Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko uumpisahan at tatapusin ang sulat na ito. Apat na taon na rin pala ang blog na ito at sa loob ng apat na taon ay napamahal na kayo sa akin mga katuga (naks). Gusto ko magpasalamat sa lahat ng sumuporta ng blog na ito, sa lahat ng nakitawa, nakisaya at nakiluha sa akin, maraming salamat!
Sa mahigit dalawang libong blogger followers at facebook likes ng ka-blogs-tugan, iilan lang talaga ang nakakakilala sa akin dito sa totoong buhay. At hanggang ngayon Pablong Pabling at Paps pa rin ang tawag ninyo sa akin.
Matagal ng binabagabag ng Diyos ang puso ko na tanggalin na ang blog na ito dahil alam kong napaka-makasalanan ng mga kung ano anong sinulat ko sa mga nakaraang taon. Opo mga katuga, makasalanan ako! Lahat tayo makasalanan pero lahat tayo kayang patawarin ng Diyos sa ating mga kasalanan.
Nitong taon ay niyaya ako ng aking ex-girlfriend para magsimba sa church nila (Victory Christian Fellowship), matagal na akong kristyano pero hindi ko isinasabuhay ang mga aral ni Jesus Christ, kumbaga kristiyano lang ako kapag may kailangan ako, pero pag wala pinapamuhay ko pa rin ang kasalanan. Nitong taon din nawala na ang ex-girlfriend at alam kong tuluyang nawala na siya sa akin. Pero alam kong ibinigay niya sa akin ang pinakamagandang regalo - ang ipakilala sa akin ng husto ang Panginoong Diyos. At bago ko tanggalin ang blog na ito, gusto ko rin ipakilala sa inyo ang Panginoong Diyos.
Kasalanan ang nag hihiwalay sa atin sa Diyos. Ako mismo ay makasalanan, nagkasala. Kung mamamatay ako sigurado sa imyerno mapupunta ang kaluluwa ko. Pero dahil mahal niya tayo, ibinigay niya ang kanyang anak na si Jesus Christ para tubusin tayo sa ating mga kasalanan. I am a sinner but God loves me so much that he sent his only son Jesus to die on the cross to save me from my sins (kung pwede pang gawing mas plural yan at dagdagan ng maraming letter s dahil sa sobrang dami ng kasalanan ko, gagawin kong sinsssssss eh) . And by faith I know when I die I am saved from the eternal torment in hell.
Who am I a sinner to enter the kingdom of God? Sa sobrang kabanalan ng Diyos ang kasalanan sa kanya ay nakasusuklam, nakaririndi, nakasusuka at kasulasulasok. I realized that as a son of God I need to depart from evil. Most of the time I use to excuse myself from doing or engaging into sin for the reason that I am only human "nagkakasala" and knowing that God will forgive me anyway. But this is so wrong in so many levels!
The Lord said "Be holy because I am holy." Hindi naman sasabihin ng Diyos yan kung alam niyang hindi natin kaya. Gusto ko nang magbago ng tuluyan mga katuga at kalakip ng pagbabagong ito ay ayaw ko na ako pa mismo ang magiging daan upang magkasala ang mga tao. Marami akong kalokohan, kabastusan at kung ano anong kabulastugan na isinulat dito na maaring gamitin ni satanas para mahulog sa kasalanan ang isang tao. At dahil sa rason na ito - tatanggalin ko na ang blog na ito.
Nais kong ibahagi sa inyo ang pagmamahal ni Cristo. Sa mga gusto akong makilala sa totoong buhay i-add niyo lang ako sa inyong facebook. (Arkee Blu Robrigado Dioquino). Maraming salamat mga katuga, God bless you all at nawa tulad ko, makilala niyo rin ang Diyos dahil walang kapantay ang pag mamahal na kayang ibigay niya sa atin! I will be deleting this blog by the end of December.
For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. - John 3:16
paps pareho tayo ng church :-) Good to know that the love of God is overflowing in ur heart that you just can't help but to share the Christ that saved us from eternal death. Keep that fire burning so others would see the integrity of life that you live because of the grace that comes from Jesus thay changed ur life...
ReplyDeleteGod bless
hey jepoy! matagal kitang hindi nakita dito. Good thing sa una at sa dulo nandito ka. Salamat! God bless you bro!
DeleteRelihiyoso yung bago mong blog ah. Tutal oks ang pagbabago kung mas makakabuti sayo. At least mapapalapit ka sa Diyos at mapapamahagi mo pa to sa iba.
ReplyDeleteSiguradong mamimis ka namin pre.
* Pareng Jay was here
Maraming salamat pareng jay sa patuloy na pag dalaw dito.. God bless you pareng jay!
Delete:(
ReplyDeletewag na malungkot bro!
Deleteadd me on facebook! :D
you will be missed paps!
ReplyDeletesalamat bro! Dude add me on facebook :)
Deletesame tayo... kristiyano lang pero hindi naisasabuhay ang teachings. Pero wala pa akong desisyon kung maghahanap ng ibang religion. For me kasi it really depends on your own mental and emotional will.
ReplyDeleteSayang naman at idedelete mo yung blog mo pero sino ba kami para pigilan ka, ikaw ang lubos na makakaalam kung ano ang nararapat gawin. ANg magagawa namin ay suportahan ka.
:D Thanks sa mga funny post during those active days mo. nakakatanggal stress ang mga posts mo! :D
salamat pareng khantotantra! Nawa ay matagpuan mo rin kung ano ang natagpuan kong pag mamahal kay kristo. God bless you my brother!
DeleteKung ano man ang iyong desisyon ser. Gawa ka ng bagong blog kung icoclose mo nato. Naintindihan kita. Isa rin akong Kristyano :)
ReplyDeletemaraming salamat archiviner! hindi man kita nakikita ng madalas dito~ pero maraming salamat pa rin! God bless you bro!
Deletehey paps, think of me as a conscience of this blog.
ReplyDeleteInternalize...
Are you ready?
FUCK YOU! Minahal namin yung Pablong Pabling na creator at author ng blog na to! Mistulang inuman session kada nagbabasa kami ng blog mo. We fed you, your ego, and made you feel fulfilled, and now you're just leaving us because of absurd reasons? Basahin mo nga uli itong blog mo mula sa umpisa- masaya di ba? Masaya ka noong mga panahon na yon. Re-evaluate your life at present, masaya ka ba? Sabihin mong nagagalak ka dahil nasa iyo ang diyos at papakyuhin kita uli. Masaya ka sa crowd, sa attention, sa energy tuwing sumasamba ka, pero tanggalin mo yan at mag 1-on-1 kayo ng pastor mo sa isang kwarto and let's see if you still feel complete afterwards.
Hindi ba masaya maging makasalanan kung alam mo lang ang limitasyon mo? Being holy is boring- you can't leisure drink, can't buy things on a sunday, can't masturbate, can't think of contempt, can't imagine mila kunis naked, can't lie, can't be HUMAN. Tila pinupurga ka tuwing makakaisip ka ng masama, even for your own entertainment. I'm not telling you to stop worshiping, i'm just telling you to stop obsessing.
What if there's no other end of the line. What if lang. Then you have live a boring life. Etong blog na to, pinapakita neto ang simple joys of a normal human being- and that joy is best exemplified by sin. Ang hirap kase sainyo ino-over analyze nyo ang sin. Gusto nyo pure na pure kayo. Well bad news hypocrites, you aren't, and best you could do is enjoy it.
Please, please paps, we loved your style. You are born a playful adventurer, a good observer,and a simple joyful humorous man. So stop imitating god and continue writing your adventures. Sa ibang tao kasi, inspirasyon yan for going on.
Bro kung tayo na lang kaya ang mag 1-on-1 at ipapakita ko sa iyo kung gaano kasaya ang buhay ko ngayon now that I finally found the truth.
DeleteFrom what you said that what if there's no other end of the line. What I can say bro is that I don't want to risk my life on that what if's.... What if meron? What if wala? Kung meron I gained everything, kapag wala I lose nothing.
God loves you bro. Lets talk.
Naunahan ako ni Jepoy! Haha! Pareho din tayo ng church dahil pareho kami ng church ni Jepoy dito sa SG. Ia-add kita sa FB!
ReplyDeletehey! the gasoline dude! long time no talk ah. God bless you bro! add me on facebook!
Deletemay kapalit na pala na blog eh... ;)
ReplyDeleteoo. nice may anghel lang na dumaan? God bless you anne!
Deletepaps, nakakalungkot kung ito na nga ang huling sulat mo, nakakamiss, pa-kiss nga hehe. tingin ko hindi lang mga kalokohan at kabalastugan ang natutunan ko dito, ngunit mga muntik aral din na ibinabahagi mo sa aming mga mambabasa. kaibigan, u made a right decision. to god be the glory.
ReplyDeletesalamat anthony! you are back!
DeleteGod bless you bro!
gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama ^_^
ReplyDeletedi ko alam kung mangyayari din sa akin ito... lalo pat unti unti na akong nagiging active ng church... pero sa ngayon... wala pa ako sa point na... i give up ang mga bagay na ginagawa ko... siguro balance lang... depende sa mga susunod na panahon hehehe
ReplyDeletepareng jondmur! add mo ko sa facebook. lets talk! God bless you!
DeleteI can't remember kung nakapag comment na ako sa mga post mo pero napapadaan ako dito para basahin ang mga post mo. I found you blog in kuya drake's blog list.Madami na din ako nabasa sayo. Sayang hindi tayo nagkaron ng chance na magkakilala na ikaw si Kuya Pablong Pabling at ako si Dark Lady, pero ok lang yan new life naman diba? May new blog na din ako as siCONkase. Lahat tayo may kanya kanyang pagbabago. Nabasa ko yung comment ni anonymous,maybe nalulungkot lang sya sa pag goodbye mo.Life is so short so it's better to choose now what makes you happy. Go lang ng go! :)
ReplyDeletehey con. maraming salamat sa pag babasa kahit di ka nakakapag comment, maraming salamat. Add mo ko sa facebook. God bless you!
Deletepaaaaapppppsssss..... goodluck sa pag-re-new ng life mo... see u at tumblr and fb... il gonna miss your kalokohan here... apir! ^_^
ReplyDeletesalamat hetz~ may bago na akong blog !
Deletewow. paps, ok yan. bagong buhay. teka, baka isipin mo kung sino 'tong Elisa na'to. si Choknat lang 'to. lol. gawa ka na lang ibang blog, baka nga meron ka nang nagawa. puro kalokohan nga dito, pero mamimiss ko rin. nakakamiss na nga mga kasabayan natin eh. anyway, ang pagbabago ay mabuti, yung tamang pagbabago. :)
ReplyDeletehuy choknot! long time no choknot ah.. kamyusta ka? salamat sa patloy na pag dalaw dito. may bago na akong blog!
DeleteArkee Blu Robrigado Dioquino:
ReplyDeleteWe all enjoyed your blog, and even if there were times when you were writing some irreverent topics, they really haven't gone to the point of crossing decency and good taste.
Everyone of us has to live his own life. No matter what decisions you make, may you thrive and live to the fullest, full of happiness and peace within your heart and soul.
For now, do your review and take that pesky Nursing Exam to make you a Registered Nurse in the USA.
Good luck, dude.
hey the cool canadian! wala na akong pwedeng masabi sa iyo kundi salamat salamat salamat!
DeleteWhaaaaat? Noooooo!
ReplyDeleteEwan ko. Mixed emotions ako right now like omg (arte lang 'no) pero ewan ko... gan'to talaga ang napi-feel ko 'pag may blogger na magde-deactivate ng blog niya. I understand you naman pero I hope 'wag mo na lang 'tong burahin. It holds a lot of good memories, for sure. At least, may babalikan ka kahit pa'no.
But I am happy for you. I really am. So, pa'no ba yan? Kita kits na lang sa langit. You will be missed, paps!
hey hoobert the awesome! thank you so much brother! salamat salamat salamat! may bago akong blog bro. kita kita muna tayo dun bago sa langit. God bless bro!
DeleteOhhh noooo!!!!!!!
ReplyDeletePlease paps wag mo na lang tanggalin to! everytime na wala akong ginagawa o kaya im bored binabasa ko yung post mo ng paulit ulit, natatawa pa rin ako. pls paps gawa ka na lang ng bago pls paps wag mo naman tanggalin toh.
salamat po.
Deletemay bago akong blog. nawa ay magpunta ka pa din dun. salamat bro!
masarap sa piling ni LORD :)
ReplyDeleteDi ko nakwekwestiyunin kung bakit isasara mo 'tong blog na to. It's your decision at laam ko pinagpray mo rin ito. Pag si Lord ang humingi we can never say "no" ano? He deserves it .
sana magkaroon ka ng inspirational blog pare.
Godbless you. Welcome to the club :)
bro bagotilyo. check my newest blog. www.the-prodigal-son.blogspot.com
Deletesalamat salamat salamat! God bless you bro!
sana balikan mo parin kami dito sa blogosphere ;-)
ReplyDeletephioxeeee. may bago na akong blog! =)
Deletepaps habang binabasa ko to halos maiyak ako,damang dama ko sa bawat salita mo ang pagbabagong nasa iyo. ako alam ko naliligaw me pero alam ko din JESUS IS ALWAYS THERE FOR US. Norms
ReplyDeleteAntagal kong nawala for some personal reasons, tapos pagbalik ko tapos na tong blog na to? hay... Pre, I know you're on the right path... Will still follow you dun sa bagong blog mo... Siguro isa lang sa mga sinabi mo ung hindi ko matanggap, ung sabi mong puro kasamaan lang laman nitong blog na to..if you remember, ako ung nagbackread ng lahat ng entry mo, and I must say, marami akong natutunan, many entries inspired and touched me, especially ung kay lola.. anyway, nobela na to, kaya tama na, basta follow your heart's desire.. Suportahan ka namin :)
ReplyDeleteExcellent post. I am going through a few of these issues as well.
ReplyDelete.
my site ... twitter buy followers
:)
ReplyDelete