuot ng id. Madalas akong nagiging dahilan ng trapik sa gate papasok ng skul kase hinahalungkat ko pa sa malalim kong bag yung id ko. At pag nakalusot na ako sa guard eh huhubarin ko na naman ang id ko.

Isang beses inilabas ko ang id ko sa bag para ipakita sa guard na may id ako at makapasok na. Nag init ang ulo kase hindi ako pinapasok kailangan daw isuot ko ang i.d ko. Nagkataon naman na balak ko pa lang bumili ng id strap so wala akong i.d strap. Dahil sa maparaan ako isinabit ko na lamang siya sa butones ko. Potaness hindi pa rin epektib hindi ako nakalusot. Sabi ko pa "nakasuot naman ha" sabi niya dapat daw may id strap. Ganun ba? Edi sana palitan niyo rin iyang nakalagay diyan na no id no entry! dapat NO ID STRAP WITH ID CARD NO ENTRY!

Ang higpit higpit pa nang guard na yaon. Bawal pumasok ang naka sumbrebro eh mismong siya naka sumbrero. Adik.

- - - -
May talent ako sa pag hula . . . papatunayan ko sa inyo ha. . . hula ko abere beram bim (sabay pikit at hawak sa bilog na umiilaw na bola) . . .sa linggo May 3. . . maraming mag popost sa blog nila patungkol sa laban ni pacman. . . ayun lang po ang hula ko, hindi ko kase mahulaan kung sino mananalo doon sa dalawa. Pero siempre sana manalo pa rin si pambansang kamao! Manny Pacman Pacquiao. . . .bit waterrr . . bay wan naw.

7 comments:

  1. tingin ko hndi lang sa may3 yun, sa buong buwan ng mayo,haha

    ReplyDelete
  2. ahahaha. . . nanghuhula ka rin. :)

    ReplyDelete
  3. isa ka pala sa mga istudyante na matigas ang ulo ayaw mag suot ng id. at pilosopo pa. hahahaha

    ReplyDelete
  4. yup. go pacman. buy one now

    ReplyDelete
  5. hahaha buy one now.
    wala akong makita sa you tube nung tv ad ni pacman sa vit water

    ReplyDelete
  6. ako din lagi napapagalitan dahil sa di aq nag i-id. hehehe..

    ReplyDelete