Friday, February 13, 2009

COOKING NI MOMMY SHOW

Characters:
Juana- ang host ng Cooking ni Mommy Show
Audience- mga nanonood ng show (malamang audience nga eh)



Juana: Magandang magandang umaga po lahat ng mga nanonood sa araw na ito. Maraming salamat sa patuloy niyong pag tang kilik sa....Cooking ni Mommy Show!

Audience: (applause)

Juana: Ang lulutuin po natin sa araw na ito ay sinigang na baboy.

Ang mga sangkap na ating gagamitin ay isang taling kangkong, kamatis, sibuyas, knorr
sinigang mix at isang kilong baboy.

Kakailanganin din natin ng sangkalan, kaldero at kutsilyo.

Una kailangan nating hiwain ng pa cube ang baboy para madali itong nguyain, pero
siempre hindi natin mahihiwa ang baboy kung wala tayong kutsilyo. At hindi rin natin
mahihiwa ang baboy kung hindi matalim ang ating kutsilyo, kaya mag bibigay ako ng tip
kung paano patatalimin ang inyong mga kutsilyo.

Kunin ang kutsilyo at ikaskas sa bato o pader na rough ng pakanan at pakaliwa. Ibalik-
balik ang pag kaskas hanggang sa mag init ang kutsilyo.

May isa pang paraan ng pag papatalas ng kutsilyo pag may dumaan na sumisigaw ng "pa
hasa! pa hasa kayo diyan!" (usually naka bisekleta sila) eh ipa-hasa niyo na ang inyong
mga kutsilyo at sure iyon tatalim ang inyong mga kutsilyo.

Ay. Wala na po pala tayong oras. Dito na nag tatapos ang COOKING NI MOMMY SHOW.
Hanggang sa susunod na muli. Maraming maraming salamat sa panonood!

-likha ni arzypablo 02/13/2009

No comments:

Post a Comment