Thursday, February 19, 2009

Pers Taym!

Dati tinatawanan ko lang yung kaklase kong lasengero kase paulit-ulit lang ang sinasabi niya kapag lasing na siya. Kagabi nag ka-ayaan ang mga kaklase kong mag-inuman kina ding-dong. Hindi pa ako nalasing sa talambuhay ko, pero last night napansin ko na lang sarili ko na paulit ulit lang ang mga sinasabi ko at saka ganun pala pag lasing na kailangan nag sisigawan talaga kami sa pag uusap. Lasing na din mga kausap ko, yung sa mga sinasabi kong paulit ulit- pa ulit ulit lang din ang sagot nila. Nakaka-tawang isipin kase seryoso ito ang unang pagkakataon na nalasing talaga ako. Hilong hilo ako pauwi at para makumpleto ang pag-uwi ko nag sususuka ako. Pers taym ko talaga malasing ganun pala ang feeling kase di ka agad makatulog sa hilo.

Kaya kaninang umaga pinilit kong pumasok sa math tangnang hilong hilo ako di ko alam mga tinuro nang prop, naiintindihan ko na tuloy si pareng j.a.m pag pumapasok siyang bangag. Ganun pala ang feeling ng lasing. Masaya sobrang saya pala nang ganun. Kaya sobrang pasalamat ako sa mga kainuman kagabi; kina Jim, Derek, Jem at siempre kay Dingdong.

May na diskubre ako, ang gagaling pala naming mag si-pag inglisan pag lasing!

Next time ulit! gusto ko yung next time yung kwan yung gumagapang na ako pauwi. Kaya sa mga pag kakataong may inuman di ko na palalampasin, di na ako aayaw masarap naman pala mag pakalasing. Hindi naman siguro magagalit si papa Jesus kase sa bibliya gumawa nga siya ng alak hindi po ba. . . pero wala namang nalasing. . pero kahit na hindi naman talaga masama . . . wag lang siguro everyday na maapektuhan na ang pag aaral mo at mga trabaho mo sa buhay. lols. lab'y'all.


**special shout outz to " tatang jem" happy birthday tsong! isa kang mabuting tao. Bukas na yan feb 20. tamang tama saktong pamasahe lang dadalhin ko. Hahaha!

No comments:

Post a Comment