Friday, February 13, 2009

SINO SI MAKABAGONG PABLO

Magandang araw sa inyo, nais ko munang mag pakilala nang aking sarili dine sa blog na ire. Ako si Arzy Pablo bente anyos isang nilalang sa lunsod ng Maynila Pilipinas. Isang studyante sa kolehiyo kumukuha ng Bachelor of Science in Nursing pero hindi ko ganoon kagusto ang kurso ko. Mas gusto ko ang pagsulat at pag kuha ng litrato subalit mukhang wala akong kikitain sa pag susulat sapagkat hindi naman ako magaling sa ganun kaya dito ko na lang ibubuhos ang aking talento sa pag sulat (kung meron man akong talento dun).

Bakit ba ako gumawa ng blog na ganito?

Matagal na kase akong nag babasa ng mga blogs nang kung sino sinong tao, kaya naisipan ko na ring lumikha ng sariling akin. Idolo ko sa pag gawa ng blog sino hachipatuchi, kwentong barbero at greenpinoy. O siguro naman kilala niyo ang mga iyan kase sobrang sikat talaga sila sa larangan ng pag boblog.

At saka gusto ko rin matawag na isang "blogista" at di lang isang blogista balang araw eh may adjective na sa unahan na "sikat" o ha "sikat na blogista". Kaya sana eh suportahan niyo din ang blog ko kahit papano kahit 7 times a week niyong dalawin okay na yun hindi na nakakatampo iyon.

Ano ba ang makabagong pablo?

Wala lang trip ko. Gawa ka rin nang trip mo kanya kanya tayong ng trip. At walang basagan ng trip. Kung hindi mo gusto ang mga sinasabi ko sa blog na ito, malaya kang gumawa ng sariling panulat upang batikusin ang blog na ito.

4 comments:

  1. narito ako sa pinaka-una. hirap. walang hanapan ng older posts. wala trip lang magbasa ng pinakaunang post dito.

    SIKAT na BLOGISTA ka na!

    ReplyDelete
  2. sa wakas nakaabot din ako sa first post mo hehe : )
    nag enjoy ako paps!

    APIR!

    ReplyDelete
  3. eto na pala ung first post mo? kasi meron pa ung dok-dok pero naulit sa doktor kwak-kwak.. hehe.. ayun! sa wakas.. natapos ko na rin, i mean, naumpisahan ko na rn, ay ano ba? basta, first post mo, nabasa ko na.. gang sa latest.. wew.. post ka pa ng bago pablo.. like it!! gudlak ^_^

    ReplyDelete