Thursday, April 9, 2009

Mabuhay ka Glorya Labandera!

Bilib ako kay PGMA. Nadaan kase ako sa kahabaan ng edsa kahapon, aba nakikinita ko na yung progress nung proyekto niya na idugtong ang LRT sa MRT. Isang napakalaking proyekto iyon na inumpisahan ng PGMA bravo bravo bravo. Malaki ang ma-itutulong niyan sa mga kababayan natin dahil maaaring maging isang sakay na lamang sila papunta at pauwi galing sa trabaho.

Maiibsan na rin ang pag tutulog tulugan ko sa bus pag hihirap nang mga matatandang babae o buntis na sumasakay sa bus pag wala nang maupuan...Usually kase sa panahon ngayon ang mga lalake hindi na gentleman, nag papakiramdaman pa talaga kung sino ang magbibigay ng upuan para sa babae. Kaya nga pag sa bus ako doon ako nauupo sa pinaka likod sa pinaka dulong dulo para walang abala doon ako sa may bandang gitna para pag may babaeng bebot o matandang girlalu eh mapapa-upo ko sila. Naks.

May ilang suhestiyon na proyekto din ako kay PGMA at sana mapatupad niya rin para sa ikabubuti ng Pilipinas.

1. Magkaroon ng hiwalay na cr ang mga homosexual. Hirap kase sa aming mga lalake na may baklang pumapasok sa comfort room namin, para kaseng umuurong ang mga ihi namin pag nakakakita ng baklang nag memeyk-up sa cr.

2. Gawing legal na maaari kang mag karoon nang hanggang limang asawa (basta bat kaya mo silang buhayin). Loko lang po magagalit ang bebeko.

3. Maglagay ng break-up leave sa opisina at eskwelahan. Hindi puro sick leave, maternity leave lamang. Bakit di ba halos parang namatayan na rin ang pakiramdam kapag nakipag break sa inyo ang mahal niyo? Kaya pano ka makaka gawa ng trabaho at makakapag aral kung ganoon ang pakiramdam.

4. Gumawa nang maraming maraming maraming pera sa Bangko Sentral ng Pilipinas at ipamigay sa akin mga mahihirap na pilipino. Mag print lang nang mag print ng pera at ipamigay sa lahat, hindi ba talaga pwede yun?

5. Mag resign ka na po madam.

**special shout outz kay bespren bernie ko na nagturo kung pano mag bura nang sulat dito sa hinternet.

2 comments:

  1. nagtutulog-tulugan ka?

    hiwalay na cr. haha

    gusto ko yung no. 4, honga naman diba. magprint na lang ng magprint! tas ipamigay.

    ReplyDelete