Pati pala ang movie industry apektado ng global crisis, taena nanood kami ng Street Fighter: The Legend of Chun li eh wala nang costume costume yung mga characters. Di mo mahahalata na sila na pala iyon. Si Vaison nga din eh wala nang kapangyarihan, wala din atang budget. Disappointed din ako sa Dragon Ball Z parang ganun din walang ka-ganda ganda tinipid masiyado. Basta nag iinit mga ulo ko sa pelikulang iyan.
Netong mga nakaraang araw eh nag movie marathon kami ng kumpareng jimver at derek as in arew arew. Isa sa ma susuggest kong pelikula na dapat panoorin eh yung "Friday The 13th" yung latest ah. Taena opening pa lang nung pelikula parang nakikinita kinita mo na ang mangyayari sa dulo. Napaka-tipikal nung pelikula, yun bang may grupong pupunta sa isang gubat tapos gabi tapos may mag lalabing labing sa tent tapos papatayin. Iyong mga karakter isa isang mamatay, ibat ibang klase nang pag patay. Letseng pelikula yan! sayang ang pera parang lumipad sa langit di ko na nakita pumutok na pala, sayang ang pera ko binili ng ticket sa pagkain sana nabusog pa ako.
Pinanood din namin ang Unborn so far sa lahat ng pelikulang pinanood namin this week ito pa lang ang nagugustuhan ko talaga, may twist ang istorya at saka mag iisip ka, nabitin nga ako. Isa pang pinanood namin yung The Day the earth stood still okay din maganda pero di masiyadong okay ang ending. Yung Watchmen naman taena ang labo nang kopya (hahahaha) lolz!
No comments:
Post a Comment