Tuesday, February 17, 2009

UNSENT LETTER TO MY CLASSMATES

TO ALL MY CURRENT CLASSMATE

You know how much I love you guys. Naks! Parang the bomb! Hindi honestly mahal ko talaga ang mga kaklase ko. Napansin ko lang kase lately parang nag kakapikunan na kayo, may nagkakagalit na dahil sa simpleng biro, below the belt na ang mga biro. Sana maging sensitive din tayo sa nararamdaman ng iba nating mga kaklase. Ang lalakas kasi mag biruan minsan hindi na tayo aware na may nasasaktan. Ikaw ba naman sabihan nang “ hindi kaya ako sinungaling! Nag sisinungaling ako kung sinasabi kong maganda ka!” tapos narinig nang buong klase at tatawanan siya. Well kung talaga nga naman di siya maganda wag na natin ipamukha sa kanya kase sigurado naman alam na niya yun.

At kung may natutulog sa klase, pabayaan niyo na lahat naman tayo kanya kanyang idlip sa klase. Anaphysio ba naman di mo tutulugan eh talaga nga namang para kang hinihele nung prof nating doktor doon. Saka huwag natin pupukpukin ang mesa habang may natutulog baka masigawan ka, bagong gising eh. Sabi nga eh “mag biro ka na sa lasing, wag lang sa bagong tikol este bagong gising”.

Basta mga parekoy/marekoy. Pag may problema kayo sa mga subjects/assignments/projects natin lapit lang kayo sa akin. Willing naman ako mag turo basta alam ko, naks ganyan ko talaga kayo ka mahal. Kahit ang natitira kong kendi pag hiningi mo ibibigay ko nang maluwag sa loob. Kung wala kang pantasa, lapis, ballpen, stapler, scotch tape, glue hingi o hiram ka lang sure yun di ka mabibigo. Pero kung pambayad ng tuition ang problem tara manalangin tayo.
Sige hanggang dito na lamang.

Nag mamahal,
Arzy Pablo

No comments:

Post a Comment