Sunday, March 15, 2009

Summer at Usapang Lablayp

Speaking of summer! Malapit na talaga ang summer vacation. At dahil malapit na ang summer vacation mawawalan na nang klase. (Sabay ngiti hanggang tenga tapos hagis ng konpeti dalawang piraso lang).

Gusto ko talaga mawalan na ng klase eh para iba naman ang mga maging kaklase ko next sem, o itong dadating na summer class. Pero siempre may mga kaklase akong gusto pa rin maging kaklase, meron ding ayaw ko na. (sabay ngiti ulit)

Diyahe pare pero aaminin ko na, inlab kase ako sa isa kong kaklase (hindi sa lahat ng subject). Taena ewan ko ba noong unang araw pa lang na nakita ko siya eh may ibang spark akong naramdaman. Kilabutan ka! Lolz! Hindi ko gawain ang manghingi nang number pero hindi ko napigilan, ebry taym i close my eyes kase nakikita ko mukha niya tapos naiisip ko yung pers taym na tumingin at ngumiti din siya sa akin. Para akong nalusaw. Taena kinilabutan ka ba? Lolz!

Kaya gusto ko na magbakasyon ay para masabi ko na ang tunay na nararamdaman ko sa kanya.. Ito lang yung taong pag nag tetext sa akin kahit ayaw ko mag load eh nagloload ako kahit kalagitnaan ng madaling araw. At ito rin iyong taong kahit hantoks na hantoks ako eh gigising ako para lang mag kausap kami sa tulong ng globe unlicalls nyt.

Papa Jesus sana po pagkatapos ng sem na ito maging kaklase ko ulit siya sa ibang subject pero sana hindi ko kaklase yung iba kong kaklase ngayon para di nila alam. Hehehe ang hirap po ng rekwest ko no pero alam ko naman na malakas po ako sa inyo. Hamen.

Basta pramis pag tapos ng sem na ito. Kakaririn ko na siya.
Dapat talaga mag kalablayp na ako weh.

No comments:

Post a Comment