Friday, April 10, 2009

Bakit umuulan tuwing biyernes santo?


Lumuluha ang langit. Ito ang panahon kung kailan pinag diriwang ang kamatayan ni papa Jesus, ito ang panahon kung kailan siya ipinako sa krus upang tayo ay iligtas sa ating mga kasalanan. Bakit ko naman nasabi na lumuluha ang langit? Lumuluha ang langit sapagkat maraming nagkalat na sira ulo at ginagaya pa kung ano ginawa ni Papa Jesus sa krus. Hindi niya sinabi na kailangan natin siyang gayahin para maligtas tayo sa mga kasalanan natin, hindi sakripisyo ang makakapag ligtas sa atin.

Obedience is better than sacrifice. Mas maiibigan ni papa Jesus kung susundin natin ang mga pinag uutos niya kaysa gayahin natin ang pag papapako sa krus. Nag papako ka nga pag tapos naman ng pakuan mag lalasing ka para mawala ang sakit na nararamdaman. Tapos ano babalik ka sa mga kasalanan mong ginagawa sa araw araw. kalokohan.

Sa tingin ko na iinsulto lamang si Bro sa mga gumagaya sa ginawa niya sa krus ng kalbaryo kaya lumuluha ang langit sa tuwing biyernes santo. Ang pinaka mahalaga sa mga panahong ganito ay pag mulay mulayan natin kung ano ang ibig sabihin nang pag papakapasakit niya sa krus. Kapatid, kapamilya mahal ka ni Papa God kaya niya ibinigay ang kanyang bugtong na anak na si papa Jesus para iligtas tayo sa kapahamakan at bigyan tayo ng buhay na walang hanggan.
John 3:16

Mahal na mahal ka ni bro. iyon nga lang hindi mo siya binibigyan ng pansin, halaga. Pero kahit na ganoon ang ginawa mo sa kanya, minamahal ka niya at patuloy ka pa rin niyang mamahalin dahil siya lamang ang makapag bibigay sa iyo ng pag mamahal na walang katulad. Pag mamahal na perpekto. Kinalimutan mo siya. Sa totoo lang na mimiss ka niya.

-Pablong Pabling bilang kuya ni Santino.

No comments:

Post a Comment