Sunday, March 15, 2009

KATAMARAN

"Ispirito ng katamaran, Ispirito ng kaantukan ako'y iyong lubayan". Hell week na ngayon madaming dapat aralin dahil malapit na ang finals pero eto ako parang minamagnet ng computer at tinatawag ng aking napakalambot na kama. Taena kailangan ko na mag seryoso mga nakaraang kwiz nilalaro laro ko lang.

Bakit ba kase kailangan mag-aral eh mamamatay rin naman tayong lahat. Meaningless din naman ang pag-aaral tapos pag tatrabaho, iyong mga naipon at nabili mo eh iba rin naman ang makikinabang pag namatay ka na.

Hindi bale dalawang linggo na lang at makakapag-bakasyon na ako. Aw. Hindi pala madapaking sheeet may summer class pala ako taena wala ding bakasyon. Makakabakasyon ako mga dalawang linggo lang. Bakasyon ba iyon? Namputek ang dami ko pa namang gustong gawin ngayon bakasyon.

1. Mag- babad sa gym upang gumanda ang katawan at di matawag na walking paint brush
2. Mag- aral ng spanish language para may alam na ibang lenguahe maliban sa ingles at filipino
3. Mag- enroll sa piano lesson para matutong mag piano (malamang)
4. Matulog nang matulog na para bang hindi na kailangan pang mabuhay
5. Mag-enroll sa seminar patungkol sa photography
6. Mag trabaho muli sa call center at kumita ng limpak limpak na salapi
7. Magpalaki ng betlog (biro lang)

Pero paano ko gagawin yan kung namputek na summer class.

No comments:

Post a Comment