Pasensiya na kayo mga ka-blogs-tugan ko at mukhang off topic ako ngayon kase dapat pang holyweek ang mga blog entries ko, eh inlababo kase ang inyong abang lingkod saka malakas naman ako kay Papa Jesus maiintindihan niya ako. "Di po ba?" (sabay tingin sa langit at beautiful eyes)
Mga ka-blogs-tugan! Napaka-saya ko po sapagkat kami na po ng bebe ko para akong nasa heben. Pinasasaya niya po ako sobra sobra (sabi nga nila nang bonggang bongga) at ewan ko ba parati siyang natakbo sa hisipan ko. Wawa naman bebe ko baka napapagod na kakatakbo.
Gusto ko na nga sana hingiin ang kamay ng bebe ko sa kanyang mga magulang kaya lang baka kase kamay lang talaga ang ibigay sa akin kase wala pa akong isteybol na work at estudyante pa lang ako. Di bale po bebe ko mag sisikap po ako ng mabuti para pag hingiin ng parents mo kung anong accounts ang meron ako para payagan ka nilang ipakasal sa akin eh hindi puro friendster account at multiply account lamang ang ibigay ko sa kanila. Pramis ko po bebe ko aayusin ko talaga ang pag aaral para pag tapos eh makapag aral ulit haha at makahanap ng magandang magandang trabaho, sana nga bebe ko maka-iskolar pa ulit ako next sem para astig. Hehe
Basta po bebe ko lagi mo pong tatandaan na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal to the 1,000,000,000th power po kita.
ps: last na sulat ko na ito about sa bebeko. gusto ko kase maging pribado ang buhay namin ng bebe ko. sobrang mahal na mahal ko po siya, nirerespek at pinagkakatiwalaan ko po siya.
ps ulit: labyu po bebe ko. pakiss naman diyan.
lols...
ReplyDeleteparekoy, di ko alam kung anung dapat kong sabihin.. kung kinikilig ba ako o nakokornihan sa inyu ng bebemo..lols
Peace!
ehehehe
ganyan talaga siguro ang mga bagets..lols pasweet sweet pa..pasasaan bat darating din kayu sa nakatakdang lugar kung saan kayu papunta..hehehe goodluck..
ps.
magpakatino ka lang at maging responsable, malayu ang mararating nyo ng bebemo..
kitakits
maraming salamat kakosa
ReplyDeletewhew,, hang sweeeeetttt naman
ReplyDelete