Friday, February 20, 2009

Gusto kong kaibigan

Kung magkakaroon ako ng kaibigan sino ang mga gugustuhin kong maging kaibigan.. Hindi naman dahil sa gold digger ako o ano pero naisip ko na kung sino ang mga gusto kong kaibigan pag tumanda tanda na ako bata pa kase ako.

Una gusto kong magkaroon ng DOKTOR o DENTIST na kaibigan, o di ba ayus yun malaki ang madidiscount ko kapag kailangan ko mag pa check up sa kanila at siempre dahil kaibigan nila ako ng sobra sobra baka libre na talaga ako every check up ko, asawa ko maging ang anak ko.

Pangalawa gusto ko magkaroon ng kaibigang MEKANIKO para naman makasave din ako sa pag papaayos ng sasakyan ko.

Pangatlo TECHNICIAN mapa-electric o computer technician alam niyo naman na siguro kung bakit.

Yan siguro ang top 3 ko magiging madali ang buhay kung may mga kaibigan akong ganyan..."sige na po papa Jesus bigyan niyo po ako nang kaibigang mga ganyan. . . . .eee

Kayo ayaw niyo ba?

No comments:

Post a Comment