Dahil ngayon lang ako nagbalik. Kailangan makabuluhan at may matutunan kayo sa akin. Tuturuan ko kayo kung paano ang pagpapakulo ng tubig.
Mga Sangkap at Gamit na Kailangan.
1. Takure
2. Tubig
3. Stove
4. Kutsara
5. Tinidor
Paraan ng Pagpapakulo.
1. Ilagay ang tubig sa takure depende sa dami ng kailangan.
2. Ipatong sa stove at i-turn ang knob para mag apoy.
3. Hantaying kumulo (Depende ang tagal sa dami ng tubig)
4. Pagkumulo na. Okay na yan. Di mo na kailangan ng kutsara at tinidor. Pero kung gusto mo gamitin ang kutsara, tikman mo ang tubig gamit ang kutsara, pero hipan mo muna baka mapaso ka at para masaya gamitin mo na din ang tinidor, tusukin ang tubig at i-check mo kung malambot na.
Sige mga katuga! Sana may natutunan kayo! Sa uulitin!
Tuesday, August 25, 2015
Friday, May 17, 2013
POINTING SYSTEM (Ting!)
Sabi ng kaibigan kong reader ng KBT. "Pre bakit ganyan ka naman? Pagkatapos mo kaming pakainin ng masarap mong adobo bigla mo kaming pakaka inin ng putaheng hindi namin alam?." Paano naman namin kakainin yan? Alam mo pre parang ang pakiramdam ko ay iniwan mo kami sa ere. Hindi mo ba alam na lagi kong binabalikan ang blog mo kahit mag pa ulit ulit na ako? Pero wala eh ang korny na ng bagong blog mo.
Sagot ko naman. "Bakit kase hindi mo tikman nang iyong malaman? Mas maraming kang pagkaing makakain kung marami kang susubukan. Malay mo masarapan ka! Sumagot ulit siya. "Kase dapat hindi biglaan! yung tipong parang baby, hindi mo naman agad pakakainin ng karne ang baby na dalawang buwan pa lang! Dapat unti unti hanggat matutunan naming kainin ang pagkain mo.
Natahimik ako. Parang pumuntos siya. (Ting!)
Bago sumagot ulit. "Teka teka ano ba kase pinag uusapan natin?"
Yung blog mo! Bigla bigla kang nagpalit ng blog eh!
~ ~ ~
Kamusta mga katuga? Ayos pa ba kayo diyan? Na miss ko kayo ah! Talagang tumataba ang puso ko kapag may mga nakaka alala sa akin dito. Simula nang mag pa alam ako dito, marami akong nakilala na mga silent reader ng blog na ito. Salamat sa lahat ng nag message para kumontra, para mag paalam, mga nag inuman at sa mga nag rally sa edsa para hindi ko tanggalin ang blog na ito. Maraming salamat!
Konting balik tanaw lang. Ma-kwento ko lang mga katuga! Sa wakas ng panahon, sa hinaba haba ng kuko kong nagupit na, sa wakas nakatapos na rin ako ng kolehiyo. Wala akong pictures na ma ipapakita. Trust na lang mga brad (Oo maniwala kayo nakatapos ako. Haha!).
Actually, hindi talaga ako nag pakuha ng maraming pictures na naka toga. Pano ba naman ilang taon akong nag pa pogi sa klase, araw araw ata akong naliligo at nagpapabango pa tapos sa araw ng pagtatapos ko sa pag aaral eh pag susuotin lang ako ng parang kulambong itim, tas parang bestida na di matanto. Malabo talaga mga brad! Pero ayos lang nakaraos na rin ang araw na iyon, hindi mo alam kung magiging masaya ka sa itsura mo o hindi, pero yeah pinili kong maging masaya.
Inaabangan nga ni ermat yung picture frame ko na nakasuot ng toga, isasabit niya daw sa pader kahilera ng kuya kong nauna na. (Nauna nang grumaduate). Wala talagang maisasabit diyan me, sabi ko. Pwede ba yung picture ko na lang nung nag cosplay ako ng dao ming si ampogi ko nun! Di daw pwede. Ok.
~ ~ Anyhow, inihaw. Nice na miss ko ang mga inihaw na yan dito sa ka-blogs-tugan ah! Bakit ako sumulat ulit dito? Aside sa madami ang nag rerequest (maraming salamat) Napagtanto ko lang na pwede pa naman ako mag sulat dito kasabay ng pag susulat ko sa bago kong blog. Sabi nga ni kaibigang reader na ayaw tumikim ng bagong putahe. "Pre, bumalik ka na sa ka blogs tugan, nabubuhay ka pa sa mundo, madami ka pang pwedeng maisulat. Hindi naman lahat ng sinusulat mo masasama eh!" Normal lang sa tao ang mga nasusulat mong karanasan. Kung kasalanan man yung mga maisusulat mo ayos lang yun! Bakit di mo gamitin yun para matuto kami sa mga pag kakamali mo?"
(Ting!) Parang pumuntos nga siya ulit.

Saturday, November 10, 2012
Huling Sulat
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko uumpisahan at tatapusin ang sulat na ito. Apat na taon na rin pala ang blog na ito at sa loob ng apat na taon ay napamahal na kayo sa akin mga katuga (naks). Gusto ko magpasalamat sa lahat ng sumuporta ng blog na ito, sa lahat ng nakitawa, nakisaya at nakiluha sa akin, maraming salamat!
Sa mahigit dalawang libong blogger followers at facebook likes ng ka-blogs-tugan, iilan lang talaga ang nakakakilala sa akin dito sa totoong buhay. At hanggang ngayon Pablong Pabling at Paps pa rin ang tawag ninyo sa akin.
Matagal ng binabagabag ng Diyos ang puso ko na tanggalin na ang blog na ito dahil alam kong napaka-makasalanan ng mga kung ano anong sinulat ko sa mga nakaraang taon. Opo mga katuga, makasalanan ako! Lahat tayo makasalanan pero lahat tayo kayang patawarin ng Diyos sa ating mga kasalanan.
Nitong taon ay niyaya ako ng aking ex-girlfriend para magsimba sa church nila (Victory Christian Fellowship), matagal na akong kristyano pero hindi ko isinasabuhay ang mga aral ni Jesus Christ, kumbaga kristiyano lang ako kapag may kailangan ako, pero pag wala pinapamuhay ko pa rin ang kasalanan. Nitong taon din nawala na ang ex-girlfriend at alam kong tuluyang nawala na siya sa akin. Pero alam kong ibinigay niya sa akin ang pinakamagandang regalo - ang ipakilala sa akin ng husto ang Panginoong Diyos. At bago ko tanggalin ang blog na ito, gusto ko rin ipakilala sa inyo ang Panginoong Diyos.
Kasalanan ang nag hihiwalay sa atin sa Diyos. Ako mismo ay makasalanan, nagkasala. Kung mamamatay ako sigurado sa imyerno mapupunta ang kaluluwa ko. Pero dahil mahal niya tayo, ibinigay niya ang kanyang anak na si Jesus Christ para tubusin tayo sa ating mga kasalanan. I am a sinner but God loves me so much that he sent his only son Jesus to die on the cross to save me from my sins (kung pwede pang gawing mas plural yan at dagdagan ng maraming letter s dahil sa sobrang dami ng kasalanan ko, gagawin kong sinsssssss eh) . And by faith I know when I die I am saved from the eternal torment in hell.
Who am I a sinner to enter the kingdom of God? Sa sobrang kabanalan ng Diyos ang kasalanan sa kanya ay nakasusuklam, nakaririndi, nakasusuka at kasulasulasok. I realized that as a son of God I need to depart from evil. Most of the time I use to excuse myself from doing or engaging into sin for the reason that I am only human "nagkakasala" and knowing that God will forgive me anyway. But this is so wrong in so many levels!
The Lord said "Be holy because I am holy." Hindi naman sasabihin ng Diyos yan kung alam niyang hindi natin kaya. Gusto ko nang magbago ng tuluyan mga katuga at kalakip ng pagbabagong ito ay ayaw ko na ako pa mismo ang magiging daan upang magkasala ang mga tao. Marami akong kalokohan, kabastusan at kung ano anong kabulastugan na isinulat dito na maaring gamitin ni satanas para mahulog sa kasalanan ang isang tao. At dahil sa rason na ito - tatanggalin ko na ang blog na ito.
Nais kong ibahagi sa inyo ang pagmamahal ni Cristo. Sa mga gusto akong makilala sa totoong buhay i-add niyo lang ako sa inyong facebook. (Arkee Blu Robrigado Dioquino). Maraming salamat mga katuga, God bless you all at nawa tulad ko, makilala niyo rin ang Diyos dahil walang kapantay ang pag mamahal na kayang ibigay niya sa atin! I will be deleting this blog by the end of December.
For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. - John 3:16

Thursday, October 25, 2012
Holiday Freak Out!
Hindi ko minsan maintindihan kung bakit palaging may holiday dito. Parang makagat lang ng langgam ang kung sinong pulitiko o santo e mag kaka holiday na. Bilang isang estudyante pabor sakin ang holiday, laging walang pasok, yung 7 days a week na pasok ko pag may holiday twice a week na lang. Ganyan katindi ang holiday dito. Ganyan katindi! kaya mga estudyante dito lagpas tenga ngiti kapag may papalapit na bagyo este na holiday.
Kaso bilang isang mayaman ( hindi naman masama mangarap) ang holiday ay nakaka abala sa pang araw-araw na gawain. Tulad na lamang ng pag lilipat ng milyong milyong piso sa banko. Hindi mo magagawa yan kapag holiday, saturday at sunday. Isipin mo sa isang linggo imbes na 7 days a week ka nag lilipat ng milyon milyong piso 4X na lang sa isang linggo. Ang hassle di ba pre?
Kaya naman pag nag patayo na ako ng banko bukas o sa makalawa, itataob ko lahat ng mga banko na nag eexist sa mundo. Open ang banko ko 24/7 parang 7-11. Ang ka-ibahan lang namin sa 7-11 banko kami at hindi nag titinda ng siopao at footlong. Bukas din kami kapag saturday, sunday lalo na pag holiday!
Naiintindihan ko talaga kayo mga katuga! ganyan din ako, busy din ako pag monday to friday tapos kapag free ka ng holiday, saturday at sunday tsaka naman sarado ang mga ka-bankohan sa buong sulok ng daigdig.
May pinag dadaanan lang ako. Muntik lang tumaas ang BP ko dahil sa holiday na yan. Sarado ang mga banko, huminto ang mundo, nganga ang mga tao. Pero nag deep breathing exercises na lang ako at naalala ko ang bible verse na ito. Naks!
But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, self-control; against such things there is no law.- Galatians 5:22-23

Saturday, September 22, 2012
Paaaralin ko sila!
Karamihan sa mga scholarship programs ngayon ay puro lang para sa mga matatalinong mahihirap. Sa palagay ko hindi tama ito. Paano naman yung mga hindi matatalino? Hindi na makakapag aral? Ganon? Kapag yumaman ako at magkaroon ng tyansa na makapag tayo ng scholarship program, paaaralin ko ang mga babaeng magagandang mahihirap. Walang entrance exam, 2x2 picture lang! Basta maganda pasok na at huwag nyong lagyan ng malisya, kayo talaga! libreng paaral ito na walang halong kapalit. Hindi ba kayo naawa? Dumadami na sila! Magaganda nga pero kapag tinanong mo ng 10 x 10 / 2 = ____. Nganga!
At dahil sa hindi sila nakapag aral, sila yung mga babaeng magaganda na napupunta sa mga night clubs at ginagamit ang itsura nila para kumita ng pera. May nakausap ako noong babae na nag tatrabaho sa night club, nagkwento siya patungkol sa naganap na baha nung habagat. Binaha daw sila at lumangoy daw talaga siya dahil sa taas ng baha, napainom daw siya ng tubig baha. Kaya daw pag uwi niya ng bahay agad agad siyang uminom ng mainit na tubig para daw mamatay yung bacteria na nainom niya galing sa tubig baha. Napa nganga ako dun at kamuntik ng mapa tumbling sa joke niyang totoong ginawa niya pala. Kaya kapag ako ang yumaman. Paaaralin ko sila! Fair dapat!
Eh kung si God nga pantay pantay ang pag mamahal satin e. Dapat ganun din tayo.. Okay sige. Scholarship for all na lang! Hindi lang puro sa magagandang mahihirap, sama na din ang mga hindi magagandang mahihirap (luging lugi ah).

"For God does not show favoritism". Romans 2:11
Mahal niya tayong lahat :)
Mahal niya tayong lahat :)
Monday, September 10, 2012
Sulat Para Sa Mga Kababaihan
(photo credits www.arclicks.tumblr.com)
Kamusta na mga katuga? Pasensiya na at ngayon lang ulit nakapag sulat. 7 days a week at 8 hrs a day kase ang pasok ko at medyo tinatapik at inaayos kase ni Papa Jesus ang buhay ko (Naks). Umpisahan na natin ang usapan.
7 is to1 ang latest ratio ng female at male sa Pilipinas. Ibig sabihin merong pitong babae sa isang lalake. Saan galing ang statistics ko? Tanong mo sa DOH. Hindi niyo ba napapansin sa mga palabas netong mga nakaraan? Dati dalawang lalaki ang nag aagawan sa isang babae, ngayon kung napansin niyo mapa pelikula at palabas sa telebisyon dalawang babae na ang nag aagawan sa isang lalake.
Dati ang dalagang Pilipina, hindi yan lumalabas ng bahay, nandoon lang yan sa loob, nag susuklay ng mahabang buhok habang nakadungaw sa malaking bintana (malalaki talaga bintana noon dahil wala pang akyat bahay gang), sa hapon naman naka higa sila sa duyan habang nag babasa ng romantic pocket books. Hindi man sila masiyadong nakikita ng mga kalalakihan sa labas, wag ka sa labas ng bahay niyan kasing haba ng pila sa LRT ang manliligaw niyan.
Ngayon ang mga kababaihan laging ng nasa labas ng bahay at kahit ihampas nila ang kanilang beywang sa magkabilang sulok ng daigdig, pag uwi niyan single pa rin yan at wala man lang nag tangkang lalaki na makipag kilala sa kanya. Bakit kamo? Dahil kulang na nga ang mga kalalakihan ngayon. 7:1 nga di ba?
Kaya payo ko lang sa mga kababaihan, wag na po mapili, wag na po kayong "Ayoko nga diyan sa lalaking yan ang laki laki ng ilong! masinghot pa ako niyan! o kaya "Ayoko nga diyan sa lalaking niyan ang itim itim parang pwet ng kaldero!". Mga babes tandaan niyo 7:1 marami kang ka kumpetisyon. Malay mo kapag di mo pa pinatulan yan last na manliligaw mo na yan at baka umabot ka na sa 75 single ka pa din and looking.
Pansin niyo dumadami din ang mga beauty salon ngayon? Kahit saang kanto ata makaka kita ka ng "REBOND 800 pesos only!" Uso ang rebond ng buhok sa mga kababaihan dahil ayon sa pag aaral, gusto nilang mag paganda at maka akit ng mga kalalakihan. Kaso lang di ko talaga maintindihan bakit pa rebond ng pa rebond sila ng buhok wala namang pinag bago ang mukha nila ganon pa din, mahaba. Di na lang ipunin yung pang rebond tapos pag malaki na yung pera, papalit sila mukha.
Di ba ang mga konti lang pinapahalagahan? Tulad ng diyamante, yung mga lalaki ngayon parang diyamante yan, mga babae parang bigas na lang. (Biro lang naman). Kaya mga girls dapat kayo na ang nanliligaw ngayon! (Biro lang naman ulit)
Pero kung plano talaga sa iyo ng Diyos na maging single ka, wag ka ng malungkot, malay mo bukas o sa makalawa single ka pa din, walang bago, pero wag ka mag alala merong mas higit na plano ang Diyos sa buhay mo.
God's plan is much bigger (and better) than ours. Sabi sa Jeremiah 29:11 For I know the plans I have for you, "declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
- Pablong Pabling bagong buhay po!
(If you like to share this on facebook just hit the facebook button below. Thanks!)
Saturday, June 23, 2012
Ang FUN-lilinlang
Kamakailan ay may nag shooting dito sa Pilipinas na Hollywood film. Iyon yung Bourne Legacy, ito yung mga panahong tuwang tuwa ang mga Pilipino dahil napili ang ilang bahagi ng Maynila na pag ganapan ng isang malaking pelikula. Ako hindi ako masiyadong natutuwa dahil naabala nila ako sa araw araw ko na normal na buhay. Akalain mong lakas loob nilang isinasara ang mga daan para sa pelikulang yan. Ilang oras ka matatrapik at mag kakandaletse letse habang tuwang tuwa ang mga kano na iyan sa kung gano kadumi, kasikip, katrapik at kapangit ng Maynila.
Napanood ko ang trailer ng pelikula. Mas natuwa sana ako kung ang mga ipinakitang lugar ay yung kung saan maganda ang itsura at lagay ng bansa natin. Hindi kung saan trapik, kung saan ang asong ulol ay malayang tumae sa kalsada, makipot na iskenita, mga dyip na walang disiplina, iskwater area. Boom!!!. Asan ang its more fun in the Philippines? Sabi pa ng Department of Tourism "Malaking tulong daw ang pelikulang ito para sa turismo ng Pilipinas". LOLOLOLOL! Ikaw ba pupunta ka sa ganitong klaseng lugar? Mainit, hindi sumusunod sa stoplight ang mga sasakyan, sobrang trapik, siksikan sa LRT at MRT, kung saan saan tumatawid at bumababa ang mga pasahero. Kung saan pwedeng bayaran kahit barya ang pulis pag may atraso ka, kung saan ang kalsada ay isang malaking garbage bag, tapon dito at tapon doon, may bonus pa! papasok ka sa isang malaking pink na lata at doon pwede ka nang umihi till you drop, kung saan butas butas ang kalsada dahil sa mga pahukay ni mayor at walang deadline kung kelan dapat matapos, mausok na mga tambutso at itim na kulay ng hangin at lastly kung saan potaenang parang araw araw nasa hukay ang isa mong paa.
Sino ba talaga sa inyo ang mga proud na maging Pilipino? Puro kayo pakikipag away sa kung kanikaninong lahi, hindi niyo matanggap ang baho ng bansa natin. Kapag may tumapak satin sobra tayo kung tamaan. Bakit? Dahil totoo. Dahil hindi naman talaga It's more fun in the Philippines. Dahil ang totoo, laganap ang kidnaFUN, holdaFUN, carnaFUN, FUNdurukot, FUNkokotong, FUNre-rape, kahayuFUN, FUNngungurakot at FUNdarambong ng mga politician, hindi pa rin tayo makabangon sa kahiraFUN at higit sa lahat hindi talaga FUN ang ginagawa nilang FUNlilinlang sa mga pilipinong sinalat sa kaisiFUN.
Kaya kalokohan yang Its more fun in the Philippines! Ang kailangan natin maraming electric fan ng mahanginan ang mga nag papatakbo ng ating bayan at makapag isip ng tama.
Pasensiya na mga katuga. Paano ba natin ito masusulusyonan? Pa-BP nga.
ps: at please tigilan na ang pag yayabang na dito ginanap ang ilang bahagi ng eksena sa Bourne Legacy. Walang silang paki alam kung san ginanap yan, ang paki alam nila ay yung kwento ng pelikula. Hindi yung its more fun in the Philippines. Tragis. I'll brace myself, patriotic Filipinos are coming.
Subscribe to:
Posts (Atom)