Pag ganitong mga panahon ng kainan, hindi lang presyo ng mga manok at baboy ang nag tataasan, nag tataasan din ang mga kolesterol at taba taba natin sa katawan. Sa edad kong bente uno anyos hindi raw normal ang blood pressure ko 150/95 ang bp ko. 120/80 ang normal depende sa edad iyan.
Nakaramdam ako ng pag kahilo at hindi normal na pakiramdam netong mga nag daang araw.
Panay taba ng baboy, balat ng manok,taba ng baka, taba ng isda, talaba, tahong, talangka, taba ng alimango, taba ng kangkong ang nilantakan ko netong nakaraang araw na sa tingin ko ay nakapag dulot ng sangkaterbang hilo sa akin. Umaatake na naman ang kaaway kong si hypertension. Para akong meron (regla) pag sinusumpong ako ng hypertension (o highblood sa wikang kanto). Laging mainit ang mga ulo ko pag may sumpong ako.
Kaya naman nag pa tingin na ako sa doktor para malaman kung may sakit ba ako. Ang mga
doktor pa naman palagi kang may sakit pag nag papa check up ka, pag di ka nag pa check up
wala kang sakit. Ang husga ng doktor pagkatapos ng check up ko ay "Hypertension" hindi na ako nabigla, expected ko na yun, ikagulat ko pa kung hypotension sakit ko kumain ba naman ako ng sangkaterbang taba netong mga nagdaang araw.
Kaya naman sinermonan na ako ng doktor na itago na lang natin sa pangalang Dok. Ang daming
sinabi netong kanong dok na ito sa akin kala naman niya na intindihan ko lahat. Ang naalala ko lang kailangan ko daw umiwas sa mga taba, huwag daw ako kumain ng itlog masiyado, bilhin ko dawna gatas ay lowfat at bawas bawasan ang mga junkfoods tulad ng chicharon.Alam ko naman dawna may hypertension ako pero kumain pa rin ako ng matataba. Hindi ko nagustuhan
ang sermon at tono ng doktor na yaon, para akong isang palamunin niya na kung mag sermon ay dinaig pa ang erpat at ermat ko sa pag bawal sa pagkain. Kailangan ko bumalik sa kanya after a week para sa follow up.
Kaya naman pag labas ko ng ospital, dumiretso na ako sa market para sundin ang mga sinabi ni
dok. Bumili ako ng High Fat Milk (Rich in protein and calcium), 1 dozen of egg ( 2 sunny side up
every morning for breakfast ang plano ko kainin for six days), chicharons for snack and porkchop for lunch. Nag fried ako agad ng porkchop pag dating ko hmmm yummy!
After a week bumalik na ako sa ospital for follow up check up. Chineck na nila kung nag improve
ang health status ko. Naka ngiti lang ako kay dok alam ko at expected kong parang walang pag babago ang magiging result ang worst ay lumala pa ang sabihin niya. Pero alam niyo ba kung ano ang sabi niya?
Dok: " Hey kiddo! You are doing pretty good! keep it up. Eat less fat and you'll be fine"
Paps: Taena naisahan ata ako ng dok na ito ah!
No comments:
Post a Comment